Chapter 8

142 10 6
                                    

Chapter 8

YOLO


"Maraming salamat talaga ulit, Aiah, Thaurn at L---"


Nakangiting pasasalamat ko sa mga sumama sa akin ngayong araw sa pamamasyal sa Vasco. Pero bago ko pa man iyon mapagpatuloy ay pinutol na naman ako ni Liandel habang tinatakpan ang bibig niya na para bang nahihiya.


"Ano ka ba naman, Rhelle! Ayos lang 'yun. Kami lang 'toh!" Natatawang sambit ni Liandel.





Nandito na kami ngayon sa bahay nina Nana. Hinatid na nila ako bago pa man sumapit ang alas-singko. Tapos na rin silang iunload ang mga shopping bags mula sa back compartment ng sasakyan ni Liandel. Sa sobrang rami noon, pati sa backseat kung saan kami nakaupo ni Thaurn ay napuno na rin ng shopping bags.






Kung tutuusin, parang shopping spree at foodtrip ang naging kinalabasan ng planong simpleng pamamasyal lang sana.





Napangiti ako nang maisip na kahit papano ay hindi naman pala masamang makipagkaibigan sa kanila. Masaya silang kasama, lalo na si Liandel na hindi nauubusan ng kuwento, si Aiah na stressed lagi sa maingay niya na Kuya, at si Thaurn... bilang si Thaurn.



Kanina, pagkatapos naming kumain ay dumaan naman kami sa stationary shop sa VTC. Tinanong ulit ako ni Aiah kung may gusto ba akong bilhin, syempre ay tumanggi na ako. Sobra sobra na kaya ang binili niyang damit,bags, at accessories kanina! Kahit kung iisipin, ay recently lang naman kami nagkakilala at naging magkaibigan.



"Hindi, 'wag na. Titingin lang ako, baka may makita akong pampasalubong sa pinsan ko sa Manila," paliwanag ko sa kaniya.



Tumango na lamang siya at nagpaalam na titingin na muna sa ibang aisle. Naiwan akong mag-isang naglilibot sa aisle ng mga journal, notebooks, at sketchpad.



A red-colored journal caught my attention. Lumapit ako rito at tiningnang mabuti.



Monique likes bold red. She used to like light pink when we were younger, but for some reasons, it switched to red when we grew up. Must be her sign of maturity?




Binuklat ko ang sample journal. Sinuri ko ang pages at napag-alamang planner pala 'yun. Pero walang nakasaad na year kung kailan gagamitin ang planner, kaya natuwa ako dahil kahit anong taon ay pupuwedeng gamitin ito.





Dumako ang paningin ko sa pile ng bold red na planner sa harap ko. Marami pa naman ng stock kaya kahit siguro ay hindi ko na muna ito bilhin ngayon. Baka sa susunod na araw na lang, kapag nakabalik na ako rito.




Linapag ko na ang kinuha kong sample sa ibabaw ng pile ng bold red planners. Liliko na sana ako para tingnan pa ang ibang nakadisplay doon na notebooks nang makita ko si Thaurn na nandoon lamang sa hindi kalayuan.




Tiningnan ko siyang mabuti. He was holding a journal, or maybe a planner? It had a blue leather cover that had a design of a stethoscope in the middle. He was scanning the journal, just like what I was doing earlier.




Nagkibit-balikat na lamang ako at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sana sa direksiyon niya, hindi ko pa kasi iyon napupuntahan.




Natigilan naman ako nang bigla niyang ibaba ang tinitingnan niya at direkta sa mata ko tumingin.




Ibinuka niya ang bibig niya, parang may sasabihin. Pero kung anuman iyon, hindi na niya tinuloy. Instead, he pursed his lips and broke our eye contact.




Eumoirous (ICS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon