A/N: This is going to be a short update, sorry for the long wait guys. Anyways, enjoy.
🍁🍁🍁🍁🍁
Manang Lydia's POV,
Naaawa na ako sa alaga ko, simula kasi nung bata siya lagi nalang pinag-iinitan ng ulo ni mama niya si Jamie, hindi ko nga rin maintindihan yung isang yon eh. Naging busy lang sa trabaho hindi na hinayaan ang anak maging malaya o maging masaya man lang ang anak nya sa buhay nito, dahil ba sa pagkamatay ng nanay at tatay ng mama niya yung dahilan o baka naman mayroong iba pa na problema yung mama niya pero di niya gustong malaman ng anak niya?
Hay buhay nga naman minsan nakaka baliw sa gulo at kung minsan man ay nakakainggit lalo na kung masaya ang isang buhay na para bang wala ni isang problema na kinakaharap.
Umalis muna ako ng mansyon ng mga Benitez dahil nga sa may pabor ang alaga ko sa akin at alam ko naman na ako lang talaga ang makakagawa nun kasi hindi naman close si Jaime sa iba pang maids dito sa bahay o sa kung sino mang body guards na nakapalibot sa bahay ng Benitez, ako lang talaga muna pansamantala ang mapagkakatiwalaan niya dahil mahirap na kung sa iba nya iyon ipinag-utos marahil sa mga oras na ito nakarating na sa ina niya yung gusto nya ipagawa.
Lahat kasi ng tauhan sa bahay eh kay madam close, para bang mga personal muchacha talaga sila ni madam except sakin siyempre medyo katandaan na ako unlike dun sa iba na medyo bata bata pa na pwedeng pwede huthutan ng kahit ano. Siyempre out ako dun kasi may pamilya rin ako na malayo sakin and as much as possible ayoko maging konektado masyado kay madam.
Bakit ba kasi napaka judgemental ng mga tao ngayon sa panahon na ito?
Tanda ko pa nga yung kapanahunan ko eh hindi pwede yung puro husga lang ang alam ng isang tao, dahil kapag ikaw ay nanghusga sa iyong kapwa asahan mo ng sarili mo ang tinutukoy mo.
Hay nako, Lydia, tama na muna ang drama at gawin mo muna ang utos sayo ng alaga mo.
Sabi ko yan sa sarili ko, hay ma batukan muna nga ang sarili.
*Pok!*
Okay nasa katinuan na ulit ako, teka nasan na nga ba ako?
Ayun!
"Flinters Street" mahinang basa ko sa street sign na nakalagay sa isang pole.
Tama kayo ng basa taga Flinters Street po ang magulang ng girlfriend ng aking master Jamie. Hopefully wala sana dun ang girlfriend ni master para mabilis ko na maipaliwanag ang nais ni master.
Nilakad ko lang ng dire-diretso ang St hanggang sa makarating ako sa ika 31 na numero ng bahay, doon nakatira ang pamilyang Defontorum.
Nang makarating ako sa tapat ng gate ng mga Defontorum ay pinindot ko ang doorbell nila para mag bigay alam na may tao sa labas ng bahay nila.
*Dingdong* (doorbell sound fx.)
Hindi naman ako nabigo kasi saktong dumungaw sa may bintana ang ama ng girlfriend na aking alaga at nang makita ako sa labas ay dali dali nitong sinara ang kanilang bintana at maya maya lang ay nagbukas ang kanilang pinto.
"Manang Lydia, ano ho ang ginagawa niyo rito sa tanghaling ito?" Takang tanong ng ama ng dalaga habang siya ay nagbubukas ng bakal sa gate nila.
"Ah,eh, mister Defontorum, mayroon lang po sana akong sasabihin sainyo at kung sana po ay sa loob nalamang natin ito pag usapan kasama ang inyong asawa." Pagbibigay alam ko.
May manners naman ako sa kapwa kahit na may katandaan na ako noh, di tulad ng ibajan walang manners sa mga kapwa nito.
"Okay lang naman po manang, para saan pa at close ka sa aking anak na si Madeline. Halika, tuloy po kayo." Pag imbita nito sa akin sa loob ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Love [JaDine Short Story]
Novela JuvenilShe is 23 and he is 25 for them age is not a basis of a relationship. She's a 3rd year college student while the young man is soon to be next heir of its company. The day after their monthsary is when the guy left for another country due to his mom'...