A/N: sino marunong gumawa ng book cover?
Janine POV
"TANDAAN MO to Klen anak wag na wag kang lalayo sa akin baka mawala ka pa sa mall" Paulit ulit kong paalala nito dito habang tumango tango lang ito nakasakay kami ngayon sa Taxi papuntang mall.
"Mama darating po ba si Tito Zack?" Tumingala ito sa aking nagtatanong.
"Hindi sya sure anak e pero pagsisikapan nya daw marami Kaso syang inaasikaso ngayon dahil malapit na itong pumuntang London.
Kina usap ko sa Zack kanina ayaw nyang mangako na makakapunta dahil ayaw nyang umasa ang bata. May mga important pa itong gagawin Magtetext nalang daw sya pagmakakapunta sya.
"Si tita Hazel po?"
"May trabaho sya ngayon anak" nalungkot naman ang mukha nito pero ng makita na huminto na kami sa mall ay para itong takas na preso. Hinila pa ako nito patakbo napapatingon tuloy ang ibang tao sa amin.
Mahigpot ang hawak ko dito dahil baka mawala nanaman ito. Nakakatakot ang pakiramdam na yun. Lalo nat merong palaging nakasunod sa amin. Baka makahanap pa sila ng syempo na saktan o kunin ang anak ko. Mas mabuti ng maingat ako para makahanda sa mangyayari. Nakarating kami sa Toms World may mga ibat ibang laro dito.
"Mama dun tayo sa basketball" tinuro nito ang maliit na basketball machine.
"Magpapalit muna tayo ng tokens anak" Napapalit ako ng 300 Tokens marami na yun para kay Klentrix sya lang din naman ang paglalaruin ko kakain dun agad kami pagkatapos dito.
Nagsimula na itong maglaro kung maglaro ay napakaseryoso marami ring nanunuod yung mga gustong sumunod na maglalaro. Mensan ay napapataas ang kilay ko sa tuwing nakakashoot ang anak ko napakataas ng ring pero parang easy easy lang yun sa kanya. Habang hangang hanga naman ang iba sa kanya kinukunan pa ng video will may itsura nga din naman ng anak ko at proud mommy ako. May kaunti itong pawis na bumalik sa akin nakangiti pa.
"Mama you see that I'm a good shooter" kinidatan pa ako nito bago hilain sa iba nanamang laro napapailing nalang ako ang Daming nakuhang kalukuhan ng anak ko sa dalawang kaibigan ko.
Mukhang nakuha pa nito kay Zack ang pagiging matinik sa chixs."I want to play that game Ma" tinuro nanaman nito ang Car racing na gamiy ay computer.
"Sige ito oh" inabutan ko ito ng tatlong tokens tumakbo naman agad ito at umupo sa pwesto. Ng bigla ay nakaramdam ako na parang naiihi.
"Klentrix wag kang aalis dito ah" nakatutuk parin ito sa Computer.
"Bakit po Mama saan ka pupunta?" Tiningnan ako nito sandali agad din namang bumalik sa nilalaro.
"Iihi lang ako gusto mo bang sumama nalang?"
"Dito nalang po ako hihintayin nalang po kita"
"Sige" bibigyan ko ito ulit ng limang tokens baka sakaling matalagalan ako sa pag CR madami pa namang gumagamit.
Mabilis akong pumunta sa malapit ng Restroom dito sa pwesto ng Toms World. Pagkapasok ko sa Girls Restroom ay madami ngang gumagamit kaya pinauna ko muna yung ibang nauna pa dito kanina.
Agad akong pumasok sa isang cubicle na pagkalabas ng babaeng gumamit duon. Paglabas ko ay wala nang masyadong tao pumunta ako sa harap ng salamin at inayos ang itsura naghugas muna ako ng kamay bago nilagyan ng dagdag na lipstick ang nasa labi.
Lalabas na sana ako ng bigla nalang ay may humawak sa braso ko pagkatingin ko sa humawak nun ay agad din ako nitong niyakap sa gulat ko ay hindi ko ito nayakap pa balik kumalas din naman agad ito at tiningnan ako mula ulo hangggang paa.
"Mygosh Janine ikaw nga!" Its Sofia ang Secretary ni Cedric.
"Sabi ko na nga ba, kamusta kana? Maglalo kang gumanda ah?" Hindi agad ako nakasagot sa mga tanong nito nginitian ko ito una.
"Okay lang naman ikaw?" Habang nag uusap kami ay humarap ito sa salamin.
"Ito Secretary parin ni Sir Cedric" mapait akong ngumiti dito ng banggitin nito ang pangalang iyun.
"Nasaan na ang anak mo Janine gusto kong makita" excited nitong saad.
"Nasa Toms World Sofia naglalaro" sabay kaming lumabas sa Restroom.
"Dun din ang Punta ko ngayon mukhang makikita ko talaga ang anak mo lalaki ba o babae?" Hindi parin talaga ito nagbabago masyado parin itong madaldal.
"Lalaki Sofia Klentrix ang pangalan nya" Nakinig lang ako sa mga dinaldal nito marami rin akong nalaman ng mawala ako.
Nagsama pala si Cedric at Monica sa isang bahay babae daw ang anak ng mga ito. Hindi nga daw nagustuhan ng mga empleyado dun ang ugali ng babae dahil masyado daw itong feeling boss. May iba din daw na hinahanap sya ng bigla syang nawala wala naman daw sinabi si Cedric sa mga ito ranging si Sofia lang ang nakakaalam. Sabi pa nito ay masyadong magastos si Monica kahit ano ano nalang daw hinihingi kay Cedric ibinibigay naman daw agad ng lalaki. Siguro nga ay ganun na nito kamahal ang babae.
"Ano nga palang ginagawa mo dito Sofia wala ka bang trabaho ngayon?" Tanong ko nalang dito ayaw kong isipin nito na naaapektuhan ako sa mga kinukwento nito dahil sa pagiging tahimik ko.
"May meeting kasi kami ni Cedric dito kanina"
"Ganun ba hindi ka ba didiretso sa kompanya baka na una na ang amo mo dun" hindi ko talaga binanggit ang pangalan nito.
"Ayos lang namn nasa Toms World naman nag hihintay sa akin si Sir e" nakita kong ngumisi ito ng makita ang may gulat sa mukha ko.
"Wag kang magbiro Sofia" hinarap ko ito ng nasa labas na kami ng Toms World.
"Janine I'm not joking around" mahina itong natawa at tumingin sa likuran ko at may itinuro dun.
Agad akong napalingun sa likuran ko at hinanap kong saan ang itinuro nito. Nangunot ang noo ko ng makitang ang lalaking itinuro nito ay nakatalikod sa amin habang kausap si Klentrix at pinantayan ang taas nito. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa nakita. Seryoso ang mukha ng anak ko kalaunan ay ngumiti ito. Nag uusap ang mag ama?
"Ang cute nilang tingnan parang mag ama lang about din pala ang kulay ng mata ng anak parang kay bos-" hindi na akong nakinig sa sinabi nito at nagmamadaling lumapit sa pwesto ni Klentrix at hinablot ito sa pagkakahawak ni Cedric alam kong nagulat silang dalawa sa ginawa ko at pagsulpot pero hindi ko hahayaang kausapin nito ang anak ko itinakboy nya kami kaya wala syang karapanatan.
"Janine.." Gulat ito ng makita ako bumaba agad ang tingin nito kay Klentrix at bumalik agad sa akin.
"Tara na anak uuwi na tayo" nagmamadali akong lumakad paalis sa lugar na yun ramdam ko pa ang tingin ni Cedric sa amin habang papalayo.
"Bakit mo pinakawalan?" Dinig ko pa ang tanong ni Sofia dito pero hindi ko na narinig ang sagot nito dahil nakalayo na kami duon.
BINABASA MO ANG
Pregnant By The Billionaire (Complete) (unedited)
RomanceMondavalle and Santiago love story Written by: sleepyduchess