Chapter 3: First case

13 0 0
                                    

Linggo ngayon nandito ako sa sala habang nanonood ng mga cartoon

Grizzy and the lemmings

Tabudiiii..

Aliw na aliw akong nanonood ng biglang may humablot sa remote na hawak ko.

"Kuyaaaaaa" sigaw ko

Ngunit hindi niya ako pinanasin bagkus ay umupo siya at inilipat ito sa  animax.

Mahilig kasi si kuya na manood ng mga anime fan na fan nga yan ni naruto eh.

"Ibalik mo yan kuya" sabi ko ngunit hindi parin niya ako pinansin.

Problema nito..

Naghintay ako ng ilang minuto at nung pansin kong tutok na tutok na siya sa kaniya pinapanood ay bigla kong hinablot ang remote mula sa kaniya. Agad ko itong linipat kita ko namang napatingin siya sakin at wala pang isang segundo ay nagsimula na akong tumakbo.

"Mamaaaa" sigaw ko habang hinahabol ni kuya.

Pumunta ako sa kitchen nakita ko si ate kaya agad akong nagtungo sa kaniya at nag tago sa likod niya.

"Ohh anong nangyari sayo?" Alalang tanong niya hindi ako sumagot ngunit ng makita niya si kuya ay mukhang alam na niya kung ano ang nangyari.

"Ano nanaman yan Ivan?" Tanong ni ate. Napahinto naman si kuya lumabas ako at inasar siya. Bakas naman ang inis sa mukha niya.

"Ate ayaw niya ibigay yung remote, nanonood pa ako" pagpapaliwanag niya kay ate.

"Baby akin na yan" natawa ako sa pakiusap ni kuya sakin.

Umiling ako sa kaniya.

"Ahh ayaw mo?" Tanong niya at pagkatapos nun ay bigla siyang tumakbo sa kinaroroonan ko.

Tumakbo ako agad at pati si ate ay tumatakbo narin.

Para kaming mga batang nagtatakbuhan sa loob, na puno ng asaran at tawanan ang buong sulok ng aming bahay.

Maya mayay nakaramdam ako ng pagod napaupo ako sa sofa pati si kuya at ate. Kita ko sa mukha nila ang saya pinagmasdan ko ang bawat  galaw nila ang kanilang mga tawa na kay sarap pakinggan, at ang kanilang matatamis na ngite, Sana ganito na lng kami lagi.

Bumukas naman agad ang pinto at iniluwa nito sina mommy at daddy.

"Oh anong nangyari sa inyo? Bat ganyang ang inyong mga itsura?" Takang tanong ni mommy.

"Wala po mom... nagkatuwaan lng" napangiti naman si mom at dad sa sagot ni ate.

Masaya kaming kumakain ng hapunan nang biglang may tumawag kay daddy.

Kinabahan naman ako bigla iwan ko kung bakit.

"Buksan mo ang Tv "sabi ni papa pag kababa niya sa tawag.

Agad naman itong binuksan  ni mama at umupo kami sa sofa.

January 30, 2020

"Today, the Department of Health announced the first confirmed case of the 2019 novel coronavirus in the Philippines. The patient is 38 years old from China.
The announcement was done today in a press briefing, after results were received from the confirmatory test done at the reference laboratory in Australia. "

Yan ang laman ng balita at wala akong ediya kung ano ang nangyayari.

Bakas naman sa mukha nina mom at dad ang pagka gulat.

"Anong nangyari dad? Pano naka pasok ang virus na yan dito sating bansa?" Aligagang tanong ni kuya.

"This virus known as coronavirus or covid19, ay unang namataan sa Wuhan isa sa lungsod ng China sinasabing ang virus na ito ay nakuha nila sa pagkain ng ibat ibang hayop kagaya ng mga ahas, paniki at iba pa, hanggang ngayon ay tumataas parin ang bilang ng kaso ng virus sa Wuhan. And I can't believe it nandito na ito mismo sa ating bansa"  ikinabahalang usal ni dad

"• The confirmed case arrived in the Philippines from Wuhan, China via Hong Kong last January 21, 2020.
• DOH said patient is confined in a government hospital in Manila.
• The Chinese woman visited Cebu and Dumaguete.
(from Department of Health)
Nakuuuuuuuu mga minamahal kong taga Manila, Cebu at Dumaguete
be vigilant" agad kaming napatingin ulit sa tv dahil sa binanggit na balita.

"Kung ganon dilikado tayo at ang mga taong nakatira sa nabanggit na lugar" sabi ni daddy na ikinataka ko.

"Bakit po?"

"Kasi may chance na mapasa sa kanila ang virus na dala nung babae. Isipin pa lng natin sa eroplanong kaniyang sinakyan yung nga nakasalamuha niya ay maaaring nahawaan na rin" alalang paliwanag ni dad.

Kung ganon dilikado nga, nasa delikadong situation  ang mga tao at ang ating bansang pilipinas.


"Dios ko po wag niyo kaming pababayaan " Dalangin ni mommy.

Maging ako ay na bahala na din, takot ako sa kung ano ang mangyayari.

Sana maging okay pa ang lahat.


Sana hindi ito kumalat.


















Hey there! Thank you for reading..
Sorry sa mga typo and grammatical errors..

Support this story..
Please don't forget to vote and please leave some comments..

Lovyahh!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The PandemicWhere stories live. Discover now