Kabanata VII

3.4K 40 1
                                    

White Loop Tears



Vaughn

Araw na ng hike namin. Isang linggo din akong nagpa-condition para dito kaya't excited na ako. Isa pa, gusto ko din talagang makita ang tuktok nito. Balita ko kasi, kapag may kasama kang makarating dito, hindi na kayo maghihiwalay.

Of course, it's not just a romantic relationship thing. Pwede din naman magkaibigan, mag-ina/ama, magkapatid. Simbolo kasi daw ng Mt. Lazaro at mga katabing bundok ang hindi pagkakahiwalayan since magkasama na silang apat habangbuhay.

"Ready ka na?" tanong ni kuya Seb sa akin. Tumango naman ako at nagsimula na nga kaming umakyat.

Wala kaming masyadong dala since may mga rest spots nga on the way. Actually may dalawang daanan, yung isa ay hiking trail tapos sementong kalsada naman 'yung isa.

Pero what's the fun in riding diba? Walong oras ang hike pero they said it's totally worth it.

May mga informatory signs kasi about sa mga native na plants and animals dito mismo sa bulkan. Balita ko may mga plants daw na dito lang makikita kaya excited ako.

May mga pangalan pala ang tatlong bundok, Mt. Argus, Mt. Ribus, at Mt. Puntos. Hindi madadaan ng hiking trail ang tatlong bundok pero kung magko-kotse ka, doon dadaanan ang kalsada.

"Oh, Lisaribunto!" sigaw ni kuya Seb. Napatingin kami sa tinuro niya at nakita ang isang napakagandang ibon.

Parang agila ang laki niya pero makulay ito. Lisaribunto ang tawag ng locals sa ibon as combination ng names nina Lisa at ng tatlong binata. Actually, bundok Lisa talaga ang tawag sa Mt. Lazaro before the Spaniards came.

No shade, pero the Spaniards effed up a pretty good love story.

"Balita ko pa may bulaklak dito na namumunga lang kapag may mga taong gagabayan ang pagsasama nina Lisa," sabi ni kuya Alfred.

Medyo nagulat ako doon. Kasi if there's anyone who doesn't believe in myths, it would be kuya Alfred. Pero kahit papaano, naniniwala din naman siya.

"Ganito itsura oh," sabi niya at pinakita ang picture ng napakagandang bulaklak. Puti ang kulay nito at pahaba ang katawan ng bulaklak. May apat itong petals at may parang string sa dulo ng bawat petal na nagku-curl.

Two hours on the hike, hindi ko pa dama ang pagod. Tumigil muna kami sa first na resting station at kumain ng agahan. 7 AM kami nagsimula pero nag-snack lang kaya napagdesisyonan naming mag-brunch.

"Alam mo, Vaughn," panimulang sabi ni kuya Seb. "Ang cute mo talaga."

Pumula ang mukha ko dahil doon habang nabulunan si kuya Alfred sa iniinom niyang tubig.

"Seb naman!" sabi niya at sinuntok sa balikat si kuya Seb, "'Wag kang magsalita ng mga ganiyan bigla-bigla."

Napailing nalang ako at yumuko. At least si kuya Alfred may point–

"Not unless sabihan mo kami," dagdag ni kuya Alfred. "Ang daya ah!"

"Agree," ang tanging tugon ni kuya Leon.

Yumuko nalang ako at pinaglaruan ang tumbler ko. Hindi pa din ako sanay sa mga banat nilang tatlo. Kahit ngayon, naiilang pa din ako. Hindi naman sa ayaw ko, pero hindi ako sanay na nilalandi ng tatlong gwapo at mga maskuladong lalaki.

Sana all diba?

"Tara na?" sambit ni kuya Leon at inabot ang kamay niya. Tumango naman ako at nagpaalam na kami sa first resting station para magpatuloy na sa pagakyat.

Sakay: The Stallions of Sierra GrandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon