Chapter 5

40.6K 753 3
                                    


JANINE POV

Nakarating kasi sa isang condominium building dito ang may mga exclusive condo. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit kami nandito? Ganito ang nakikita ko sa mga movie at nababasa sa mga libro na pagdinala ka ng lalaking sa condo ay may magyayari sa inyo yung makakabuo ng baby. Yung nangyari sa akin ng gabing yun kasam—. Napailing ako at winala ang mga negative thought na nasa isip ko. Bakit ko ba iniisipan ng masama ang amo ko? Para namang papatulan ako nito ang gaganda kaya ng mga babaeng gusto nito ibang iba sa akin. Will malaki nga naman erase ko yung sinabi ko kanina mga Higad pala ang gusto nito at clown hindi ka gaya kong maganda na kyut pa syempre sexy na!

Uha I'm perfect opps! Im wrong I'm not perfect but goddess cause these no one is perfect. 

"Hey Bumaba kana" napatapitlag ako ng makita si Cedric sa pinto ng kotse nya pinagbuksan pala ako nito ng pinto ng hindi ko namamalayan.

Ano naman kayang gagawin naming dito? Siguro naman ay wala itong gagawing kalukuhan diba? Kong magpapaluko ka meron talaga!.

"Anong ginagawa natin dito? Bumalik na dapat tayo sa kompanya ngayon?" Usal ko ng makababa ako sa kotse nagsimula na kaming lumakad papasok sa condominium.

"Dito tayo magpapatuloy sa pagtratrabaho tinatamad na akong bumalik pa ipapa email ko nalang kay Sofia ang mga importanting dapat kong malaman" tuloy tuloy kami sa paglakad may Ibang bumabati dito na mga kakilala I think sa mga businessman din ang mga ito.

"Okay ano pang ginagawa ko dito? Uuwi na ako" pipihit na sana ako patalikod dito ng mahila ako nito papasok sa elevator bago ito Sumara.

"Will Miss Janine Santiago you at may PA so whatever I want whatever I like you should be there and make it with me get it?" Bumaling ito sa akin dahil nasa likuran ako nito.

"I don't get it even in the start" mahina itong natawa at tinapik ang Kaliwang balikat ko.

"Cook for me My PA" and after that he start walking when the elevator open.

Wala akong magawa kaya sumunod nalang ako dito. Ano bang magagawa ko amo ko to! I don't have rights to demand also. But its a good idea to cook him baka makakain pa ako dito ng maayos. Hindi man lang ako nabusog kanina sa restaurant kahit madami akong kinain ikaw ba naman harap harap may nakikitang naglalandian!.

Napahinto ako sa paglalakad ng tumigil din si Cedric sa isang Kwarto Room 711. Sa tingin ko ay ito yung Condo nya may kinuha ito sa bulsa ng slacks nito ang key card nito. Pagbukas palang at hindi ko pa man napapasok ay naramdaman ko agad ang lamig galing aircon sa loob naging ang amoy ni Cedric na pumapalibot sa loob ng silid ay nalanghap ko din. Ang bango talaga ng pabango nito ito ang gusto ko paging amuyin sa tuwing napapalapit ako dito at maaamoy ang pabango ay hindi ako nagsasawang pasekretong amoyin ito nakakaadik kasi lalo na ang may ari. 

"Come in" Sabay kaming pumasok ni Cedric sa loob ipinalibot ko agad ang paningin.

Malinis ang paligid at halatang alagang alaga malinis naman pala ang ibang lalaki e. Si Zack kasi ay napaka kalat ng lalaking yun hindi marunong maglinis kahit nga ang sariling condo nito kahit saan saan nalang nilalagay ang damit pati boxer nung dumalaw kami ni Hazel sa kanya imbis na magkwentuhan at magmomovie marathon sana kami nun naglinjs nalang kami dahil Hindi kami mapakali sa kalat.

"Ang linis ng Condo mo ah" umupo ako sa sofa habang tinatanggal naman nito ang necktie bago umupo sa tabi ko.

"I'm cleaning here everytime I have time" he rest his head in the backrest.

"Magluluto na ba ako?" Dumilat ito sa pagkakapikit at tiningnan ako.

"Masarap ka bang magluto?" Nagkibit balikat lang ako dito. Itinuro naman nito sa akin ang daan papuntang kusina. Kumpleto ang mga utensils duon. 

Hinalungkat ko ang loob ng ref nito marami itong stock kaya napagdisisyunan kong magluto ng sinigang na hipon. Siguro naman ay sasapat na yun para sa among dalawa gutom narin ako at ito ang gusto kong iulam wala naman itong sinabi kong ano ang gusto nya.

NALUTO na ang sinigang na hipon kaya inihanda kuna ang gagamitin naming Plato at kutsara. Pinuntahan ko si Cedric sa sala kaharap nito ang laptop at nagtitipa duon habang sumisimsim ng kapeng tinimpla ko kanina.

"Tapos na ako magluto" Nag angat ito sa akin ng tingin dahilan kaya nagtama ang mga mata namin muli nanaman akong nalulunod sa mapang akit na abo nitong mga mata na para bang may sinasabi na Hindi mo maisatinig. Ang nga mata nitong seryoso man kong tumingin pero anduon parin ang nakakahumaling kaya madaming babaeng hunahalik at lumuluhod dito makasama at makausap lang ang napakagwapo at matipunong lalaking to e.

"Oh ingat ba ka mahalin mo na ako nyan sa tingin mo palang" inirapan ko ito at na una nang umupo sa sa harap ng hapag.

"Hmm ang bango naman" Halos mabuwal na ako sa kinauupuan ko ng bigla nalang nasa balikat ko ang baba ni Cedric na nakapikit pang suminghot singhot.

"Sye-syempre ako nagluto e" alin alangan ko pang sagot dahil sa tingin ko double meaning yun.

"Masarap kaya yan?" Napakurap kurap ako ng tumama ang ilong nito sa pisngi ko naging ang hininga nito ay tumatama sa leeg ko na ikinaramdam ko ng kilabot Buti nalang ay nasa Plato lang ang tingin ko kong hindi ay mahahalikan na ako nito.

"Sit and eat then you will know" halos makahinga ako ng naluwag ng makaalis ito sa pwesto nito kanina at umupo sa harapan ko.

Nagsimula na akong magsandok ng kanin sinalihan ko narin si Cedric. Kumuha si Cedric ng sabaw at sinimsim iyon nakita ko itong ngumisi.

"Hindi ko akalaing masarap nagluto ang PA ko" napangiti nalang ako at nagpasalamat dito. Nagpatuloy kaming kumain habang nag uusap nasali pa sa usapan ang nangyari kanina may mga sinabi itong ulo at matigas na Hindi ko talaga magets siguro ay magtatanong nalang ako kay Hazel pag uwi ko sigurado akong alam nito ang sinasabi ng boss ko!

Napaigtad ako ng makarinig ng Kulog. Pag tingin ko sa bintana ay umuulan may dalapang kidlat at kulog takot pa naman ako sa ganun Shit! paano ako nito makakauwi?

Pregnant By The Billionaire (Complete) (unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon