Chapter 19

94 10 2
                                    

Chapter 19

Leave


Natigil naman ang tawanan nila nang makitang nakauwi na ako. Agad silang tumayo at binati ako.

"Rheian, dear, Merry Christmas.." Daddy embraced me.

I hugged him so tight. I missed my Daddy so much! Ilang buwan ko siyang hindi nakita simula nang mag-divorce sila ni Mama. Idagdag pa na ilang buwan na akong nandito sa Isla Cañas.

"Wala kang flight ngayon, Daddy?" I asked when he released me.

"Early morning, Rhelle." He gave me an apologetic smile. I just nodded.

We were meeting again after a long time and he was leaving so soon. But, I understand. Siguro ay kailangan niyang habulin ang pinakamaagang flight bukas papuntang NAIA dahil baka ay may international flight siya bukas.

Despite that, I was so thankful na nakuha ni Daddy na umuwi.

"Daddy, pinadala ko po pala 'yung gift ko sa inyo sa Manila. Siguro po nakina Zaque iyon."

"Sure, I'll get it first thing in the morning tomorrow." He smiled. Umupo na kami sa hapag-kainan kasama sina Nana at Dada. They were still having dinner so I stayed with them until they were finished.

Nauna na ulit matulog sina Nana at Dada, kaya ako ang naiwang maghugas. Daddy was already settled in his room, probably changing into comfy clothes.

Nang matapos akong mahugas, lumabas na rin pala sa silid niya si Daddy. Akala ko ay pupunta siya sa kusina para kumuha ng tubig iyon pala ay bibitbitin na ang bag ko na puno ng regalo.

"Thanks, Daddy." I smiled.

"Ang dami ng regalo ng anak ko, ah?" He teased. "From your friends here?"

I nodded happily. "Yes po, Daddy. They're a bunch of really good people who are nice to be with."

"I'm.. happy that you're happy here in the island, Rhelle." Ani Daddy.

"It's really nice here at Isla Cañas, Daddy. I just wish you could stay longer."

He sighed. "I also want that, anak. Kaso, alam mo na.." he trailed off.

"I know why Daddy, don't worry."

He smiled, but I know it was a sad one. For me, Daddy had the most demanding job. Magaling siya sa larangan ng paliparan at isa siya sa mga tinitingalang engineer sa aviation sa Pilipinas.

What just saddens me is why couldn't he make it work with Mommy? Bakit hindi siya katulad ng ibang piloto na nakakauwi pa rin sa pamilya nila? Bakit kailangang masakripisyo ang oras para sa pamilya namin dahil sa trabaho niya?

I wanted to ask him so many questions, ever since I was little. But just like today, mas pinili kong huwag na lang matanong dahil baka ay masira ko ang kakarampot na panahong magkasama kami ng magulang ko.

When we reached my room, linapag ni Daddy malapit sa higaan ang bag na bitbit niya. Nag-unat muna siya bago ako tinanong.

"Napakarami naman ng mga rinegalo sa iyo, anak!" Tuwang tuwa niyang sambit.

"Mga galante po kasi, eh." I joked, but it was partially true.


Sinilip ni Daddy ang bag ko ulit bago bumaling sa akin, ngayon ay nakataas na ang isang kilay. "Eh, may galing ba diyan sa manliligaw, anak?"

I almost coughed at his question. "W-Wala po, Daddy! They are all just friends."

Nagkibit balikat siya at ngumisi. "If you say so."

Eumoirous (ICS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon