Chain105

33 3 0
                                        

•KIM•

Lumipas ang ilang minuto. Sa sobrang sakit ng mukha ko kanina hindi ko namalayang nakaidlip ako. Pero nagising ang diwa ko nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto.

"I knew you would come. Finally we met again." Ngumisi ang lalaki.

Tumigin ako sa pintuan.

Nanlaki ang mata ko.

"Kim?!"

"Prince?! What are you doing here?! Umalis ka na!" Sigaw at pagpupumiglas ko.

"I invited him here. Para naman saluhan niya ako sa hapunan ko." Ngumisi pa ito lalo ng nakakatakot.

"Damn you!"

"Prince you shouldn't be here. Run for your life! Papatayin ka nya Prince umalis ka na!" Patuloy na pagsigaw ko kahit na nawawalan na ako ng boses.

"I will save you Kim. I will take you out of here. And you..." tiningnan niya ng nanlilisik ang lalaking naka itim.  "Tell me who you really are?"

Tumawa ito ng pagkalakas lakas at lumapit sa akin.

"Me? I'm Fred. Pero hindi yon mahalaga." Pinadausdos nya ang kamay nya sa bare shoulders ko. Suot ko pa rin kasi hanggang ngayon ang dress ko na sinuot sa birthday ni Zeke.

Nanginig ang buong katawan ko.

"Don't you ever touch her!"

Nanlilisik ang mata at agad na sumugod si Prince at sinuntok si Fred.

"Fuck you! You need me right?! I'm the real prey here so please let her go!"

Susuntukin sana ulit nya ang lalaki pero naunahan siya nito at sinipa sa may bandang tuhod kaya napahiga ngayon si Prince.

"Prince! Go away! Please!"

Hindi ko alam paano niya nalaman na sya ang pakay nito pero hindi iyon ang mahalaga ngayon. Ang mahalaga makaalis siya kaagad dito dahil kung hindi, papatayin siya nito.

"I will kill you!" Sigaw ni Prince at pinilit tumayo para sugurin si Fred.

"WAGGGGGGG! Wag mong gagawin yan Prince parang awa mo na. Umalis ka na... please..." umiiyak kong pagmamakaawa.

Alam ko ang mangyayari. Ayaw kong maulit ang nakaraan.

Napatigil siya at napatingin saakin.

"Hindi ko alam kung natatakot ka sa pwedeng mangyari saakin pero handa akong pumatay ulit para sayo." Seryoso niyang sabi pero bago nya pa maalis ang tingin sakin ay Nasipa ni Fred ang mukha niya.

"PRINCE!"

Patuloy silang nagsakitan. Habang ako naghahanap ng paraan papaano makaalis dito sa pagkakatali ko.

"I will kill you the way you killed her! I will sue you to death! Mark my words Mr. Roxas!" Patuloy nitong sinuntok si Prince sa mukha.

Naglabas ito ng matulis na kutsilyo at agad sanang isasaksak kay Prince pero nakailag siya.

Hindi ko na maintindihan ang pinaguusapan nila  dahil mahina ito at nagkakairingan.

Naglabas ng baril si Prince mula sa likuran niya.

"NO PRINCE! DON'T!"

Ayaw kong maulit ang lahat . Ayaw kong mawala ulit sya ng matagal.

"Parang awa mo na Prince. I don't want you to be i-in jail again—"

"Cover your ears and close your eyes. Please Kim. Please do it for me." Naghihingalo niyang pakiusap.

"No... please... no..." mahinang bulong ko sa sarili ko habang tinatakpan ang tenga at pumikit habang umaagos ang luha.

Pero imbis na putok ng baril ang narinig ko ay ang pagkalabog sa sahig.

Dahan dahan kong idinilat ang mata ko at nakita ang nakahandusay na Prince sa sahig habang dinadaing ang sakit at hawak hawak ang tiyan na puno na ng dugo.

Nakita ko ang kutsilyong hawak ni Fred.

"PRINNCEEE! Hindi... hindi to maari..." hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagulgol sa iyak.

Ngumisi ang lalaki at tumingin sa nakahandusay at walang malay na si Prince.

"I badly want to kill you right now, pero gusto muna kitang pahirapan."

"DON'T DO IT! Ako na lang ang patayin mo wag na sya!" Lakas loob kong sigaw.

Tumawa siya. "Ofcourse I will not kill you now my love. Ikakasal pa kasi tayo eh."

"I won't ever get married to you! You will never have me!"

"Ahh ganon, eh kung gawin ko to?"

Umamba syang sasaksakin si Prince pero hindi nya tinuloy at tumawang tinitingnan ako.

"Baliw ka na! MAMATAY KA NA SANA!" Sigaw ko.

"You know what? You're cute. But this is much better if I do this.."

"STOOOP!"

Ngunit hindi sya nagpapigil. Agad kong isinara ang mata ko dahil alam kong isasaksak nya ulit yon kay Prince.

Pero kasabay ng pag daing na narinig ko ay ang pagputok ng baril.

Bigla yata akong nawalan ng hininga sa mga narinig ko. May biglang humandusay sa sahig.

Idinilat ko ang mata ko at nakitang nakahandusay na sa sahig si Fred .

"P-prince?" Nanginginig ang labi ko at hinihintay na sumagot siya.

Gumalaw siya at may pinindot na kung ano sa kamay niya.

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon