Chapter 29

106 8 1
                                    

Chapter 29

Napupusuan


I spent the weekend doing unfinished work and visiting the site at Rockwell.

I also took my time to visit the sea at ang dating bahay doon nina Nana at Dada. Natsyempuhan kong naroon din sila habang kinakausap ang mga caretaker sa bahay na iyon.

"Susubukan naming bumisita sa Tagan, hija." Si Dada.

"Siguro ay sa susunod na Sabado, Rhelle. Ngayon kasi, medyo kailangang tutukan ulit ang farm sa Marcelo." Nahihimigan ko ang pagod sa boses ni Nana.

"May problema po ba sa poultry, Nana?"

Nagbuntong hininga siya. "Iyong mga tauhan sa truckings. Nakakapagtaka lang na minsan ay nakakaabot sa aming reklamo na kulang ang tray ng mga itlog na dinedeliver."

"Maayos din iyang problema at malalaman din namin ang mga anomalyang ginagawa nila, kung mayroon man. Huwag niyo na masyadong alalahanin, Rhelle." Mahinahong tugon ni Dada.

That day, we decided to just stay at the old house. Kinaumagahan ay pumunta rin kami sa simbahan sa Rockwell for the mass. Hinatid ako nina Nana at Dada sa sakayan ng van papuntang Vasco. Sila kasi ay tutulak na papuntang Marcelo, na nasa salungat na daan patungong Vasco.

When I got home, I rested for a while. Late na akong kumain ng lunch dahil na rin gumawa ako ng mga gawaing bahay. I did quite a lot but for me still felt like a lazy Sunday.

And just like that, it was once again Monday.

Everything went as usual. May nasinghalan na naman si Clea na empleyado na nasa arki department din. I suddenly wonder kung kailan ako makakalipat sa floor ng mga Interior Designers. Not that I disliked working with Architect Palma. Gusto ko lang ng katahimikan para makapag-focus sa trabaho.

We held meetings. Everyone seemed tense, siguro ay dahil ilang weeks na lang ay masisimulan na ang proyekto sa Rockwell. If all goes well and according to plan, maaaring masimulan na agad ang constructions. And I admit, I was getting excited to see how our hard work will pay off.

The consecutive meetings were short and concise. Ang unang meeting ay si Liandel ang namuno. Walang sinayang na oras at straight to the point. Ang mga sumunod na meeting ay hindi na namin kasama si Liandel, pero mabilis ang daloy ng trabaho.

After lunchbreak, lumabas ako sa kompanya para bumisita sa isang café sa malapit. I had a brief meeting with a company client. Makatapos iyon ay bumalik lang naman din ako kaagad sa kompanya para matapos at maipasa ang mga kailangan kong gawin.

I was focused all day. Or maybe I was just trying to get my mind off a certain topic. Either way, it helped boost my productivity today.

Nang sumapit ang hapon, saka bumalik ang mga nanggugulong ideya sa isip ko. If these thoughts bugged me earlier, I doubt that I would even get to finish these many tasks!

Tumingin ako sa wristwatch na suot ko. It was just a few minutes passed the hour of four in the afternoon.

I made sure to wear a watch in case I forgot about the time. Mahirap ng maulit ang nangyari last week, I wouldn't risk it. Mas mabuti na ang maaga. And I will also keep in mind na kung sakali man na kinailangan ko ulit na umalis nang saglit, dapat ay alam ni Nurse Pascual o 'di kaya'y ni Thaurn mismo.

Mindali ko na ang paghagilap ng mga papeles at folders na kailangan. Dumaan muna ako kay Clea para ipaalam na baka bukas ay mapasa ko na sa kaniya itong mga finalization.

Nagtaxi na lamang ako patungong Herrera Medical Center. Nakapagbook na rin kasi ako kaning tanghali para masiguradong pupunta talaga ako doon at on-time pa.

Eumoirous (ICS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon