🌼Scent of life

256 12 0
                                    

Chapter 1"Now, we are just a memory

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 1
"Now, we are just a memory."

The sun shined radiantly. I could feel a bit of heat touching my skin. The wind was gently blowing my long black hair. Everything was so serene.

"Ang ganda rito," sabi ko habang pumipitas ng mga bulaklak.

"Athena," nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko.

Sa paglingon ko, nakita ko ang isang pamilyar na mukha. "Clark?"

Lalapit na sana ako sa kanya pero may iba akong boses na narinig.

"Tina! Gising!" may yumugyog sa balikat ko.

I opened my eyes and I saw Daisy, my only best friend and neighbor as well.

"Kahit kelan talaga Daisy, istorbo ka sa tulog ko," I complained sabay bangon sa higaan.

"Napanaginipan mo na naman siya ano?" tanong niya na nakangisi.

"Ano naman ngayon? Ikaw kasi, epal ka," inis kong sagot.

"Ang aga mong pikon, tara na," sabay hila saakin. "Breakfast na tayo."

"Good morning po," bati ko ng makarating na ako sa kusina.

"Good morning apo," sagot ni lola.

"Oh, apo kumain ka na, ikaw rin Daisy," sabi ni lolo habang hinahain ang mga niluto niya.

"Sabay na po tayo," naupo ako at inamoy ang masarap na pagkain sa mesa.

Sina lola Imelda at Lolo Virgilio na ang nagsisilbing mga magulang ko, because my mom passed away, when I was 12 years old.

My dad? I don't know where he is now, besides wala na din akong pakialam sa kanya.

"Daze, pang ilang breakfast mo na 'to?" I gave a teasing look.

"Grabe ka sa'kin," nakanguso niyang sagot. "Pangalawa pa nga lang eh."

Napatawa ako nang malakas. "Sige, enjoy your second breakfast, but after that, buksan mo na ang flower shop ha," I stood.

"Saan ka pupunta?" tanong nito kahit puno ng pagkain ang bibig niya.

"Lunukin mo muna 'yan," sabay abot sa kanya ng tubig. "Kukuha ako ng additional stocks ng bulaklak."

My grandparents own a small flower shop na malapit lang sa bahay namin. This is our source of living. May maliit din na flower farm ang lolo ko. Doon naman namin kinukuha ang mga bulaklak na ibinibenta namin.

"Hay... summer na naman," pabulong kong sabi sabay buntong-hininga. Sumakay ako sa bisikleta at dahan-dahang umalis.

Dati, gustong-gusto ko ang summer. Super excited pa nga ako, kasi walang pasok at masaya 'yun. I also love flowers that bloom as its finest. Everything is colorful, vibrant, and warmth. Pero ngayon, lahat yun nagbago na. I believe that, in order for me to grow, I need to embrace change.

Farewell ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon