Chain101

35 3 0
                                    


Charity

Nakarating kami sa sinasabing place ni Prince kung saan kami maghahanap kung nasaan si Kim.

"Ano ng balita? Hindi pa rin ba macontact dre? " tanong ni Zeke sa kanya.

"Kanina nag riring pa ang phone nya pero ngayon nakapatay na." Sagot ni Prince.

"Humingi kaya tayo ng tulong sa Police?" Suhestiyon ko.

"Mabagal ang galaw ng polisya rito. Mahanap man nila si Kim ay baka iyon ang araw na hindi na sya humihinga." Seryosong sabi ni Zeke .

Hinampas ko naman siya ng malakas sa braso.

"Wag ka ngang ganya Zeke! Nakakainis ka!"

"Nagsasabi lang ako ng totoo kaya mas maganda maghanap na tayo ngayon kasi kung hindi tayo kikilos hindi natin malalaman kung ano talagang nangyari kay Kim."

Mahahalata talaga kay Zeke ang pagka seryoso nya pagdating sa mga ganitong bagay kaya hindi ko siya masisisi kung anong takbo ng isip nya ngayon.

"Tara na bago pa mahuli ang lahat."

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon