Shared Bathroom
Vaughn
"Puting Birhen na nakasangit sa mga ulap, ano yan?!" sigaw ko nang makitang may taong naliligo sa loob.
Nanlaki lang ang mga mata niya pero hindi niya tinakpan yung ano niya. Yung ano. Basta yung ano. Alam niyo na yun.
"Anong ginagawa mo dito?!" tanong nito at kinuha ang towel sa rack.
"Banyo to ng kwartong tinutuluyan ko," tugon ko, takip-takip ang mga mata ko gamit ang mga kamay ko. Pero hindi ko mapigilang ibuka slight ang mga daliri ko. Nasilip ko tuloy ang ano niya.
Ang laki! At bakit matigas 'yan?!
Oh, Diyos ko po. Ako na iyong makasalanang tupa, humihingi po ng kapatawaran.
Ang laki kasi talaga ng ano niya.
Lumapit siya sa akin kaya napilitan akong tumalikod. Diyos ko po. Hanggang kailan ba siya tatayo diyan?
Naramdaman kong nasa likod ko na siya. Hingang malalim Vaughn. Pinsan mo 'yan. Hingang malalim. Bawal 'yang pinagiisip mo.
Naghintay pa ako ng ilang segundo. Walang nangyari. Nang lumingon ako sa likod, wala na siya.
Anong klaseng Houdini trick ba ito? Bigla nalang siyang nawala. Tumungo ako sa gilid ng banyo at nakitang may isa pang pinto dito.
Grabeh naman 'tong si tito. Ang laki-laki ng mansion, may shared bathroom? Ano bang ibang silbi ng walong banyo dito? Display?
Nang mawala na sa isip ko ang mala-Adonis na katawan ni kuya Leon, tiningan ko ang banyo. Ang laki pala nito, Halos kasing-laki ng kwarto ko sa bahay namin. Gray ang tiles at mas light na gray ang walls. Ang laki din ng salamin at may dalawang lababo.
Naligo na ako matapos ang pag-appreciate ko sa banyo. Nagsabon, shampoo at may pakanta-kanta pa na may pikit-pikit kahit nakakabasag eardrums ang boses.
Morissette, kabahan ka na.
Inabot ko ang kamay ko sa labas ng shower para kunin ang towel nang maalalang kinuha pala ni kuya Leon 'yon.
"Ay, talaga naman oh," angal ko at lumabas nalang ng shower. Sa kwarto nalang ako magpapatuyo.
Hindi ko na naisipang takpan ang hinaharap ko, na-lock ko din naman ang pinto ni kuya Leon, ia-unlock ko nalang mamaya. Nagtungo ako sa pinto ng kwarto, binuksan ang pinto para makabihis na.
"Puting Birhen na nakasablay sa langit, ano yan?!" sigaw ko nang makitang hubo't-hubad na nakahiga si kuya Alfred sa kama, nanonood ng TV.
Napatingin siya sa akin at nabulunan sa iniinom niyang softdrink. "Vaughn! Wala kang saplot!"
Napatingin ako sa baba, at tama nga siya, wala pala akong sinuot na towel.
Dali-dali kong sinarado ang pinto at ni-lock ito. Tumungo ako sa isa pang pinto. Ngayon ko lang na-realize na apat pala ang pinto sa banyo. Ano ba ang naisip ni tito na sa kalaki-laki ng mansion niya, hindi dalawa kundi, apat ang nagsasalo ng banyo?
Mayaman naman itong sina tito at mama. Sa katunayan nga, sa kanila 'tong buong lugar na ito. Sierra Grande ang tinawag dito dahil ang mga Villa Grande ang nagmamay-ari sa napakalaking lupa dito. 3/4th ng city ay pagmamay-ari nila.
Sila din ang leading producer ng wine sa Maharlika at Southeast Asian Countries. Pati sa Europe, malago din ang businesses nila doon. Sobrang yaman ng mga ito, tapos kung makapag-tipid ng banyo, parang mauubusan na talaga ng pera.
BINABASA MO ANG
Sakay: The Stallions of Sierra Grande
Novela JuvenilSa hindi inaasahang pangyayari, nagbago ang ikot ng buhay ni Vaughn. Nangaliwa ang kaniyang ama, dahilan ng paglipat niya sa hacienda ng kaniyang tito. Dito niya nakilalang muli ang kaniyang mga pinsan. Ngunit sa mapanuksong laro ng tadhana, hindi...