Chain86

31 3 0
                                        

KIM

Nilock ko ang main door ng house ko at dumiretso sa nakaparadang kotse sa harap ng gate.

Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng kotse nya.

"Goodevening my Princess." Ngiting ngiti niyang sabi sakin. He was wearing blackleather jacket, black top and Faded pants. He was dashing.

"Lolo mo Princess."

Natawa ako sa sinabi ko kaya agad akong pumasok sa loob ng kotse niya.

Nakita ko siyang umikot at pumasok na din sa Driver's seat.

Pero nagulat ako nang hindi niya pa paandarin ang sasakyan.

Nilingon ko siya.

"Tara na. Malapit na magsimula ang party."

Hindi siya makalingon saakin at mukhang nagpapawisan yata sya. Malamig naman sa loob ng sasakyan niya pero bakit nagpapawisan sya?

"Huy Prince! Anong petsa na?!"

"B-bakit naman ganyan ang suot mo? Bakit Fitted?" Tanong nya nang hawakan ang manibela.

What's wrong with my choice of clothes?

I was just wearing a black fitted dress na may konting slit sa bawat gilid.

"Bakit? Alangan mag Pajama party tayo sa Club?!" Umirap ako.

"Napakaikli. Kapag umupo ka makikitaan ka na. Tapos napili mo pa yung may slit at backless ?!"

I can hear madness in his voice. Pero bakit ba siya magagalit when I have my own freedom?

"I am the controller of my own life Prince. You have nothing to do with me! You're not my mom or my dad, or a fucking boyfriend." Medyo nainis kong sabi.

Huminga siya ng malalim saka pinaandar ng mabilis ang sasakyan.

Walang pakundangan niya itong pinaharurot ng napakabilis.

Agad ko namang naisuot ang seatbelt ko.

"Slow down!!"

Halos sigaw ko na dahil napakabilis nga magpatakbo.

"Are we on a drag race?! Slow the fuck down Prince!"

Muntik ng humiwalay ang kaluluwa ko nang bigla niya itong itigil sa gilid ng kalsada.

Mabigat ang paghinga niya.

"Balak mo ba akong patayin? Kung may galit ka sakin, ibaba mo na lang ako. Kaya ko namang pumunta don magisa." Tinanggal ko ang seatbelt ko at akmang bubuksan ang pintuan ng kotse niya.

Pero may humigit ng braso ko papunta sa kanya at naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naitulak ko sya kaagad.

"Prin—"

Pero malakas sya at hinalikan ako lalo. Nanghina ako sa ginagawa niya. Mabigat ang paghinga naming dalawa.

"P-Prince!"

Nagkaroon ako ng lakas para itulak siya. Napahinto siya sa ginagawa nya at nagiwas ng tingin saakin.

Umayos ako ng upo at ibinaling na lang ang tingin sa harap.

Walang nagsalita samin pagkatapos ng ilang minuto.

Nakarinig ako ng pagtunog sa cellphone ko at nakatanggap ako ng dalawang mensahe.

"L-let's go. Magsisimula na ang party."

Iyon lang ang nasabi ko at pinaandar na niya ang sasakyan.

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon