Puting Birhen na Nakasangit sa mga Ulap
Vaughn
Kinabukasan, nakarating na kami sa pamilyar na daan. Hindi naman pala rural 'tong lugar nila. May mga buildings naman at mga stors. Matagal na din kasi akong hindi nakakapunta dito, mga 7 years old pa lang ako.
Tumigil kami sa isang pamilyar na mansion. Nasa labas ang tito ko at dalawang maskuladong lalaki na siguro'y kaedad ko lang. Naka-sando lang ang mga ito at batak na batak ang muscles. Nakikita ko ring maganda ang hulma ng hita nila dahil sa maikling shorts na suot ng mga ito.
Vaughn, magpigil-pigil ka. Wala sa mood ngayon ang matakam sa mga estranghero.
Pero ang ga-gwapo talaga nila. Mas matangkad at mas maputi yung isa. Siguro nasa mga 5'11 ang taas niya. Yung isa naman ay medyo moreno pero bagay sa kaniya ang skin tone niya. Mataas din ito na mga 5'10.
"Talaga namang walang hiya 'yong taong 'yon!" sigaw ni tito pagkalabas namin sa kotse. Ang dalawang lalaki na ang kumuha ng mga maleta namin kaya pinasalamatan namin agad sila.
Pinatahan ni tito si mama at pinapasok sa loob ng mansion. Sinenyasan naman niya ang dalawang lalaki na tulungan akong kargahin ang mga bagahe at tumango sila. Bago paman ang mga lalaki makapunta sa pinto, pinigilan ko sila para magtanong.
"Uhm, ano ba ang nangyayari?" tanong ko sa kanila.
Nakita kong nagtagpo ang mga kilay nila at kumunot ang kanilang noo. "Teka. Vaughn?!" sigaw nung isa.
"A-Ah, eh, hello po," pagbati ko. "H-Hindi ko po kasi kayo maalala."
"Ako to! Si kuya Alfred mo, ito naman ang si kuya Seb mo," pagpakilala nila. Yung mas mataas pala si kuya Alfred, yung moreno naman ay si kuya Seb. Bagay sa kanila ang mga pangalan nila.
"Uhm. Hindi ko po talaga maalala," sabi ko sabay awkward na tawa.
"Talaga? Total, masyado ka pa namang bata noon. Pero kami yung in-adopt ni tatay Vic. Nagkalaro na tayo noong mga bata pa tayo," sabi ni kuya Seb.
Adopted? So, hindi ko sila talaga pinsan? So pwede kaming mag-
ANO KA BA VAUGHN?! AMBASTOS MO!
"Siguro napapagod ka pa, tara, ihatid kana namin sa kwarto mo," sabi ni kuya Alfred na tama naman. Pagod din talaga ako dahil sa biyahe. 2 AM kami nung lumisan at ngayon ay 7 na, so bale 5 hours ang travel namin. Non-stop pa yun kaya lalong nakakapagod.
Nakita kong umiinom ng kape si mama sa kusina habang kinakausap ni tito. Nasa unahan ko sina kuya Alfred at kuya Seb na hinahatid ako sa kwarto ko dito. Marami namang mga kwarto sa mansion since mansion nga ito. 8,410 square feet, 7 bedrooms, 8 and a half baths, at may mga special rooms tulad ng theater.
Pasado na siguro akong maging real estate agent nito.
"Nandito na tayo," sabi ni kuya Alfred at binuksan ang pinto ng kwarto. Malaki naman siya. Kasiya ang queen size bed at may maliit pang sofa set sa gilid. Nasa loob na din ang banyo at may maliit ding dining table sa may French doors.
"Ang ganda," sabi ko nang makapunta sa veranda ng kwarto. Nasa gilid pala ako na bahagi ng mansion, katabi lang daw kami ng kwarto ni kuya Alfred at sa likod ko ay kay kuya Seb.
Ang ganda ng view dito. May bulkan pa na natatakpan ng mga ulap. Malaki din ang area ng bakuran, halos tatlong ektarya ito. Take note, bakuran pa lang 'yan. Hindi pa kasali ang talagang hacienda diyan. Pinagmasdan ko pa ang view nang may kabayong tumatakbo sa bakuran.
Muntik akong mabulunan sa nakita kong nakasakay. Isang gwapo at maskuladong lalaki na tanging dilaw na shorts lamang ang suot. Maputi din siya pero mas maputi si kuya Alfred. Pinatakbo-takbo niya ang kabayo sa malaking espasyo ng bakuran.
Pinagpapawisan siya na gustong-gusto kong pahiran. Napatingin siya sa amin at tinaasan ako ng kilay. Ay masungit pala. Parang natu-turn off ako agad sa kaniya.
"Oy! Kuya Leon!" tawag nina kuya Alfred at kuya Seb. "Nakarating na sina Vaughn!"
Inikutan lang sila ng mata ni kuya Leon at humarurot na ito papalayo.
"Ang sungit niya," sabi ko. Tumawa lang ang dalawa at tinapik ang likod ko.
"Masungit lang yung tingnan pero pag naging close mo, makikita mong mabait yun," sabi ni kuya Seb.
Umalis na silang dalawa at napahiga ako sa kama. Magbabago na ba talaga ang buhay ko? Hindi pa ako handa. Kasi literal na kahapon lang ay masaya pa kaming kumakain ng dinner.
Ang tagal ko nang nagsasalita at hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako si Vaughn April Van der Waal. Dutch ang papa ko at Maharlikan naman ang mama ko. So bale Maharutch ako. Deh, joke lang. Actually, wala pa talaga akong experience sa mga ganiyan. Kahit nga first kiss ko, wala pang nakakakuha.
Hindi naman sa pangit ako pero ang dami ko lang talaga sigurong freckles sa mukha. 5'5 lang ako (wid shoes) kaya kadalasan sa mga tao ay mas mataas sa akin. Lalo nap ag bumibisita ang pamilya ni papa. Halos 5'10 sila pataas lahat. Para kaming duwende ni mama kung sasama kami sa kanila.
Ito kasing si papa. Ang taas-taas, hindi man lang ako winisikan ng kahit konting height. Kahit man lang sana 5'7, waley. Malungkot akong ngumiti ng maalala ang aking banyagang ama.
Nami-miss ko tuloy si papa. Ano ba kasing nangyari? Hindi parin nagla-latch sa isip ko ang mga pangyayari.
May na-mention si mama na kabit. Does that mean may mistress si papa? May iba ba siyang anak at pamilya? Pero akala ko mabait siyang ama at asawa? I guess I was wrong.
Na-experience ko na din kasing mag-cheat ang taong minamahal ko dati. No, wala kaming relasyon. Walang label ika nga. Pero he still decided to cheat.
Kasi the day I was gonna say 'yes' to him, doon ko pa talaga nakita silang magkahalikan ng malantod na 'best friend' ko. Ahas!
Nagmamakaawa pa sila non. Ha! Mga hangal na nilalang. Nakakainis isipin ang nakaraan no? Kaya siguro naimbento ang 'move on'. Kase kung magse-stay ka lang sa nakaraan, palagi ka nalang masasaktan.
We don't do that here.
"Makaligo na nga lang," sabi ko sa sarili ko nang maramdaman na medyo malagkit na ang feeling ko.
Binuksan ko ang pinto ng banyo at nakitang nakasindi ang ilaw. Baka siguro naiwan nila na bukas kasi nilinis nila ang buong kwarto.
Nakita kong may towel sa rack at nasa loob siguro ng shower ang sabon at shampoo. Naghubad na ako at tumungo sa shower para mahimas-masan ang sakit ng ulo ko nang-
"Puting birhen na nakasangit sa mga ulap, ano yan?!"
˟˟˟
Dedicated to @addllien1992. Siya po ang unang nag-vote dito kaya't ginaganahan akooo. Yes po. I'm that petty.
Hope you enjoyed this chapter! Please do vote and comment! Wuvvyuuu!
BINABASA MO ANG
Sakay: The Stallions of Sierra Grande
Teen FictionSa hindi inaasahang pangyayari, nagbago ang ikot ng buhay ni Vaughn. Nangaliwa ang kaniyang ama, dahilan ng paglipat niya sa hacienda ng kaniyang tito. Dito niya nakilalang muli ang kaniyang mga pinsan. Ngunit sa mapanuksong laro ng tadhana, hindi...