•KIM•
Bumalik nga si Prince bago pa ako patayin sa kaba dahil kanina pa nag tetext sakin ang number na yun na kanina pa daw nya hinihintay makaalis si Prince para makasama na nya ako.
Takot na takot ako sa totoo lang mabuti na lang at bumalik si Prince.
"D-dito ka muna." Nanghihinang sabi ko.
Nilapitan nya ako at hinawakan sa magkabilang balikat saka itinapat ang mukha sa akin.
"Is there someone bothering you? Tell me the truth." Seryosong sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.
He can see me through. I can't lie.
Tumango ako.
"Fuck. Bakit hindi mo agad sinabi sakin? Kelan pa?" Nababasa ko sa mga mata nya ang galit.
"Since last week. Natatakot akong sabihin sainyo dahil ayaw kong masangkot kayo sa kung anong problema ko." Sabi ko.
"Walang magagawa yang takot mo kung hindi mo sasabihin! Para saan pa't nandito ako? Gumagawa ka na naman ng ikapapahamak mo!" Galit na sabi nya.
"Nagagalit ka ba? Alam mo kung gusto mo umalis ka na lang. hindi ka nakakatulong. Ang sakit ng ulo ko. Pabayaan mo na lang ako Prince. Umuwi ka na lang." tumalikod ako.
"Wala ka bang tiwala sakin? Ganyan ba kababa ang tingin mo sakin?" Dinig ko ang buntong hininga nya.
"Ayokong sabihin sayo dahil baka kung ano na naman ang magawa mo dahil sa galit ka!" Hinarap ko sya.
Ngunit ang galit sa mukha nya ay napalitan ng blangkong ekspresyon. Sumeryoso ang mukha nya.
"Kriminal pa rin ang tingin mo sakin hanggang ngayon? Natatakot ka na kaya kong pumatay ulit?" Diretso ang tingin nya saakin.
Huminga ako ng malalim at yumuko.
"U-umuwi ka na." Iyon lang ang tanging nasabi ko.
"Fuck off." Iyon ang huli kong narinig bago kumalabog ang pintuan ko .
Ito ang ikinatatakot ko sa kanya. Malambing syang tao pero iba sya magalit. Nakakatakot. Nakakatakot na kaya nyang pumatay lalo na pag galit sya.
I'm scared. And Hurt.
Ngayon lang sya nagalit ng ganyan.
BINABASA MO ANG
UNchainGED (Sequel of HIDDEN)
Mystery / ThrillerBlood.Flesh.Life.Death. Life for Life. But money can make the world go round. Where life can be bought by money. After the imprisonment of Prince Roxas, he's now finally free. A lifelong imprisonment for the payment of life is now gone. He can e...
