Chapter 1: Kulangot

29 0 0
                                    

"Hoyyy  pangit gising na "

"Pangiiiiiittttt gumising kana diyan"

"Tong babaeng to talaga"

Nandiyan nanaman siya sinisira niya talaga ang tulog ko.

"Ano ba inaantok pa ako "Inis kong sabi

"Ayaw mong gumising ha" muli niyang sabi.

Bigla naman akong kinabahan baka kung ano nanaman ang gagawin niya kilala ko kung pano mag isip ang isang iyon.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ko ang pagsara ng pinto sa kwarto ko. Buti na lng ng maka tulog ulit ako.

"Pangiiiitttttt "muli siyang simigaw.

Busit talaga

"Ano ba? Kitang natutulog yung tao eh!" Inis kong sigaw

"Hoy yong jowa mo nasa labas, kanina pa naghihintay"


Napabalikwas agad ako ng bangon may kung anong nabuhay saking katawan . Agad akong tumayo inayos ko ang sarili at tumingin sa salamin. Ayos naman ang mukha ko. Nagmamadali akong makababa papalabas na sana ako ng kwarto ng may mapansin ako.



"Hahahahha" malakas niyang tawa.

"Kuyaaaaaa" Inis kong sigaw babatukan ko na sana siya ng bigla siyang tumakbo.

"Nakakainis ka kuyaaaa" sabi ko habang hinahabol siya.

"Bakit nanaginip ka pa? " Tanong niya sakin habang tumatawa.

Tiningnan ko naman siya ng masama.


"Nasan na yung jowa mo? Bakit may JOWA kaba?" Tanong niya habang tumatawa at diniinan pa ang salitang jowa.

"Hahahhahaha wala kang jowa tulog kana ulit baka nanaginip ka pa" sabi niya habang paalis sa kwarto ko.

Busit talaga nakakainis.

"Eh ano naman kung wala akong jowa maganda naman ako"ngite kong sabi sasarili.

"Pag ako nag ka jowa who you kayo sakin"

Hayssttt

Nawalan na akong gana matulog ulit maliligo na lng ako.

"Maghahanap ako ng jowa ngayon kita nyo"

Agad kong kinuha ang tuwalya at pumasok agad sa banyo.

Ginawa ko lahat ng morning ritwals ko at bumbaba agad para kumain. 

" Goodmorning world and hello universe I am Shanchai Alvarez the most beautiful and the sexiest woman alive " sabi ko habang rumampa sa sala.

Agad namang pumalakpak si mama.

"Hahaha Peter is that you? "Tanong ni ate habang tumatawa.

"Hahaahaah" tawa ni kuya kaya tiningnan ko siya ng masama may kasalanan pa siya sa aakin.

"Maganda? Sexy? Saan banda? " Tanong niya habang tumatawa

"Mama oh si kuya" pa bebe kong sabi kay mama at lumapit sa kaniya.

"Ivan tigilan mo yan " sawayni mama sa kaniya.

"Ma naman kinakampihan mo ba ang pangit na yan? " Di makapaniwalang tanong ni kuya inirapan ko naman siya ng mata. Buti nga sayo

"Ma oh pangit daw ako" naka nguso kong sumbong kay mama.

"Ivan, baby tama na yan " bigla namang tumatawa si ate maging akoy di mapigilang matawa. Ayaw na ayaw kasi ni kuya na tinatawag siyang baby ni mama.

The PandemicWhere stories live. Discover now