Chapter 16

106 10 2
                                    

Chapter 16

Everything



Nandito na kami ngayong tatlo nina Zaque at Monique sa sala, nag-aayos ng gamit na dadalhin mamaya para sa pagpunta namin sa Tungtung Falls.


Maaga kaming ginising nina Nana dahil maaga rin silang mag-aasikaso ng mga lakad nila. Nagpaalam na rin kami na baka gabihin na kami ng uwi at mabuti naman at ayos kina Dada iyon. I texted Aiah last night to tell her that Zaque and Monique were coming with us. Dahil medyo marami kaming pupunta sa falls mamaya, sinabihan niya ako na sabay-sabay na lang raw kaming sasakay sa van nila.

Susunduin na lang raw kami rito nila Aiah bago kami didiretso ng falls. Kaya ngayon, nasa sala na kami para kahit papano ay malalaman namin agad kung nandiyan na ba sila.



Abala si Monique sa pagchecheck ng mga gamit niya dahil baka raw ay may maiwan siya. Si Zaque naman, tinutupi nang maayos ang towel niya para magkasya sa backpack na dala niya.



Sinigurado ko kagabi na bago ako makatulog ay naicharge ko na ang polaroid at DSLR camera ko. This might be the last time I'll go to Tungtung Falls this summer. It was back-to-school season once again.



"Zaque.." Tawag ko kay Zaque na agad namang nagtaas ng tingin sa akin.




"Paano pala ako magtatransfer? Lahat ng credentials at portfolios ko nasa Manila," I said.



Andoon din sa Manila ang laptop at iPad ko, pati na rin ang mga plates na ginagamit kong reference para sa sarili kong portfolio, na kailangan ko para makapasok sa isang internship.



"Inaasikaso na rin iyon ni Mom. Hindi kasi mapagtuonan ng pansin ni Dad dahil abala siya sa.. case ni Tita." Nagbuntong-hininga si Zaque.



"Ipapadala ni Mom ang credentials at mga gamit mo para sa school. Kakausapin ko muna ang Dean ng College of Fine Arts and Design sa CDIC," pagpapatuloy ni Zaque.


Kumunot namang ang noo ko sa sinabi niya. Tututol na sana ako sa gagawin ni Zaque. Napakarami naman ng abalang hatid namin ni Mommy sa kanila, to think na divorced na sila ni Daddy.



"Zaque, ako na lang ang bahala mag-enroll sa sarili ko," suhestyon ko. Agad naman ako nitong inilingan.



"Rhelle, if you're thinking about the trouble, 'wag mong isipin na pabigat ka sa amin. Tapos na kaming ma-enroll ni Monique kaya wala naman na kaming masyadong pinorpoblema pa," sabi ni Zaque.



"And besides, you're family Rhelle. Mainit ang eyes ng media sa inyo ni Tita and we don't want to cause a ruckus here in the island. Di'ba, Nana and Dada don't know na about the divorce?" Singit ni Monique nang matapos niyang i-zipper ang bag na dadalhin niya mamaya.



Tumango ako sa kaniya. "Oo, hindi pa nila alam. P-Pero, baka umabot iyon dito. Nasa national TV ang balita tungko---" Naputol ang pag-aalala ko nang magsalita muli si Zaque.



"That won't happen. At least, not on Dad's watch. So stop worrying, Rhelle. Maybe the least you could do is to not involve yourself in the issue," mariing pahayag ni Zaque.



Napabuntong hininga na lamang ako. I was already doubting the fact na hindi makakarating ang balita sa isla. Almost everyone nowadays had cellphones and social media accounts. If mabayaran nga ni Tito ang press para huwag mag-publish ng mga article tungkol sa scandal ni Mommy, for sure ay may makakalabas pa rin na balita sa TV.



This was totally different from the news of my parent's divorce. It was handled quickly tutal ay personal matters iyon at walang kinalaman ang mga pulis at NBI. Ngunit ngayon, paniguradong tutok ang mga tao sa pagsusubaybay ng imbestigasyon sa kaso.


Eumoirous (ICS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon