A/N: Mahina ang connection ko so sorry pero mahaba habang update ito haha.
🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁🍁
Madeline's POV,
Hindi ko maiwasang mapangiti tuwing naaalala ko ang lakad namin kahapon ni Jaime, kung paano niya ako napangiti ng tunay, kung paano niya ipinadama na mahal niya ako at ayaw niya akong mawala sakaniya, at syempre yung oras na nirespeto niya ang desisyon ko.
Tulad nga ng sinabi ko kagahapon ay matagal na kaming magkakilala nung lalaking yon, siguro mga nasa hayskul palang ako non at naging kaklase ko siya for a whole year. Medyo naging mature nga lang ang itsura niya at kung minsan ang ugali niya rin. Dati kasi ay ubod ng kulit ang lalaking iyon na tipo bang kapag kinulit ka niya ay dapat oo nalang lagi ang isagot mo para tigil kulit na siya sayo.
Hay, ano ba ang ginawa mo sa akin at di kita maiwaksi sa aking isipan Jaime Ray Benitez? Isa kang misteryo na ayaw ko pa na matapos at gusto kong pahabain pa ang mga pagkakataon.
I am having my breakfast together with dad an mom at sayang wala dito ang kapatid ko, she's with lola Alice and lolo Henry after all, and I know that she's safe there.
"Lin, anak, wala kabang assignment kahapon?" Panimulang tanong ni mom sa akin.
"Ahm, wala pa naman po ma, bakit niyo po naitanong?" Baling ko sakanya.
Kunot-noong bumaling sa akin si mama na para bang may ipinagtataka, "Ano? Grabe naman yan nak, sa panahon ko nga halos araw araw May assignment eh. Siguro tamad yung mga teacher niyo ano?" Tanong nito.
Ano pa bang aasahan ko kay mama, iba na talaga pag tumatanda na hays. Si mama kasi yung kahit medyo na tanda na ay naaalala parin yung mga past niya nung kadalagahan niya pa, while si dad naman hindi na masyado pang inuungkat ang nakaraan niya.
"Naku kung ako siguro ay naging guro mas bibigyan ko ng gawain ang mga estudyante ko, pagkat mas mabuti kung marami silang matututunan sa buhay hindi yung puro sarap lang ang iniisip. Kaya marami nabubuntis na kabataan ngayon eh." Reklamo pa nito.
Sanay na ako kay mama, siya kasi yung tipo na mahilig sa mga taong present ang delikadesa' maarte yang si mama kung ako tatanungin niyo. Masyado syang curious sa buhay.
"Ma, nasa 21st century na tayo kaya natural na maraming nagbago. Tsaka ayaw ko naman na araw araw may assignment at activities, stress din po kaya iyon sa utak noh." Kontra ko sa ideya niya.
"Tama naman ang anak natin, Eve maging ako ay aayawan ang tanong klaseng sistema ng aral. Hehe sensya na po mahal ko, kampi ako sa anak natin eh." Kinakabahan na sagot ng aking ama.
Nagkatinginan kami ni papa dahil alam at inaasahan na namin ang kasunod na reaksyon ni mama, " Jusko naman! pinagkakaisahan niyo nanaman akong dalawa aba't ikaw Ben ah, lagi mo nalang kinukunsinti yang anak mo. Tignan mo tuloy pati sa studies tinatamad pero pag dating sa love life go na go parang ikaw lang!" Hysterical na saad ni mama.
At kapag naging ganyan na si mama kay dad alam na ang pupuntahan hihi, kayo ano sa tingin niyo mangyayari? Haha.
"Mahal, diba napag-usapan na natin na wag ka masyadong nagagalit? sige ka baka ma-pano ang magiging bunso ni Madeline." Paglalambing ni papa sa mama ko.
Teka,...
Let me rewind once again,
"sige ka baka ma pano ang magiging bunso ni Madeline."
"Sige ka baka ma pano ang magiging bunso ni Madeline."
"Sige ka baka ma pano ang magiging bunso ni Madeline."
![](https://img.wattpad.com/cover/223300973-288-k303501.jpg)
BINABASA MO ANG
Once Upon A Love [JaDine Short Story]
Teen FictionShe is 23 and he is 25 for them age is not a basis of a relationship. She's a 3rd year college student while the young man is soon to be next heir of its company. The day after their monthsary is when the guy left for another country due to his mom'...