Pagsuyong Nadatnan ng Inip Part I
Vaughn
Parang kainin ako ng kunanong pakiramdam ko throughout the drive papauwi ng mansyon. Hindi ko binalak na magsalita o pansinin sila. Pero–
"Baby."
"Vaughn."
"Little pup?"
...
"How did I get here?" tanong ko sa sarili ko. Nakakandong ako kay kuya Leon habang na sa magkabilang gilid ko sina kuya Seb at kuya Alfred. Si kuya Simon ang nagda-drive pero alam na niya ang tungkol sa amin so hindi sila nagalangan na humarot.
Naalala ko tuloy ang babaeng kasama ni kuya Seb. Gusto ko siyang suntokin tapos itapon sa malayo. Tapos kunin ulit kasi ipapakain ko siya sa buwaya sa D'Victor Marsh.
Boyfriend ko nilalandi niya. Boyfriend!
Pero who am I to rant diba? Hindi naman publicly open ang relationships namin kaya wala akong karapatan na magalit. Baka hindi niya din kasi alam o ano.
Ang sikip lang talaga sa dibdib na makita ang mahal mong mas masaya siya sa iba. Mas malaki ang ngiti, mas malakas ang tawa.
Tumunog ang phone ko pero hindi ko sinagot. Si Amanda pala. Mamaya ko na siya kakausapin kapag hindi na ako ginugulo ng tatlong ito.
Nang makarating kami, agad kong binuksan ang pinto at tinulak si kuya Seb. Sinigurado kong hindi masyadong malakas ang pagkatulak ko para hindi naman siya masaktan.
Tumakbo ako papasok ng kwarto ko at ni-lock ang lahat ng pinto pati ang French doors. Better make sure na hindi nila ako maaabutan.
Before pa sila makapasok sa banyo, naglagay ako ng cellphone na extra doon at tinawagan 'yon gamit ang isa ko pang extra na phone. Baka in case magusap sila doon, maririnig ko.
Tumunog yung original phone ko at sinagot ito agad nang makita ng si Amanda ito.
"Hel-"
"Vaughn!" sigaw niya. "Oh Lord. Nakita mo na ang status ng tatlo?"
Napataas ang kilay ko at agad na tumungo sa laptop para tingnan ang sinasabi niya. Ano naman kaya ang status ng tatlong 'to?
Honestly, I don't know why I'm mad.
I'm not jealous.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang status ni kuya Leon na naka-tag ang dalawa niyang kapatid.
"We're already taken. Madali magselos yung minamahal namin kaya please stay away."
"Nabasa mo na?" tanong ni Amanda. "You know what, video call tayo. Isali natin si Zen kasi kanina pa yun sumisigaw, wait."
Nag-video call kaming tatlo at agad akong sinalubong ng malalakas na sigaw. Kinailangan ko pang mag-earphones para hindi mapagkamalang nanonood ako ng horror movie.
Soundproof naman ang kwarto but I'm not risking it.
"Ang pula-pula ng mukha mo," taas kilay na sabi ni Zen. "Basahin mo ang comments. Mixed emotions silang lahat."
Binasa ko nga ang comments. Takte! 3K comments agad, 45 minutes ago pa nga lang. Gaano ba kasikat ang tatlong to? Tapos may 6.7K reactions at 3K shares na din.
"Minamahal niyo? OMG! Isa lang siya?"
"Boba! Malamang iba-iba 'yan. LOL."
"Ang swerte nung girls."
BINABASA MO ANG
Sakay: The Stallions of Sierra Grande
Novela JuvenilSa hindi inaasahang pangyayari, nagbago ang ikot ng buhay ni Vaughn. Nangaliwa ang kaniyang ama, dahilan ng paglipat niya sa hacienda ng kaniyang tito. Dito niya nakilalang muli ang kaniyang mga pinsan. Ngunit sa mapanuksong laro ng tadhana, hindi...