🌼Gentle wind

54 10 2
                                    

Chapter 7


Umaambon sa labas, kaya medyo nakakaantok. "My favorite weather of the year, rainy season," pabulong kong sabi. Kinuha ko ang mga natitirang bulaklak sa table and I started to arrange them.

"Tina, may naghahanap sa'yo," sabi ng papasok na si Daisy. May kasama siyang babae. I think she's in her mid-40s already. She looks rich and fashionable.

"Hello Athena, I am Cora Quincruz," she handed her hand to me.

"Hi po, nice to meet you," sagot ko at nag-shake hands kami.

"I'll go straight to the point Athena, one of my staff took a photo out of you, the time na nasa mall ka, and we really like your beauty," she smiled. "We want you to be our model."

"Model? Umm... ano po kasi- sorry po, but modeling is not my thing," napatingin ako kay Daisy.

"I understand, but if you change your mind, feel free to contact us," she still managed to smile. "Here's my calling card."

I nodded and smiled, "Sige po- pasensya na po kayo," nahihiyang sagot ko.

"No problem, I have to go, hope to see you soon," she waved her hand.

"Bakit mo tinanggihan?" naka-busangot na tanong ni Daisy. "Sayang naman."

"Bakit? Ikaw ba 'yung kinukuha? Diba ako?" I raised an eyebrow. "Which means, I have the right to say yes, or no."

"Hay naku! As always- wala naman akong laban sa'yo," nakanguso nitong sagot.

"Di ako para doon, kaya tama na 'yang pag-iinarte mo."

"H-Hi sa inyo" natigil ang pag-aasaran naman ni Daisy ng dumating si Nikko.

"Oh? Bat' andito na naman 'tong isang 'to?" takang tanong ko.

Ngumiti naman si Daisy, tapos hinila niya si Nikko papasok ng shop.

"Papatulong kasi ako sa kanya sa project ko, house lay out design," sagot ni Daisy na parang kinikilig.

"Wow! So dito kayo gagawa?" I crossed my arms.

"Oo- para may kasama ka na rin," naupo siya sa couch. "Have a seat Nikko."

"Bahala nga kayo, basta ayoko ng maingay ha," I warned them.

"Oo na- sige mag-arrange ka na diyan," nakangiting sagot nito.

"Ms. I mean- Tina, 'yung poem mo nga pala na nabasa ko, natapos ko nang gawan ng tono, itatanong ko lang sana if gusto mo ng marinig?" nahihiyang tanong ni Nikko.

Lumapit ako sa kanila, "hmmm... bakit hindi? Basta 'pag hindi maganda, papalitan mo," sagot ko.

"S-Sige, walang problema 'yun," nakangiti niyang sagot.

"Hijo- kumain ka nang mabuti at huwag kang mahihiya sa'min dito," si lolo habang nananghalian kami.

"Kaya nga Nikko, 'wag kang mahihiya, mabait sina lolo at lola, di ko nga alam kung kanino nag-mana si Tina eh," natatawang sabi ni Daisy.

"Tigilan mo kong, tabachingching ka," I creased my forehead.

"Pagpasensyahan niyo na 'tong apo ko, ganyan talaga 'yan," nakangiting sagot ni Lola. "Mabait naman talaga 'yan sa totoo lang."

"La, sa inyo lang po ako ni lolo mabait, seryosong sagot ko.

"Alam ko apo, pero di naman lahat ng lalaki kagaya ng papa mo eh, at di lahat ng kaibigan kagaya nila Clark, Ellysse, at Brylle."

Natigilan ako sa pagsubo, "huwag na lang po natin silang pag-usapan, ayoko na rin po silang maalala," walang gana kong sagot.

"Sige na-- kumain na lang kayo," si Lolo.

Farewell ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon