Chapter 12

128 10 0
                                    

Chapter 12

Nonsense


I woke up with heavy-lidded eyes. Nag-stretch muna ako sa kama bago ko tiningnan ang orasan sa cellphone ko. It was almost seven o'clock in the evening.

Bumangon na ako at dumiretso muna sa CR para magmumog at maghilamos. Gosh, kulang ang nap ko. But on the good side, kung nasobrahan ang nap ko, buong gabi akong gising.


I grudgingly went downstairs kahit na mabibigat ang yapak ko at pagewang-gewang ang lakad ko. Mabuti na lang at inuwi ako ni Thaurn bago pa man mag-ala-sais kanina. Nagawa ko pang magdilig ng halaman sa harap ng bahay.






I stopped on my tracks when I realized na hindi pa pala ako nakapagbihis. Nagkibit balikat na lamang ako dahil masyado na talaga akong antok at pagod kanina para man lang maalala na kailangan ko pala magpalit.





Pagdating ko sa baba ng hagdan, sakto namang narinig kong nagbukas ang pintuan ng bahay. Kinusot kusot ko muna ang mata ko para tingnan kung sino iyong pumasok sa bahay.





"Nana, Dada..." bati ko nang makitang sina Nana at Dada pala ito. I immediately went to them and hugged them. Late na silang nakauwi, ah.






"Kamusta po lakad niyo?" I asked and yawned at the same time. I couldn't help it.. mukhang maaga akong matutulog mamaya.






"Hay naku, Rhelle hija. Mukhang maayos naman sana, may mga ipoproseso pang papeles at titingnan pa namin ang lupa sa Marcelo," wika ni Dada habang naglalakad patungong dining room.





I suddenly panicked nang maalala kong hindi pa pala ako nakapagsaing at hindi ako nagluto ng ulam para ngayong dinner. I completely forgot!






"A-Ahh.. Nana, wala pa pong sinaing eh.. tsaka ulam." Mahinang sambit ko kay Nana na susunod na sana kay Dada.






"Ay naku! Buti na lang talaga pala at nag-take out kami sa Castilla's!" Tawa ni Nana. "Nandoon na sa Dada mo ang hapunan," dugtong ni Nana at ngumuso sa direksiyon ng hapag-kainan.







I immediately heaved a sigh of relief. Mabuti na labg takaga at bumili sila roon sa Castilla's. Imagine dagdag na naman 'yan sa pagod nila if sakaling wala akong naihandang hapunan kanina.







Sumunod na kami ni Nana kay Dada sa dining room at 'di kalaunan ay nagsimula na kami kumain ng dinner.





"Rhelle," tawag bigla sa akin ni Dada. Binalingan ko naman siya ng tingin habang nginunguya ang pagkain ko.





"Naalala mo ba iyong sinabi namin sa'yo ng Nana ko tungkol sa lupa sa Marcelo?" Nag-isip muna ako tumango kay Dada. "Kailangan na kasi namin mg bisitahin para maproseso na ang ubang papeles sa truckings," paliwanag ni Dada.







Tumingin lamang ako sa kaniya at tumango, naghihintay sa mga maaari niya pang sabihin.





"Mga limang araw lang naman kami mamamalagi roon ng Nana mo.." marahang sabi ni Dada.






Natigilan ako. Ahh, ito ata ang hinihintay ko kanina? Kasi, noong una itong sinabi sa akin nina Nana sinabihan na nila ako na baka may mga araw na hindi sila makakauwi ng bahay dahil sa nakakapagod na pabalik-balik na biyahe.






"May tiwala naman kami sa iyo, Rhelle, at ibibilin ka namin sa mga kapitbahay habang wala kami.." wika naman ni Nana.







Eumoirous (ICS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon