Napaupo si Alyssa sa kama niya. Hindi kasi maalis sa isip niya si Dennise.
Hawak nito ang iPhone nya. Tinitignan mabuti ang picture ni Dennise na wallpaper niya. Kinuha niya yung picture na yun habang natutulog sa kama niya.
__________________________
Graduation party ni Alyssa noon. Sa isang bar sa Quezon City ginanap. May pinareserve sila na VIP room para sila silang barkada lang ang magkakasama.
Nandoon sila Gretchen, sila Synjin, mag jowang Marge at Reiley, sila Rex at iba pa na kahit hindi lahat ay batchmates o nanggaling sa UP ay barkada niya. Nag vi-videoke sila habang umiinom.
Biglang nag ring ang phone ni Alyssa. Nakita niya na si Kuya Alfonso niya ito. At dahil maingay sa loob ng VIP Room dahil sa videoke ay lumabas ito.
Pag labas naman niya ng kwarto ay bigla naman siyang nabunggo ng isang babae. Medyo pagewang gewang na ito at halatang mag pa-pass out na sa kalasingan. Bago pa man niya masagot ang telepono ay nahulog na ang babae at sinalo niya ito. Patuloy lang sa pag riring ang phone niya.
"'Miss?" Sinusubukan niyang gisingin ang babae habang hinahaplos haplos ang pisngi nito.
"Akskalfjahdjwka"
"Huy, miss!" Tinatampal tampal na niya ang pisngi nito.
"Uyyyyyy beshhh! Ikaw pala yaaaaan. Spin ko na ba?!"
Lasing na pinaikot ng babae ang kamay niya na animong may hawak na bote. Hindi naman nagsasalita si Alyssa.
"Ay beshhhh tumapat sayo, oh! Kissss kita ah?" Akmang lalapit na ang mukha ng babae sa lips ni Alyssa nang pigilan niya ito.
"Uy, Miss!" At nag pass out na ito habang nakasandal ang ulo sa dibdib ni Alyssa.
"Aishh sino ba 'to?" Inis na sabi ni Alyssa.
Biglang lumabas ang kaibigan nitong si Tasha.
"Huy Ly, ba't ang taga-sino yan?!" Gulat siya nang makitang may yakap si Alyssa.
"'Di ko din alam, Tash. Bigla nalang natumba. Lasing na nga eh. Will you please text my brother?"
Tumango naman si Tasha at kinuha sa purse ni Alyssa ang phone nito.
"Ano sasabihin ko?"
"Sabihin mo pauwi na ako ng bahay, nag pass out ako kasi lasing ako ng sobra. Paki sabi din na bukas ko nalang babayaran itong nagastos sa bar, sabihin niya kamo sa friend niya. Thanks Tash." Paalis na sana si Alyssa ng pigilan ito ni Tasha.
"Wait, where are you going?"
"I'm going home. Iuuwi ko muna itong girl na ito hanggat lasing pa siya. Ni hindi ko nga alam ang name niya or kung sino ang kasama niya."
"Oh-uhm alright, sige. Ingat sa pag da-drive Ly. Hindi ka na ba babalik after?" Ibinalik ni Tasha ang phone ni Alyssa sa pocket nito.
"Hindi na, sorry ah? Tell them something happened lang. And please, Tash. Don't tell anyone about this girl ha? Have fun. The drink's on me! Bye!"
"Bye!"
__________________________
Nasa sasakyan ni Alyssa na sila nung babae. Naka seat belt na ito. Papaandarin na ni Alyssa ang makina nang biglang may nagring.
Pagcheck niya sa phone niya ay hindi naman ito nagriring. Hinanap niya tuloy sa katawan ng babae ang tumutunog. Nang makita niya ito sa back pocket ng pants ng babae ay kinuha niya ito.
Sasagutin na sana niya nang biglang namatay ang phone. Low batt pala ito.
Napa mura naman si Alyssa.
"Sino ka ba kasi?!" Nang hindi ito sumagot ay pinaandar na niya ang makina at nag maneho papuntang condo.
__________________________
Nasa kwarto na niya ang babae at kasalukuyang natutulog.
"Miss.... Gising.... Sino ka ba?"
Tinatry parin niyang gisingin ito. Tinitigan niya ang babae at for the first time, nakita niya ito ng maliwanagan. Maganda siya, maputi at matangos ang ilong. May iilang pierce sa tenga pero hindi naman masagwa. Nag flinch naman ang babae.
"Miss?"
"Hmmm...babe? Is that you? You came back? I'm sorry, babe!"
Nanlaki ang mata ni Alyssa sa gulat sa narinig.
"Ah miss-" magsasalita sana ito nang bigla siya nitong yakapin.
"I'm sorry, babe! I really am. Please, forgive me. Please? I'll do everything, I'll GIVE everything babe. Please, I'm sorry!"
Lumuluha na ang babae habang nakayakap. Naawa naman si Alyssa kaya niyakap nalang din niya ito habang pinapatahan sa pag iyak.
Bigla niyang naramdaman na tinutulak siya nito. Nang tignan niya ito ay bigla siyang hinalikan sa labi. Madiin ang paghalik nito.
Natulak naman ito ni Alyssa sa gulat.
"What the fuck?"
"Hmmm babe, why? What's the problem?"
"Stop, please. This is creeping me out."
Tumango ang babae. Hinawakan siya nito sa batok at biglang humalik ulit. This time, mas malambot na ang paghalik nito. Nanunuyo kumbaga.
Hindi din naman sobrang sober si Alyssa sapagkat nakainom na ito ng dalawang basong beer. Nag-init ang katawan ni Alyssa. Wala na siyang nagawa kundi humalik din. Full make out na ang ginagawa nila. Hiniga ni Alyssa ang babae. Tangay na tangay na ito sa nangyayari kahit pa first time niyang makipag make out sa babae. Hindi naman niya kine-claim na straight siya pero hindi din naman siya gay para magka girlfriend. Sabi nga ng kaibigan niyang si Reiley, "whatever floats your boat".
At dahil wala na sa tamang wisyo si Alyssa dahil sa nararamdaman ay sinimulan niyang halikan ang leeg ng babae. Hinawakan niya ang shirt nito at sinimulang tanggalin. Bigla namang tumigil ang babae sa pag halik kaya natigilan din siya. Napa bangon sila parehas. Naka titig lang ang babae sa mata niya. Biglang.....
"Shit! Bakit ka sumuka? Ang bahoooo!" Nasukahan siya nito sa damit. Tumawa lang ang babae at pabagsak na humiga at natulog.
Wala namang magawa si Alyssa kundi umalis ng kama na inis na inis. At sexually frustrated.
__________________________
Pagkatapos mag shower ni Alyssa ay binihisan niya ang babae kanina na wala paring top hanggang ngayon. May extra naman siyang damit na medyo maliit at siguradong magkakasya sa babae. Pagkatapos ay pinunasan ng basang towel para maalis ang amoy ng alak at suka. Chinarge niya rin ang phone nila parehas. Tinabihan na niya ito sa pag tulog.
Bago niya pinatay ang lamp shade ay tinitigan niya ulit ang mystery girl na ka-make out niya kanina. She smiled. kinuha niya ang phone niya at pinicturan ang babae habang natutulog ng mahimbing saka hinalikan ang babae sa noo. And she drifted to sleep.
-------------------------------------
That was long, right? Thanks pala sa nagbabasa at nag vovote! Hindi ko naman ito inaasahan. Please do share my story! Maraming salamat.
The next chapter will still be about the flashback, but it will be another person's POV.
Pag nabasa niyo itong note, comment naman kayo. Thanks!

BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
FanfictionAre you willing to give up your happiness for the sake of others?