CHAPTER 20

580 37 2
                                    

CHAPTER 20

"Hindi! Hindi kami pumapayag!"

"Oo nga! Nandirito ang mga kabuhayan namin!"

Murmurs and screams of complaints echoed beneath the veranda. The huge and high porch—where King Hwan, Princess Claudia, Queen Analisa and I are located—served as a stage for us to be seen by them. The Zarilinos, standing in the wide palace ground, were looking up at us with their creased face, whining at us.

"Mga minamahal kong mamamayan, kailangan ninyong lumikas. Ang inyong kabuhayan ay maaari nating maibalik... ngunit kapag buhay na ninyo ang nawala, wala nang pangalawang pagkakataon." King Hwan's voice was deep and huge, speaking loudly with so much authority.

"Simula nang ikaw ang naghari, nagkagulo na ang lahat!"

"Oo nga! Wala namang Bantay ng gyera dati no'ng si Haring Huse pa ang nasa trono!"

"Tama!"

"Kasalanan mo 'to!"

Men and women voices were mixing in the air, vibrating the atmosphere.

"See? No one believes Hwan," Claudia whispered beside me.

I know she couldn't understand what they're saying but the citizens' tone is obvious.

I just nodded at the princess in an acrid expression.

Kawawa naman si Hwan.

"Walang magagawa ang inyong pagrereklamo," singit ng reyna. "Mag-aaksaya lamang kayo ng laway, boses at lakas. Simulan na ninyong mag-impake at isama lahat ng alaga ninyong hayop. Anihin na ninyo ang inyong mga pananim dahil bukas ng umaga, eksaktong ika-apat ng madaling-araw, tutunguhin na natin ang bulkan ng Myona."

"Pati kami at dinadamay ninyo sa gulo ninyo sa nga taga-Megallan!"

"Oo nga!"

"Palibhasa mayaman kayo kaya akala ninyo gano'n lang kadali ibalik ang aming hanapbuhay!"

"My dear Zarilinos, keep calm." Claudia's voice was soft but it still echoed, killing the conversations of the commoners below us. "After this war, I promise, I'll return here and help you all financially."

Walang katapusang pagrereklamo ang pinakawalan ng mga Zarilino ngunit natapos din ang pangmalawakang pagpupulong. Walang nagawa ang mga mamamayan ng Zaril kundi ang sumunod sa ipinag-uutos ng mag-ina. Minadali nila ang pag-iimpake ng mga pagkain at gamit nilang kakailanganin kahit batid namin na nabigla sila sa biglaan naming pagbabalita ng tungkol sa gyera.

Ika-apat ng madaling araw ng araw ng Miyerkules, nakapila ang hindi sa bababa sa sampung libong mamamayan ng Zaril. Karamihan ay may kargang kulay lupang sako habang ang iba ay may dalang karwahe na hila-hila ng mga kalabaw kung nasaan ang kanilang mga gamit at mga pagkain. Some native pigs, chickens, cows, goats and other animals are even walking with them.

Hindi ko maiwasang maawa sa dahil ang iba ay buntis at karamihan ay may karga-kargang mga musmos sa kanilang magkabilang braso. May mga nakasakay sa kabayo, ngunit ang mga matatanda lamang at ang may mga sakit.

"I-Iska... baka m-mahulog ako..." Hwan—sitting behind me—said afraid.

"Hindi... matalino itong si Bantay, hindi ka niya ilalaglag." I chuckled, caressing the giant dragonfly's back. "Hindi naman tayo dapat sumusunod nang ganito sa kanila, ikaw lang ang nagpumilit."

"Kailangan kong bantayan ang mga mamamayan ko." His hands crawled from my back and snaked on my waist, making me stiffen in surprise. "Nais kong siguraduhing walang mangyayaring masama sa kanila."

Zaril Chronicles 1: A Villain's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon