Chain32

45 3 0
                                    


KIM

Nanlalamig ang kamay kong hawak ang cellphone ko. Nagpapawisan na din ako kahit pa nakafull na yung aircon.

Kinakabahan ako.

First thing, hindi ko siya kilala at paano nya ba nakuha ang number ko? Bakit nya kilala ang nga kaibigan ko? Bakit alam niya lahat ng ginagawa ko? Ng ginagawa namin?

*Doorbell sound*

Tumindig ang balahibo ko pagkarinig ko non. Halos mapigil ko ang hininga ko. Paulit ulit ito at hindi tumigil.

Hinintay kong matapos ang limang minuto para hintayin kung aalis na sya o hindi pa pero patuloy pa rin sya sa pagpindot dito.

Kahit takot ako, wala akong nagawa kundi tingnan kung sino ito. Pero may dala akong mop. Incase lang may gawin syang masama saakin.

UNchainGED (Sequel of HIDDEN) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon