Janine POV
BUONG byahe ay nagkwekwentuhan lang ang mag ama at nagtatawanan malayo layo rin pala ang bahay na lilipatan namin. Sabi ni Cedric ay bagong gawa lang daw ang bahay na ipinagawa nya.
Dahil alam nya naman daw na sasama talaga kami minadali nya talaga ang pagpapagawa para meron agad kaming malilipatan na bahay.Excited na nga Klentrix e sa kapagkaexcited nito ay nakatulog ito sa kandungan ko natahimik naman ang kotse dahil wala ng nag iingay at tawa ng mag ana tahimik lang din naman si Cedric wala rin naman kaming pag uusapan. Kanina pa ito nakailang buntong hinanga tapos pangiti ngiti.
Napapailing nalang ako sa tuwing nasisilayan ko iyun. Para na iyong baliw kong umasta. Sa labas lang ang tingin ko hanggang sa pumasok kami sa isang gate at may natanawang napakalaking bahay. Ito na ba iyun? Subrang napaka laki naman ata para sa aming tatlo ito.
"Were here" kinalas nito ang seatbelt at naunang lumabas sa kotse para pagbuksan kami ng pinto kinuha nito si Klentrix sa akin para makababa ako.
Agad akong napakapit sa braso ni Cedric ng may mga lalaki na may dalang baril. Narinig ko pa itong mahinang natawa na ikinaismid ko may gana pa talaga itong matawa.
"Sir nasa loob po ang mga magulang nyo" para akong dinaganan ng malaking bato sa dahil sa narinig.
Baliwala lang naman iyun kay Cedric pero para sa akin ay para na akong mahihilo hindi ko pa nakikita ang mga magulang nito kahit na sa picture. Nangangamba ako na baka ay hindi nito magustuhan kaming mag ina. Okay lang naman sa akin na ako hindi magustuhan pero sana naman si Klentrix ay matanggap ng mga ito.
"Hey your shaking are you nervous?" Isang braso lang ang hawak nito ka Klentrix na nakahilig ang ulo sa balikat nya. Habang ang isang braso ay nasa bewang ko Hindi ko na inabalang balingan iyun ng pansin dahil masyadong nagwawala ang puso ko sa kaba at subrang lapit nya saakin.
"Sino ang hindi kakabahan e nandyan ang parents mo" pagsusungit ko.
Hindi naman siguro ako magagaya sa mga nababasa kong libro at napapanood ko diba? Na sasampalin o sasabunotan dahil Hindi nila ako nagustuhan. Hingang malalim Janine kaya mo yan andyan ang anak mo kakayanin mo ang lahat para dito.
"Hey I'm here. Don't worry they will love you also our son" paniniguro nito pero hindi nun napantayan ang kaba ko!
"Paano pag hindi nila kami nagustuhan?" Nababahala parin Ako. Napapikit ako halikan ako nito sa noo.
"Im still there by your side baby I'll protect you" parang hinaplos ang puso dahil sa paraan ng pagpapagaan ng loob ko nito.
"Let's go?" Tumango lang ako at mahigpit na kumapit sa kamay nitong nakapaikot sa beywang ko. Hanggang sa umabot kami sa maluwag na sala ng napakalaking bahay may dalawang nakatalikod na matatanda sa amin naririnig ko pang nagkwekwentuhan at nagtatawan ang mga ito. Lalo akong kinabahan ng makalapit na kami nakatungo lang ako at hindi makatingin sa mga ito.
"Cedric anak" magiliw na bati ng matandang babae.
"Oh is this you said a surprise? My apo and daughter-in-law?" Narinig ko pa itong humalakhak kaya napaangat ako ng tingin nabigla pa ako ng familiar ang mga mukha nito sa akin.
Duon ko lang naalala na sila ang dalawang matanda na tumulong sa kay Klentrix sa simbahan. Ang ipinagtaka ko ay hindi man lang nagulat ang dalawa. Did they now in the first place? Or hindi lang nila pinahalatang gjlat sila.
"Halo ija I'm your mommy Gina" nakipagbeso beso pa ito sa akin.
Nagmano naman ako sa matandang lalaki na "ako naman ang papa Jose mo IJA" tumango tango at at tahimik silang pinagmamasdan.
"Ma iaakyat ko lang sila sa taas" paalam ni Cedric sa mga ito.
"Sige mauuna narin kami may kailangan pa kaming asikasunhin para mahanda ang lahat" kumindat pa ang papa nito sa kanya may matamis namang ngiti sa labi ni Cedric habang paakyat na kami.
"Anong nginiti ngiti mo dyan?" May lakas na akong kausapin ito dahil wala na ang mga magulang nito ngayon.
"Wala bawat bang ngumiti ng walang dahilan?"
"Oo dahil nagmumukha kang baliw"
Pumasok kami sa malaking kwarto na kulay blue maraming mga stuff toy at isang maliit na kama na para lang talaga kay Klentrix. Maraming libro din dito may gitara din sa gilid ng kama. Napakalinis pa at di aircon.
"Ito ang kwarto ni Klentrix" maingat nitong inilapag ang bata sa kama at hinibaran ng sapatos bago lagyan ng kumot.
"Ibig sabihin hindi dito ang kwarto ko?" Tanong ko dito.
"Hindi" simple lang nitong sagot.
"Eh saan ang kwarto ko?" Ngumisi ito kaya napataas ako ng kilay.
"Sa tapat ng kwarto ng anak natin iyun ang kwarto nating dalawa" ginaya pa nito ang kindat ng ama nya kanina.
"Adik ka Hindi pwede yun" naiinis na pinandilatan ko ito ng mata. Hindi ako tatabi dito kahit pa puyat na puyat na ako at gusto ko ng matulog.
"Wala ng ilang kwarto"
"Anong wala pakalaki ng bahay na ito e ano yung mga pinto ha!" Pinitik nito ang noo ko na ikinaaray ko.
"Hinaan mo ang boses mo naka narinig tayo ng anak natin" tumaas ang balahibo ko sa huling sinabi nito.
"Malaki nga ang bahay pero hindi patapos ang ibang kwarto dahil magpinauna kong mtapos ang dalawang kwarto para meron tayong matutulugan" ibig sabihin ay sa iisang kwarto kami nito? Hindi naman kasi ako pwedeng tumabi kay Klentrix dahil maliit lang ang kama nito at pang isahan lang.
Kahit labag sa loob ay pumayag nalang ako mabuti nalang at lalaki pala ang kama sa kwarto. Parang nakahinga Ako ng maluwag dahil dun.
"Lalabas lang ako, ilagay mo lang sa kabinet ang mga gamit mo" tinanguan ko ito at kinuha ang mga gamut sa malita pagbukas ko sa kabinet nito ay may mga damit duon ni Cedric itinabi ko nalang. Halos pumula na ang pisngi ko ng ipinagtabi ko sa boxers at brief nito ang mga underwear ko.
Humiga ako sa kama at unti unting nilamon ngkadiliman dahil sa pagoda pero bago yun ay narinig ko pa ang pagtunog ng pinto at pagyapos ng dalawang braso sa bewang ko.
"I miss you baby" a wet thing touch my forehead. Then everythings black.
•°•°•°•°•
Ang masasabi ko lang ay ilang chapters nalang at magtatapos na ito may mga mangyayari pang sa tingin ko ay ikakasurprisa ninyo.
Btw Brotherhood series 1 is now posted in wattpad prologue palang yun. Pero isasabay ko ang chapter 1 nun sa next chapter nito.
BINABASA MO ANG
Pregnant By The Billionaire (Complete) (unedited)
RomanceMondavalle and Santiago love story Written by: sleepyduchess