Line 9

11 2 0
                                    

Line 9

"May FP ka na?"

Tapos na kami sa basics ngayon ay application na for finals. One storey residential lang naman daw muna yung major plate namin.

Sa wakas magpaplano na rin kami.

As usual, we're left in the room. Ar. Deutsch will just come back for consultations later. Scheme pa lang naman yung ichecheck.

"Wala pa nga eh," I answered. Sa sobrang dami ng ideas di ako makapagdecide kung alin yung gagamitin ko.

My classmates kept roaming around, brainstorming. I didn't move. I wasn't really fond of going around asking. I'd rather focus on what I have. Baka kasi ang ending  ay magkapare-pareho kami ng design kaya wag na lang.

Inalala ko lahat ng standard sizes pati na rin yung ibang theories. Gagawin ko na lang yung tingin ko ay tama. Ipapabago naman ni Ma'am kung mali.

"Ready?"

Ma'am, sandale! Muntik ko na isigaw. Nahahawa na ko kay Ellora.

Letter A pa naman ako!

Tinuloy ko na lang yung una kong gawa. Tiningnan ko yung iba, hala bakit naglalagay na sila ng furniture!?

"Alger."

Pumunta na lang ako sa harap while still scribbling on my scheme.

Agad na kumunot yung noo ni Architect, kinabahan naman ako.

"Mali to. Masyadong mainit yung placement nung bedroom. Tsaka ito, masyadong maliit yung daanan. Di maayos circulation. Where's your service area? Masyadong maliit yung master bedroom mo..."

Pula.

Puro pula yung scheme ko. Ginawang bingo card ni Ma'am yung papel ko.

"Alonzo."

I pouted as I went back to my seat. They immediately huddled to see what is marked.

"Girl, okay ka lang?" tanong ni Iradessa.

I felt so shaky and... dumb.

I hate that I'm feeling this way. Okay lang dapat kasi first time ko lang naman magplan. I shouldn't feel emotional but I felt like shit. I feel disappointed at myself.

This is not how I pictured it.

I just nodded as they discussed what should be changed according to mine and tried to fix theirs.

"CR lang ako."

Goddamn it, Aeonia! I hate that I'm easy to tear up.

I spent ten minutes trying to suppress my tears and to calm myself down in the loo. Bumili na lang rin ako ng soda sa vending machine para may reason ako kung bakit ako magtagal.

Pagpasok ko ng room si Iradessa na yung nagpapaconsult. She came back to her seat with a satisfied expression but she kept quiet. She's always been quiet but these days it felt different. Si Uri naman di pa tapos ayusin yung kanya. Si Ellora na nakikipagdaldalan ay lumapit na uli sa row namin.

"Di mo na irerevise yung iyo? Magcheck daw ulit si Ma'am 'pag may time pa."

"Ikaw ba?"

"Tinatamad na ko," she shrugged.

Next meeting yung last consultation for floor plans tapos sections and elevations naman ang next.

"Tsk. May maipakita lang, ganon?"

"Mas nakakapagfocus ako kapag ako lang."

"Puro daldal ka lang kasi dito."

"Napaka-judger talaga! Nakakatapos pa rin naman ako!"

Of Lines and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon