KABANATA 1

17 0 0
                                    




Naked Island






"No, Aubrey will come with me sa US" Dad utter every words with finality na para bang wala ng makakapag-pabago ng isip niya. Kinuha niya ang baso sa harap niya tsaka ininom ang laman nito.


Napasinghap si Mommy. Kinuha niya ang ang serving spoon bago sumandok ng kanin para ilagay sa pinggan ko bago pa siya naglagay sa kanya.


"George, don't you think you're being unfair? Gusto ko ring makasama ang anak ko dito sa Pilipinas" Mom's voice is laced with annoyance. Hindi niya matanggap ang desisyon ni Daddy tungkol sa pag-aaral ko sa ibang bansa.


"At saan mo siya balak pag-aralin dito..." tumigil ito bago tumawang may halong insulto "...sa community college dito sa probinsya niyo? Oh come on! My princess deserves more"  he laughed again na para bang wala siyang ininsulto.


Ramdam ko ang inis ni Mommy dahil dito kaya bago pa tumindi ang away sa pagitan nilang dalawa ay nagsalita na ako. "I'm going back to my room. Tapos na akong kumain"


They both look at me, nakakunot pa ang noo ni Mommy bago siya tumingin sa pinggan kong wala ng laman samantalang nakangiti namang tumango si Daddy like claiming na panalo na siya sa laban. I kissed them both on the cheeks and said my goodnight bago umakyat sa taas.


Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng kwarto ko ay narinig ko na ang continuation ng pagtatalo nila. They are planning my life as if I'm some kind of a robot na kailangan nilang i-program! Hindi manlang nila tanungin kung ano ba ang gusto ko! Sabagay, hindi ka pa ba nasanay, self? Lagi naman.


Dumapa ako sa aking kama bago inabot ang phone sa bedside table. A scenery of island with a golden sand as my wallpaper welcomed my eyes and then just like that my annoyance with my life immediately faded. Jomalig! DANG! Ganda!


I open the messenger to chat my bestfriend,

To Maggie:

I can't come. Sorry na agad.


I insert a laughing and heart emoticon para hindi siya masyado ma-badtrip. Maggie is asking me to go with her sa bar para i-celebrate ang gradauation day naman as a senior Highschool student. Graduation, the reason why my parents is with me today---nag-aaway. Well...kahit kelan naman talaga ay di sila nagkasundo kaya nga siguro they decided to broke up, 15 years na ata ang nakakalipas. May iba ng pamilya si Daddy samantalang nanatiling walang asawa si Mommy dahil sabi niya sapat na raw ang isang sakit sa ulo para sa kanya...that's me.


My mom is a college instructor sa community college naming dito sa probinsya while my Dad is a restaurant manager in US kasama ang bago niyang pamilya. Kilala ko rin sila dahil ilang  beses na rin akong nakapag-bakasyon doon. Well they are good to me...pati ang dalawa kong nakababatang kapatid. I don't have any hard feelings about their break up and dad's new family. Tuwing may special occasion naman sa buhay ko ay umuuwi si Daddy dito sa Pilipinas. So I'm cool with it...ramdam ko namang kahit hiwalay na sila ay pinipilit pa rin nilang makabawi sa akin. What I really hate is the fact na hindi nila ako hinahayaang mag-desisyon para sa sarili ko!


Bumangon ako sa kama at inilibot ang mata sa kwarto ko. My eyes landed on a vanity mirror in front of me. Lumapit ako rooon at kinuha ang hair roller para sa ilagay sa fringe bangs ko. Bago pa pumasok ang mga madramang eksena sa isip ko ay tumayo na agad ako para kunin ang maleta sa ilalim ng kama ko. Binuksan ko ito to check if may kulang pa ba sa mga gamit na kailangan kong dalhin. After packing I immediately get my phone to set an alarm to 3 am kaya nabasa ko pa ang chat ni Maggie...


The summer of 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon