•KIM•
Hinawakan ko ang kamay ni Prince habang palakad na kami papunta sa pintuan ng bahay ko.
Nagtataka siya sa ikinikilos ko pero nakangiti lang ako. Wala syang magagawa.
Bigla nya akong hinila paharap sa kanya kaya natigilan ako sa pagbukas ng pinto.
"What's wrong with you? Kanina ka pa nagiging weird.Is there something bothering you again?"
Gusto kong matawa sa reaksyon nya ngayon pero hindi ko magawa kailangan kong ihanda ang sarili ko.
"Ano ka ba. Wala. Halika na nga."
Binuksan ko na ang pintuan ng bahay at pumasok kami. Madilim.
"Wala bang kuryente?" Tanong nya.
Binitawan ko ang kamay niya.
"Wait. Where are you going? Kim, this isn't funny."
Matatawa na ako sa Itsura niya pero ginawa ko pa rin kung ano ang plano ko.
Kinuha ko ang mic sa gilid na naka connect sa speakers sa bahay. Pinaghandaan ko talaga tong surprise ko sa kanya.
"Kim!"
"Chill ka lang. Andito lang ako." Nagsalita ako gamit ang mic.
"Where are you?" Tanong na naman niya.
"Stay there." Sagot ko.
Biglang nagsindi ang mga ilaw sa bahay. Kulay Red. Aesthetic lights tapos may mga designs sa paligid na roses. Pinagawa ko ito kila Charity at Zeke.
Infairness, magaling silang mag ayos ah.
Sinabihan ko rin ang dalawa na kapag nasindihan na nila ang mga ilaw, pwede na silang umalis.
Siguro ngayon, dumaan na sila sa likod at paalis na ng bahay. Gutom na kasi ang mga yon kanina ko pa pinaghihintay.
Nagulat si Prince sa ginawa ko. Nilingon nya ang paligid at namangha sya.
Nangiti sya.
"What is this for?" Tanong nya.
"For you ofcourse. Ehem ehem." Tumikhim ako dahil nagsimula na ang music na pinlay ko.
"Ilang beses ng nag-away
Hanggang sa magkasakitan
Na 'di alam ang pinagmulan
Pati maliliit na bagay
Na napag-uusapan
Bigla na lang pinag-aawayan
Ngunit kahit na ganito
Madalas na 'di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko"
Pagsisimula ko sa kanta. Nakatingin lang sya saakin ng diretso. Pakiramdam ko matutunaw na ako pero pinili ko pa ring magpatuloy.
Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba
Walang iba
Naalala ko lahat ng pag aaway naming dalawa . Naaalala ko ang lahat ng sakitan namin before.
"Nagsimula sa mga asaran
Hanggang sa magkainitan
Isang eksenang bangayan na naman
Ba't ba kase pinagpipilitan
Ang hindi maintindihan
Di naman kinakailangan
Ngunit kahit na ganito
Madalas na di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko"
Nagsimula kami sa asaran... sa pikunan hanggang sa paulit ulit kaming nag babangayan kahit sa walang kwentang bagay. Pero doon ko sya minahal... kahit madalas isip bata sya...
"Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba"
Pahina ng pahina ang boses ko. Nanginginig ako . Nakatitig lang sya saakin ng seryoso. Nakakatunaw ang tingin.
Kinuha ko ang pagkakataon para magsalita ulit. Huminga akong malalim. Andami kong inipong lakas para masabi to... alam kong bihira lang gawin ng babae to pero para maiba naman...
"Prince, Will you be my Boyfriend?" Nakangiting tanong ko.
Hindi naalis ang tingin nya sa mga mata ko at hindi ko namalayang nakalapit na siya saakin.
"Ofcourse. Silly."
Hinawakan niya ang baba ko at pinaglapat ang mga labi namin.
Shallow kisses.
How I miss those. Siya lang ang makakapag pakilig saakin ng ganito.
Nagwawala na naman ang mga kulisap sa tiyan ko.
I swear to God, habang buhay kong ipagpapasalamat na nakilala ko ang lalaking to. Kahit hindi madalas magkahulian ang ugali namin, laking pasasalamat ko na dumating sya sa buhay ko. Bilang kaibigan, at higit pa sa kaibigan.
Dahil araw araw kong nakikita ang sarili kong kasama syang tumanda.
BINABASA MO ANG
UNchainGED (Sequel of HIDDEN)
Mystery / ThrillerBlood.Flesh.Life.Death. Life for Life. But money can make the world go round. Where life can be bought by money. After the imprisonment of Prince Roxas, he's now finally free. A lifelong imprisonment for the payment of life is now gone. He can e...
