Kabanata IV

3.7K 82 4
                                    


Cascada Numinoso


Vaughn

Nagdaan ang dalawang linggo since tumira kami dito sa Sierra Grande. Okay naman ang pamumuhay dito, madaming pagkain para sa tiyan, madami ring pagkain para sa mata.

Tatlo, actually.

"Pero Vaughn, pinsan mo sila!" Alam kong 'yan din ang sasabihin niyo.

That's what I thought too. Pero since hindi kami blood related, it's technically not incest.

I guess I'm just f*cked up?

Well, I guess I am.

Anyway, Sunday ngayon at as always, sumasakay sila sa mga kabayo nila. Kay kuya Seb ay medyo grayish na may puntik-puntik, si Dante. Dalmatian sana ang pinangalan niya dito, kaso hindi siya pinayagan ni tito so Dante nalang. What can I say? He's simple-minded. Pero sobrang talino pala. Low-key Dean's Lister since freshmen year.

Kay kuya Alfred naman ay black na kabayo. Alberto naman ang pinangalan niya dito. Named after him. Si Alberto ang pinakamabilis sa tatlong kabayo at ito din ang pinakabata. Finally, kay kuya Leon naman na brown at pinakamalaki– na kabayo I mean.

Martinez ang name ng kabayo niya, after his biological father, Martin. Actually, medyo related silang tatlo. By "medyo", I mean magpipinsan ang mga ama nila so basically, they're distant relatives.

Shorts lang ang sinusuot nilang tatlo habang nagra-ride ng kabayo nila. Minsan, nagkakarera pero usually just strolling sa napakalawak na bakuran. Nasa balcony ako, nagkakape while pinagmamasdan ang mga pinsan ko.

Napalingon si kuya Seb at ngumiti ito. "Tara Vaughn!" sigaw niya. "Sakay tayo!"

Umiling ako at shinake ang kamay ko, indicating na ayaw ko. Ngumisi ito at lumapit sa akin. Nasa baba siya at ako naman ay nasa second floor. Para kaming Romeo and Juliet sa position naming ito. O 'di kaka'y prince charming at Disney princess.

Sumunod sina kuya Alfred at kuya Leon, all looking up at me. "Tara Vaughn. Walang sumasakay kay Alda," sigaw ni kuya Alfred.

Hindi umimik si kuya Leon pero alam kong gusto niya rin akong bumaba at sabayan sila. Ako naman na marupok, bumaba agad ako at pumunta stables.

Doon ko nakita ang lonely na kabayong si Alda. Named after the mother of Ferdinand Magellan, which is kapangalan ni tito. Si tito usually ang sumasakay sa kaniya pero since busy si tito, ako daw muna.

"Morning stroll lang," sabi ni kuya Alfred. "Alda is a very good girl."

"And old," hirit naman ni kuya Seb.

Natawa ako ng mahina at sinundan sila sa labas. May waterfalls daw na ang pangalan ay Cascada Numinoso, meaning Numinous Waterfalls. Doon daw kami tutungo at paliliguan ang mga kabayo sa Numinous River. May kalayuan lang ito pero hindi naman labas sa hacienda.

I mean, almost 10,000 hectares ang hacienda ni tito. It's basically a quarter of Sierra Grande. Hindi pa 'yun kasali ng two-thirds na pagmamay-ari ng pamilya nila, kay tito palang na hacienda ito.

Mga twenty minutes daw ang biyahe kapag lakad-lakad lang ng kabayo ang trip. Pero ten lang pag tumakbo. Hindi na ako nag-alangan pang magpaka-brave. Alam ko namang hindi ako marunong sumakay ng kabayo. I know naman my limits din, so no.

"Sa susunod, tuturuan ka naming sumakay," tugon ni kuya Seb na para bang may hidden meaning ito.

Sinapak naman siya ng mahina ni kuya Leon dahil doon. Baka may hidden meaning nga.

Sakay: The Stallions of Sierra GrandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon