Chapter 2: Prank

12 0 0
                                    

"Kanina ka pa parang badtrip diyan ahh"

"May problema ba?" Hinaharap ko naman si ate dahil sa tanong niya

"Wala " Maikli Kong tugon..

Nasa bahay na kami ni ate pero hanggang ngayon di parin maalis sa isip ko ang nangyayari  kanina. Nakakainis.. nakakahiya

Sinira niya ang araw ko.

"Wala? Eh bakit ganyan ka?" Tanong ulit ni ate

"Lalaki yan no?" Tanong niya saka ngumisi ng isang makabuluhan..

"Nakakainis kasi  ate"

Sabi ko saka kinwento sa kaniya ang nangyari kanina.

"Hahahhahaha" kanina pa siya tumatawa habang sabi ko ang mga nangyari.

"Ate naman nakaka inis ka"

"Bakit kasi hindi ka muna nangulangot dito sa bahay bago pumunta ng mall" tumamatawa parin siya.

"Wala naman po akong kulangot ate" pagtanggol ko sa sarili ko..

"Gusto mo yung lalaki noh?" Tanong niya

Agad naman akong napailing

"Hindi  ahh.. hinding hindi ako mag kakagusto dun. Di naman yun gwapo eh " sabi ko ngunit alam kong hindi niya iyon pinaliwalaan.

"Weeee?"

"Bahala ka nga" Inis kong sabi

"Hahaha nakakahiya yun sa dami ng mapansin niya yung kulangot mo pa" sabi niya habang nagpapadjak sa tawa.

Bahala siya tumayo ako at agad pumunta sa kwarto. Tumatawa parin siya kainiss...

Agad akong napasalampak saking higaan habang pilit na renirehistro ang mga nangyari kanina.

Kinuha ko ang cellphone ko naisipan kong mag online para makalimutan na din ang kamalasan ko ngayong araw.

"Wala bang magchachat sakin diyan? Final na ha ? Final na?" Basa ko sa post ni Abegail. Aba ang tindi din ng babaeng to nakita kong nag reply si Christian ex niya.

Isa akong dakilang tsismosa kaya agad ko clinick ang comment

Christian:
Don't ask some attention  from them you already have mine.

Abegail:
Ohh really? The last time I checked your attention is for her-- you know that Katrina malandi.

Ohh hahaha di ko mapigilang mapangisi sa nabasa.  That's may friend.

Christian:
Friends lng kami

Abegail:
Friends with benefits

Christian:
Check your message box

Naku.  Naku madadali nanaman si abby sa mga paawa  effects nitong si Christian ano pa nga ba? marupok din tong si abby eh..

Nakita ko naman ang status  na shinare ni Kristine.

" Mention my crush jo-jowain ko"

Talagang may pagkamalandi din tong si kristine. Di nagpapahuli eh.

At dahil nga chismosa ako tingnan ko ang mga comments.

Halos name ng crush niya take note ibat ibang name pero isa sa kanila ang menintion ng madami. Si chielo long time crush talaga yan ni Kristine pero kahit anong pag papansin ginawa niya di siya pinapansin ni Chielo iwan ko ba bakla siguro.. Chouuurr

The PandemicWhere stories live. Discover now