Chapter 21

84 8 3
                                    

Chapter 21

Flawed


Nanginginig pa rin ang mga balikat ni Mommy kahit medyo huminahon na siya mula sa pag-iyak. I was hugging my Mommy as she cried her heart out.

Pareho na kami ngayong nakaluhod sa tapat ng kabaong ni Daddy. I was sobbing silently as I watched my Mom cried. Inaalo ko siya habang walang humpay ang hagulhol niya dahil sa pagkamatay ni Daddy.

"R-Ryan.." she cried my Daddy's name.

Maybe it was all from her crying, that no tears were falling on her face anymore. Tuyo na ang mga luha ni Mommy habang nakatulala siya kaharap ang kabaong ni Daddy.

"B-Bakit.." namamaos niyang sabi.


I kept caressing my Mom's back, while trying to hold my tears. Looking at Mommy now, I felt like I was grieving for both my parents.

With trembling hands, Mommy tried to reach for Daddy's casket. But it was to no avail, sobrang nanghihina si Mommy na kahit abutin man lang si Daddy ay hindi niya na magawa.


Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan si Mommy.. at Daddy.

Kung hindi ba ito nangyari kay Daddy ay hindi pa rin ba ako uuwi ng Manila? Kung hindi ito nangyari ay galit pa rin kaya ako sa mga magulang ko? If none of this happened, would I have met my parents under a different circumstance?

I lowered my head. Siguro. Maybe if I didn't get to hear Daddy's sides about their separation.. baka nga ay hanggang ngayon ay galit pa rin ako kay Mommy. Baka nga hanggang ngayon ay hindi pa rin ako uuwi ng Manila.

Nakabibinging katahimikan ang namayani sa pagitan naning dalawa ni Mommy. No one dared speak. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakitang nakatulala pa rin siya kay Daddy.


The tiled floor was cold underneath my feet. Nakabukas din ang AC dito sa silid, kaya sigurado akong pati si Mommy ay linalamig na rin.


"M-Mommy," I called her. "We should sit on the chairs, masyadong malamig ang sahig."



Walang-imik na tumango siya habang hindi pa rin inaalis ang titig sa kabaong ni Daddy. I helped her get up. Naupo na kami sa mga chairs na nakaayos dito sa room.

Nang makaupo na si Mommy, napansin ko kaagad na mas namutla siya ngayon kumpara nang pumasok siya kanina.



"Mommy, kukuha lang ako ng tubig sa---"


"Rhelle, anak.."



My eyes widened as I froze on my seat when my Mom called me. Ito ang unang pagkakataon na narinig kong tawagin niya akong 'anak', kaya naman hindi ko naiwasang magulat sa sinabi niya.



"I-I'm sorry.." she bowed her head.



I was just staring at her, trying to keep calm. She has something to say.. so, even for just now, I'll listen.



"I failed.. as a wife and a mother," aniya. Namumuo na naman ang luha sa gilid ng mata ni Mommy.



Nang marinig ko iyon ay halo halong emosyon ang naramdaman ko. Pain, anger, hatred.. longing and grief. Gusto kong sumbatan si Mommy but no word came out of my mouth. Instead, I sat here and continued to silently listen to Mommy.



"Ryan and I.. we were both ambitious." Mommy started.



"He chased his dreams while I chased mine," she looked at me with bloodshot eyes.



Eumoirous (ICS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon