" latest update para sa COVID-19 PANDEMIC mas tumataas pa ang bilang ng mga nag positibo sa covid-19, may naitalang 1,000 new cases sa manila at luzon, 310 sa visayas at 118 sa mindanao. Mayroong 1,428 na bagong kaso ang naitala ngayong araw lamang na pumalo na sa 2,049,531 ang total cases. 100 more people with COVID-19 have recovered, bringing the total recoveries to 500, 891. Unfortunately there are 1, 050 people with COVID-19 who have died, the total COVID-19 related deaths are now 254, 678. With a total deaths of 3, 678, 985.
We express our deepest condolence to the love ones of those COVID-19 victim. Keep safe everyone and please stay at home."
Iyan ang huling balitang narinig ko mula sa radio at TV. At ilang buwan na ang nakalipas simula noong araw na iyon.
Nakasilip ako sa bintana tahamik na nag mamasid ng biglang tumunog ang aking tiyan.
Muli akong naghalungkat sa bahay nagbabakasakaling may makitang pagkain. Muli kong binuksan ang ref agad na sumalubong sakin ang mabahong amoy nito dahilan para mapatakip agad ako saking ilong. Nag simula akong mangalkal tanging mga mabahong gulay at mga boteng walang laman ang aking nakita doon.
Ilang araw na akong walang kain. Gutom na gutom na ako. Napahawak ako saking tiyan habang dinadaing ang hapdi at gutom. Diko na malayan ang pagtulo ng aking mga luha kasabay nito ang pag padaosdos ko sa pader ng aming bahay.
"Mommmy.. daddyyy.. ateee ..kuyaaa.. miss na miss ko na kayo"
Diko na napigilan ang sariling mapahagulgol habang iniisip ang aking pamilya at ang aming masasayang alala.
Bigla kong naimulat ang aking mga mata nang makarinig ako ng mga kaluskos.
Bakas ang takot saking mukha kinuha ko agad ang aking jacket at madali itong sinuot. Naghanap ako ng maaring isandata mabuti na lng at nakita ko ang walis. Hinawakan ko itong mabuti at dahan dahang humakbang palapit sa mga kaluskos. Nakahinga naman ako ng mabuti nang nakita ang isang pusa ang dahilan ng mga kaluskos.
Napag pasyahan kong lumabas upang mag hanap ng mga pagkain. Kinuha ko ang aking bag inilagay ko sa loob ang isang extrang damit, mask, flashlight at iba pang kailangan. Papalabas na sana ako nong bigla kong maalala ang isang bagay ang alcohol hand sanitizer. Kinuha ko agad ito nilagyan ang aking kamay at inilagay ito sa bag. Nag suot din ako ng hand gloves para sa protection.
Malakas ang tibok ng aking puso hindi ko alam kung dahil ba ito sa gutom o sa takot.
Pinagmasdan ko ang paligid ibang iba ito kumpara noon. Nawalan na ng sigla ang paligid ang dating makukulay na mundo ngayo'y nabalutan na ng dilim. Para akong nasa ibang mundo kung saan puno ng kadiliman, takot at lungkot kung saan tila may halimaw na nakatira malayo ito sa mundong aking kinalakihanWala ni isang tao akong nakitang nag lalakad. Tahimik ang paligid tanging aking malakas na paghinga at iilang kaluskos sa paligid ang tangi kong naririnig.
Tahimik kong tinatahak ang aking daanan nag simula ng magdilim ang paligid. Di pa ako nakakalayo nang tumambad saking daanan ang mga sir sirang kotse na nag sasalpukan. Sirado ang mga tindahan habang ang iilan ay bukas ngunit parang nadaanan ng mga magnanakaw basag ang mga bintana at wala ng laman ang loob.
Patuloy parin ako sa pag lalakad nang biglang may paapakan akong bagay.
Agad ko itong tiningnan at napagtantong isa itong chichiryang hindi pa bukas.
Gutom na ako kaya agad ko itong pinulot bubuksan ko na sana nang biglang.
"Akinnn na'to" sabi niya saka agad na hinablot ang pagkain.
Napahinto ako at pinagmasdan siyang mabuti.
Isang batang nasa mga sampung taon siguro. Madungis at mabaho halatang gutom na gutom siya. Naaawa ako sa kaniya nasan ba ang magulang niya? Bakit siya lng mag isa? Napahinto ako sa pagtatanong nang maalala ko rin ang aking situation.
Nakapako parin ang tingin ko sa kaniya. Lalapitan ko na sana siya nang bigla siyang umatras.
"W-wag po.. wag niyo akong lapitan.. maawa kayo" takot niyang sabi.
Mag sasalita pa sana ako nang bigla siyang tumakbo papalayo.
Alam kong gutom din siya kagaya ko. At alam kong marami pang kagaya kong nagugutom ngunit mas piniling manatili sa kanilang bahay. Ayaw nilang lumabas takot sila, takot silang mamatay kayat mas ginustong ikulong ang kanilang mga sarili sa loob ng kanilang tahanan para sa kaligtasan nila at ng kanilang pamilya.
Nag simula ng dumilim ang paligid tanaw ko ang iilang ilaw sa mga apartment. Habang ang iba ay patay ang ilaw. May tao pa kaya sa loob? Marami pa kayang buhay na patuloy na lumaban? Marami pq kayang kagaya ko?
Nakaramdam ulit ako ng gutom kaya mabilis akong naglakad nagbabakasakaling may mahanap na convenient store na bukas.
Sa di kalayuan na tanaw ko ang isang maliit convenient store. Pinagmasdan ko ang loob.
"Mukhang may nauna na sakin" sabi ko sa sarili.
Di ako nag alinlangan agad akong pumasok baka sakaling may makuha ako. Nangalkal ako kinuha ko yung mga bagay na mapapkinabangan ko. Nag hanap ako ng pagkain buti na lng at nakita ko ang iilang bote ng tubig. Nakakita din ako ng isang bote ng alcohol at mga gamot agad ko itong inilagay sa aking bag. Pumasok pa ako sa loob at laking pasalamat ko nang makita ko ang mga de lata na mga pagkain. Kumuha ako hanggat sa kaya kong dalhin. Diko maiwasang mapangiti mabubuhay pa ako ng ilang buwan nito.
Nang makontento na ako sa mga na kuha ko napag desisyonan kong umuwi na.
Aalis na sana ako nang biglang may pumalo sa ulo ko tila bumagal ang oras ramdam ko ang panginginig ng aking katawan malakas ang tibok ng aking puso para akong namanhid sa sobrang sakit unti unti ng lumabo ang aking paningin.
"Mommy.. daddy"
Huling salitang lumabas saking bibig bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.
Hey there! Thank you for reading..
Sorry sa mga typo and grammatical errors..Support this story..
Please don't forget to vote and please leave some comments..Lovyahh!!
YOU ARE READING
The Pandemic
RandomThe world is in chaos, naging magulo ang lahat tila na puno ng kalbaryo ang daigdig, na puno ng hinanakit, galit, sakit at pighati. Naghihirap ang sangkatauhan nabalotan ng takot ang lahat sapagkat minu minuto, oras oras, araw araw ay may namamatay...