Hating-gabi na nang may marinig akong nagsisigawan sa labas ng kwarto ko. Nang maimulat ko ang aking mga mata, biglang bumukas ang pinto.
"I can't take this anymore!" sigaw ni mama na bumungad sa akin. May dala-dala siyang maleta at basa ng luha ang kaniyang mukha.
"Teresa, let's talk, please," pagmamakaawa ni papa. Hindi siya pinakinggan ni mama habang patuloy si mama sa paghahakot ng mga damit ko sa asul na maletang dala-dala niya.
Ako naman, inaalimpungatan pa at hindi maintindihan ang mga nangyari. Tumayo ako sa gilid ng kama. Pinapanood ang mga hindi ko maintindihang pangyayari.
"Honey, please talk–"
Tuluyan akong nagising sa lakas ng sampal ni mama kay papa. 6'7 si papa habang 5'5 lang si mama pero naabot pa rin niya ito. May kakaibang galit sa mga mata ni mama, nakakapangilabot.
"Talk to your... kabit!" sigaw ni mama. Hinila ako nito at pinapasok sa kotse. Kabit? Ibig bang sabihin na may kabit si papa? O– argh! Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari.
Nakita kong nagsigawan pa sila sa labas ng kotse. Si papa ay nakaluhod na habang umiling-iling lang si mama. Binuksan ko ang bintana para mapakinggan sila.
"Why are you tearing our family apart?" tanong ni papa. Tumulo na ang kaniyang mga luha habang nakayuko ito, hawak-hawak ang mga kamay ni mama na hindi man lang siya tinitingnan.
"Me?! You tore this family apart," pag-sabi ni mama. Pilit niyang inalis ang mga kamay ni papa at sumakay na rin sa kotse. "Matulog kana muna, anak," paglambing niyang sabi na tila ba'y nagbago ito ng mood.
"M-Ma?" pagtawag ko. Nakaalis na kami sa gate ng bahay at nakita kong hinahabol kami ni papa.
Pinahiran niya ang kaniyang luha sa pisngi, "Sa tito Ferdy mo muna tayo mo titira, ha?"
Kina tito Ferdy? Pero nasa bukid pa yun. "M-Ma, pano ang pag-aaral ko?"
"Transfer ka muna anak," pagsagot nito. Patuloy na umagos ang mga luha ni mama kaya hindi na ako nagtanong pa.
Sa gabing iyon, hindi ko namalayan na nagbago na pala ang daloy ng buhay ko.
˟˟˟
This is a work of fiction. Any unintentional resemblances of names, places, and/or events from this story to real life are not intended or used fictitiously.
Photos used in this book belong to their respective owners. No copyright infringement intended. All credits will be posted along with the end note.
Hello po! Welcome to my first Filipino story here on Wattpad. I hope you do enjoy!
BINABASA MO ANG
Sakay: The Stallions of Sierra Grande
Teen FictionSa hindi inaasahang pangyayari, nagbago ang ikot ng buhay ni Vaughn. Nangaliwa ang kaniyang ama, dahilan ng paglipat niya sa hacienda ng kaniyang tito. Dito niya nakilalang muli ang kaniyang mga pinsan. Ngunit sa mapanuksong laro ng tadhana, hindi...