Chain102

30 3 0
                                    

•KIM•

Nagising ako sa isang tahimik at madilim na lugar. Noong una akala ko bulag na ako hanggang sa may nagtanggal ng piring ko.

"Hello there sweetie." Malumanay niyang sabi habang natatakpan ng mask na itim ang mukha niya.

"Ikaw ba?" Nanghihina kong tanong.

Humalakhak siya.

"Kaya gusto kita eh. Kilang kilala mo talaga ako."

Inilayo nya ang mukha saakin at tinanggal an maskara.

Hindi ako nagkamali. Siya nga. Ang lalaking iyon. Noong gabi. Sa Mall.

Yung lalaking sunod ng sunod sakin.

"How dare you! Ano bang kailangan mo sakin?"

Nagpupumiglas ako sa sa pagkakatali sakin sa upuan.

Humalakhak na naman siya. Ang tawang iyon na nakapag pataas ng balahibo sa katawan ko.

"Ikaw lang ang kailangan ko." Hinawakan niya ang baba ko.

Nanginig ang buong katawan ko sa paglapit niya. Parang nawawalan ako ng hininga.

"L-layuan mo ako!" Inuntog ko ang ulo ko sa ulo nya dahilan para mapalayo sya sakin pero ang kapalit naman non ay sakit.

Pakiramdam ko mawawasak ang ulo ko anytime.

Agad niya akong sinampal. Napaawang ang labi ko sa sakit. Pakiramdam ko nagkasugat ito dahil naramdaman ko pa ang matulis niyang kuko.

Pero hindi dapat ako umiyak sa ganitong pagkakataon.

"Ano pa bang kailangan mo sakin?! Sinunod ko ang gusto mong wag mahalin pabalik si Prince wag mo lang syang sasaktan!" Nagpumiglas pa ako kahit na sobrang sakit na ng mga kamay ko.

"Stupid decision. Hindi mo naman siya nilayuan!"

"You're obsessed. You're disgusting. I don't even know you  at hindi ko alam bakit ka sobrang obsess sa atensyon ko. Tigilan mo na ako. Wala kang mapapala sakin dahil hinding hindi kita mamahalin pabalik!"

Sinampal na naman niya ako pagkatapos ay humalakhak siya ng napakalakas. Wala akong maramdaman basta ang alam ko lumuluha na ako.

"Tingnan natin kung masasabi mo pa yan sakin ngayon..." ngumisi siya ng nakakatakot.

"In 10 minutes, you'll see."

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon