CHAPTER 24

523 34 0
                                    

CHAPTER 24

Everything was clear for me now... but I still can't absorb!

Kaya naman pala hindi namin matukoy ang dahilan ng mga Megallanes sa pinapadala nilang babala sa pagsugod ay dahil hindi naman pala talaga sila ang nagpapadala noon!

Clara, ang aking ina na naparusahang maging isang matandanag lalaki na may mahabang balbas... she's the one who's sending those false warnings! And... I'm sure that Emilya is her way to send those threats...

Wrath was all drawn to Emilya, Clara and ina's system. They have same reasons—cruelty—in different images. Pero saan ba sila dadalhin ng poot nila?! Alam kong gusto lang nila gumanti... but these were all too much. This is not justice anymore. Wrath is driving them to a place where neither of us will win.

No one will gain here!

“Mag-iingat ka, anak,” Huse muttered as I hop out from Bantay’s back. “Sisiguraduhin kong gagaling si Hwan. Simpleng pahinga lamang ang kaniyang kailangan.”

“Si Emilya.” I gestured the woman behind him. She was staring at nowhere through her blue eyes and she's not even moving. “Bantayan niyo siya. Baka kung ano ang magawa niya.”

“Huwag mong alalahanin kaming mga nanupitak, Iska.” He grabbed my shoulders gently and pulled my body that made me took steps towards him. “Kontrolin mo ang mga Zarilino at Suisran na kawal para matigil na ang laban at nang wala ng mamatay. Pagkatapos noon ay tanging si Amabel at Clara na lamang ang iyong papakiusapan. Kausapin mo sila nang masinsinan, Iska. Nakikiusap akong gawin mo lahat ng makakaya mo para sa mga Zarilino. Kung puwede nga lamang magpakita kaming mga Nanupitak sa mga kawal ay matutulungan ka sana namin... pero hindi. Nakasaad sa mga ipinag-uutos ng mga bathala na hindi puwede...”

Kung gano'n ay bakit sila nagpapakita sa akin? Why Andres let himself to be seen by Ina?

“Ang akala ko'y mga Megallanes ang susugod... kaya sinanay ko ang mga Nanupitak para may magbantay sa pampang kung saan posibleng dumaong ang mga Megallanes.” He pulled his eyes away and looked at the ground. “Nagkamali ako.”

“Ayos lang 'yon, ama.” I tried to comfort him, pero parang hindi niya pinansin ang aking sinabi.

“H-Hindi dapat ako nagkamali... sinayang ko lamang ang panahon at lakas ng mga nanupitak. Hindi dapat ako nagkamali...”

Our conversation died away when Hwan coughed, still unconscious since our ride. Buti na lang at walang malay itong haring ito! Dahil kung hindi, hindi ko alam kung sino ang sasaklolo sa amin! Kaya siguro noon lamang dumating ang aking ama no'ng nasa may Ibarra Falls na kami ay para siguro hintaying mawalan ng malay si Hwan... dahil nga bawal sila magpakita sa mga Zarilino.

And I never thought that Emilya was unconscious, too! I mean, she's under my power... hindi ko alam na ang mga Zarilino kong makokontrol ay mawawalan ng malay! She can think and move her body, but only under my power. She's freaking unconscious!

Were the Suisran battlers are unconscious too? They are under Clara’s power!

Speaking of my mother's power, it was clear to me why she could use her powers against the Suisran. I asked Emilya while we were on ride... at sinabi niyang hindi naman talaga raw inalisan ng kapangyarihan ang naparusahang bathala, isinumpa lamang daw siya na hindi magamit ang kaniyang kapangyarihan sa mga Zarilino. Yes, my mother can't use her powers against the Zarilinos, but she still can use it against the Suisrans and other people from the other kingdoms.

My feet felt like melting ice but I still forced my swelling muscles to run. Kanina pang ubos ang lakas ko simula nang pakawalan ako ni Ina sa gitna ng kawalan na 'yon na parte ng kapangyarihan niya... but I shouldn't give up this way.

Zaril Chronicles 1: A Villain's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon