CHAPTER 27
Hindi ko makontrol ang sarili ko dahil sa magkakahalong emosyon na bumabalot sa aking buong sistema. Ilang leeg na ang natagpas ng iwinawasiwas kong espada at ilang dugo na ang tumalsik sa aking mukha.
Tumutulo na ang pulang likido mula sa kumikinang na metal ng aking espada ngunit mas lalo ko lamang hinigpitan ang kapit ng kamay ko sa hawakan nito. Mga babarikong sigaw ang pumapailanlang sa paligid... pero mas nananabik ako mapakinggan ang mga bulong ng espada na hinahati ang ere... at ang tunog nitong tinatagpas ang leeg ng mga Suisran.
Tila musika ang mga nagtatagpong espada at ang tunog ng mga pagsabog mula sa mga bolang mahika na mula sa mga salamangkero’t kanyon.
Ang buwan na nanonood mula sa itaas ay bahagya lamang na sumisilip mula sa likod ng maitim na ulap na parang takot na takot sa kaniyang nasasaksihan. Walang mga bituin na matatanaw... para silang mga bata na pinapasok ng kanilang mga magulang sa loob ng kanilang tahanan upang hindi masaksihan ang karahasang bumabalot sa Zaril.
Patuloy na namamalisbis ang mga luha ko kasabay ng pagwasiwas ko ng hawak kong armas. Mabibigat ang mga hikbi ko dahil sa kalungkutan, ngunit sa tuwing makikita ko ang itsura ng mga Suisran, tanging poot ang lumalamon sa buong pagkatao ko. Hindi ko na alam ang ginagawa ko... ang tangi lang na tumatakbo sa utak ko’y...
Sila ang dahilan ng pagkamatay ni Iska.
Hindi ko na namalayan ang sarili ko... pati ang mga nangyayari sa paligid ay hindi ko na nagawang pansinin... ang tangi ko lamang natatandaan ay pinalilibutan na ako ng mga salamgkerong may kulay dilaw na kapa. Walang bakas ng emosyon ang kanilang mukha habang nakapalibot sila sa akin...
Tunog ng marahas kong paghabol sa aking hininga ang kaisa-isang ingay na aming naririnig.
Wala na... ubos na ang mga kawal ko...
Talo na kami.
Alam kong mas malakas ang taglay kong kapangyarihan kaysa sa mga salamangkerng ito, pero hindi ako mananalo... hindi ko sila kakayanin.
Isa laban sa mahigit isang dosena?
“Don’t kill him.” Isang malagong na boses ang sumulpot mula sa kung saan at narinig ko pa ang marahang paghakbang ng mga paa niya sa ibabaw ng mga tuyong dahon...
Nilingon ko ang direksyong pinagmulan ng boses... at nasaksihan ko ang unti-unting pagdampi ng malamyang liwanag ng buwan sa kaniyang katawan.
“He still could do something for us.” Tuluyang kinumutan ng liwanag ang buong katawan niya at isang ngisi ang marahang napaskil sa kaniyang labi na nababalot ng puting balbas. “He’ll ruin his own empire.”
Nalakumos ang aking noo sa inaasta ng matabang lalaki... pinilit kong suriin ang kaniyang mukha habang naglalakad siya papasok sa nakabilog na mga salamangkero, ngunit wala akong ibang makita kundi ang poot na nakapinta sa kaniyang mukha.
“W-What d-do you.. n-need to us?” Pinunasan ko ang dugo sa gilid ng aking labi gamit ang likod ng aking palad. “You, coward!”
Isang sarkastikong tawa lamang ang kumawala sa bibig niya dahilan para mas higpitan ko ang mga daliring nakapulupot sa aking espada. Nagkiskisan ang aking mga ngipin sa galit... lalo na nang masalo ko ang titig niyang nanunuya. Tanging kalahati lamang ng mukha niya ang dinadampian ng liwanag at ang kalahati ay nababalot ng anino.
BINABASA MO ANG
Zaril Chronicles 1: A Villain's Daughter
Fantasy★WRITERS' COMMUNITY AWARDS BEST FANTASY STORY★ ★THE CALLA LILY AWARDS WINNER [FANTASY CATEGORY RANK 2]★ When a butterfly is peacefully flying, a frog is waiting for a perfect time to catch the insect. Someone will kill, and someone will be killed...