Chapter 5

2.5K 91 1
                                    

Matapos ang lunch na nangyari, hindi na mapakali si Dennise. Hindi niya kasi alam kung paano ilalabas ang nararamdamang.....frustration?

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at dinial ang number ng kaibigan.

"Dzi, can we talk? Coffee tayo."

"Oh, biglaan naman ata? Sige sige, see you in twenty."

Napa buntong hininga si Dennise.
__________________________

"Oh, biglaan naman yata tong pa-coffee mo. Anyare ba?" Bungad na tanong ni Dzi.

"Ate Dzi, may sasabihin ako..." Kalmadong sabi ni Dennise.

"Ano ba yan? Kinakabahan naman ako. Wag mong sabihing buntis ka? Shit naman Dennise, ang bata bata ko pa para maging ninang!" Reklamo ni Dzi.

"Gaga! Anong buntis? Gusto ko sana sabihing wala na kami." Natatawang sabi ni Dennise.

Natuwa naman si Dzi sa narinig,
"Talaga?! Mabuti naman at natauhan ka, you don't deserve him. Gagong yun?! Kelan pa yan? Pinaiyak ka ba, sinaktan ka?"

"Nung summer pa, and nope."

"Ha? Eh kung nung summer pa kayo break, ba't ngayon mo lang sinabi sakin? At bakit kayo nagbreak? The suspense is killing me here!"

"Eh yun na nga. Actually, hindi naman talaga yung split up namin yung gusto kong ikwento. May nangyari kasi nung summer...."

__________________________

"Babe, I'm sorry. H-hindi ko babae yun! Ano ko yun.. uhh... Orgmate! Kaya kami magkasama k-kasi uhh... nag plan kami para sa Org Activities..."

Pagdadahilan ni Myco kay Dennise na kasalukuyan niyang kausap sa telepono.

"Ah talaga lang, ah? Orgmate? Eh bakit niyakap mo pa? Ganun na ba mag plan ngayon, may kasamang yakapan?"

"Nadala lang, happy eh. Sorry na babe, I love you! Kita tayo sa mall mamaya, I'll make it up to you. Please?" Pag papaawang pag-aya nito.

"Fine. Pasalamat ka, mahal kita. Sige, see you later."

__________________________

Ang totoo niyan ay one hour earlier si Dennise sa napagkasunduang oras. May naisipan kasi siyang bilhin para sa boyfriend kaya bibilhin niya ito ng maaga.

Papunta na siya sa bilihan ng Rastaclat nang mahagip ng tingin niya ang isang lalaking nakaupo sa restaurant na hawig ng boyfriend nito. May kasama itong babae na akbay akbay pa niya habang kumakain. Tinitigan niya ito hanggang sa makumpirma niyang si Myco yun. At ang kasama nito ay isang babae na nakita niyang kasama din ni Myco noong nakaraang linggo.

Hindi na napigilan ni Dennise ang galit. Lumapit ito at hinampas si Myco sa balikat.

"Aww! Who the fu-Dennise?!" Halatang nagulat ito nang makita ang girlfriend niya. Tinanggal niya ang kamay sa balikat ng babae

"Who. The. Fuck. Is. She?" Tinatry niyang maging kalmado ngunit hindi mapigilan ang inis sa nakikita.

"Dennise, babe, don't make a scene. Please, you don't have to shout. Th-this is Nicole, m-my cousin." Pinagpapawisan na ng husto si Myco.

"So now I am making a scene? Eh sino kaya ang may kasamang ibang babae dito?" Hiyang hiya na si Myco dahil pinag titinginan na sila.

"Dennise, ganyan ka na ba kaselosa? Pinsan ko nga ito, ano ba? Nakakasakal na yang pagiging selosa mo! Mabuti pa, mag break na tayo!" Hindi naman talaga gustong gawin ni Myco yun, pero alang alang nalang sa natatapakan niyang pagkalalake ay napilitan siyang gawin yun.

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon