Chain91

29 3 0
                                    

KIM

Sobrang ingay dito sa loob kaya naisipan kong lumabas pero parang nayanig ang mundo ko nung tumayo ako. Mukhang napadami yata ako sa inom. Sabi ko magpapa tipsy lang ako eh.

Nagpunta ako sa smoking area. Nakita ko naman doon si Prince na naninigarilyo.

Pupuntahan ko sana pero naunahan ako ng isang babaeng naka one strap dress. Nagtago ako sa gilid.

"Hi handsome what's your name?" Sabay haplos nito sa pisngi at labi.

Halatang lasing si Prince sa mga mata nya. Hindi ko alam ang mararamdaman. May kung anong nagkakagulo sa tiyan ko.

"Prince." Matamang sagot nito at itinapon ang sigarilyong upos na.

"Sounds nice baby. Your lips are tempting. Can I kiss you?" Pangaakit na sabi nung babae habang mas inilalapit pa ang katawan niya sa katawan ni Prince.

Papalapit na sana ang halik nila sa isa't isa kung hindi lang may waiter na nakabungo sakin at nabasag ang mga dala nyang wine glass.

"Sorry po ma'am. Sorry po." Pag hingi nya ng pasensya sakin.

Napalingon ako sa gawi ng dalawa kanina na ngayon ay nakatingin na din sa gawi ko.

"I-it's okay." Sinabi ko at nagmadaling naglakad palayo sa kanila.

Lumabas ako ng Bar.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang puso ko. Hindi ko naman dapat ito nararandaman e hindi ba?

Nakalayo ako sa Bar pero may biglang humigit sa braso ko.

"Kim sandali."

Hinarap ko siya.

"B-bakit? Sorry naabala ko kayo sa ginagawa nyo." Matamang sabi ko.

"I can explain-"

"Explain what? Yung maghahalikan na sana kayo? Wala naman akong kinalaman dun. Isa pa, n-napadaan lang ako at natabig ako ng waiter." Nagiwas ako ng tingin.

"No. Listen to me. I'm drunk and hindi ko kilala ang babaeng iyon. She's just flirting with me—"

"Bakit ka ba nag eexplain sakin hindi naman ako nanghihingi ng explanation. At isa pa, bumalik ka na don mukhang nabitin yung kalandian mo eh."

Tumalikod agad ako pagkasabi ko non pero hinila nya ang braso ko at pinadausdos ang kamay nya sa bewang ko. Magkalapit na kaming dalawa ngayon at nagulat ako sa ginawa niya.

"Are you Jealous?" Inilapit nya ang mukha niya sa mukha ko. Ramdam ko ang hininga niyang amoy alak at sigarilyo.

Iniiwas ko ang mukha ko.

"Why would I?!" Itinulak ko siya.

"Cause I see it. You're Jealous. Come on Kim. I know you are."

"B-bakit ako magseselos kung hindi naman kita g-gusto!" Nauutal kong sabi.

Pinaglapit nya ang noo naming dalawa.

"Bakit ba hindi mo ako magustuhan? Matagal na kitang mahal pero paulit ulit mo akong pinagtatabuyan. Ano bang mali sakin?" Mahina nyang bulong habang nakatingin sa mga mata ko.

"S-simple lang yon. Hindi kita gusto."

Bigla niyang pinaglapat ang labi naming dalawa. Hinalikan niya ako ng marahan . Shallow kisses . Nakakaadik at hindi ko alam kung anong meron sa tiyan ko at bakit sila nagkakagulo.

Saglit niyang itinigil ang halik.

"Eto, hindi mo pa rin ba ako gusto?"

Itutuloy sana nya ang halik pero ako na mismo ang lumayo. Mali ito. Hindi pwede. Hindi ngayon.

"Tama na Prince. Mas mabuti pang iba na lang ang mahalin mo."

Itinulak ko siya ng bahagya at naglakad patalikod.

Tumulo ang luha sa pisngi ko.

Hindi ko alam kung papaano. Hindi ko alam bakit ganito. Ang alam ko lang, hindi pwede. Hindi sa ngayon. Hindi maari.

"Kim!"

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon