🌺Kabanata 6🌺

7 2 2
                                    

♾️A/N: tulad ng ipinangako ko ito na po ang bagong update for this day, alam ko hate niyo ako kasi ginawa kong nagka amnesia si Madeline hahaha. Enjoy po kayo sa pagbabasa!♾️

💮💮💮💮

THIRD PERSON'S POV,

Hating gabi na pero hindi parin tapos ang operasyon ni Madeline, madaming dugo ang nabawas kay Madeline, kaya naman di na nag-aksaya ng panahon ang mga kaibigan nito at magulang nya at dali dali silang nag donate ng dugo na ayon sa dugo ng pasyente.

Labis ang pag-aalala at pagdarasal ng mag asawang Defontorum sa kaligtasan ng kanilang anak na si Madeline. At sa kabilang panig naman ay ang lalaking nagsisisi kung bakit pa ito nag inom at nabangga ang sinasakyan ng dalaga.

Emergency Room..

Abala naman ang mga doktor at nars sa loob ng ER at inoobserbahan ang mga komplikasyon na maaring maka apekto sa pasyente.

"There are some parts of her body that is impacted by the car crash, ang bandang ulo ay naapektuhan na pede maging komplikasyon kung sakali, at maging ang paa nya ay napuruhan."  The old but young doctor said to his team.

Naging seryoso silang lahat lalo na ang team na mag o-opera sa dalaga. Mula sa kagamitang anesthesia hanggang mga kagamitan na gagamitin pang opera ay inihanda na nilang lahat. Nang matapos na nilang ihanda ang mga kagamitan na ito ay sinimulan na nila ang kanilang dapat gawin.

The doctor of the ongoing operation is the best of all the best doctors in that hospital, mostly because he is the father of this Geraldine Axle Parteon, this man is known for the difficult surgeries that he successfully done with many patients for almost 30 years, and his name is  Arnold Zanther Parteon.

"Doc, sasalpakan ko na po ba siya ng anesthesia? Napakaraming dugo na po ang nabawas sakanya." Mahinahon na tanong na isa sa team.

Tama ang sinabi ng babae dahil kanina pa nag le-leak ang dugo ni Madeline sa ulo at sa ibang parte ng katawan niya, dahil narin siguro ito sa mga bubog na nasama sa katawan niya ng bumangga siya sa sasakyan ni Geraldine.

"Yes, please. And as much as possible I want you guys to breath and don't be afraid, this surgery would be your training for proper surgery technique and may this be successful as we plan earlier." Pagpapagaan ng loob ni Mr. Arnold sa mga kasama niya.

Hindi naman nabigo si Mr. Arnold dahil naging masunurin ang mga kasama nya sa operasyon, dagdag pa ang tahimik na atmosphere sa loob ng ER, pero nang ito ay malapit ng matapos sa pag tahi ng natitirang stitch ay bigla namang nag ingay ang ang machine na kinatatanta nilang lahat.

Nag flat line ang heart beat ng dalaga.

Outside ER...

Nadinig ng lahat ang malakas na pag tunog ng makina, ang ina ni Madeline ay nagsimula ng humagulgol habang ang asawa nito ay patuloy lang na naka alalay sa asawa, samantala ang apat ay tila nawala sa mundo dahil sa narinig.

Mas lalo silang kinabahan ng madinig nila ang doctor na sumisigaw na hudyat na i charge ang machine para bumalik ang tibok ng puso ng dalaga, inabot ng 10 minuto bago bumalik ang tibok ng puso ng dalaga kaya naman lahat sila'y nakahinga ng maluwag sa nalamang nag balik na ang tibok ng puso nito.

Muling nabuhay ang pagasa sa kanilang lahat.

🔥

Samantala, nalaman ng kasintahan ang aksidenteng naganap.

Paris, France. Benitez Corporation...

Natatarantang naglalakad si Jamie sa opisina nito matapos na mabasa ang balita sa TV, ninais nitong bumalik sa Pinas para malaman ang kalagayan ng kaniyang kasintahan ngunit sadyang hindi mapagbigay ang tadhana ngayon.

Once Upon A Love [JaDine Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon