Ako si Zaila Kate Perez, 17 year's old. Isang anak ng kilalang mayamang negosyante sa buong Pilipinas. Simple lang akong studyante hindi kagandagan, hindi kapangetan at mas lalong hindi kanerdan. Simple lang ang ganda ko, matalino, mabait, walang kaarte-arte sa katawan, hindi para away at hindi pala kaibigan. Simple lang talaga, simple sa lahat ng bagay. Pero pagdating sa pinakamamahal ko ay hindi ako simple, maarte ako. Nag-aaral ako sa isang sikat na Unniversity na pag-aari ng baby ko! Si Laurent Carlvan Smith ang nagiisang anak ng may-ari ng buong St. Laurent Unniversity. Diba bongga! Pero sad to say na palihim akong nagkakagusto sa kaniya.
Katatapos lang ng klase ko at ngayon ay nakaupo ako sa ilalim ng punong mangga malapit sa field habang hinihintay ko si Aron. Ang lalaking matalik kong kaibigan.
Nang biglang lumapit sa akin sila Laurent kasama nito ang dalawa niyang kaibigan.
Hai! Zaila? bati sa akin ni Jayden.
Si Jayden ang pinakamaingay sa kanilang magkakaibigan. Habulin siya ng mga babae. Hindi ko na aasahan na isang araw ay maging close ko ito.
Hello Jayden! nakangiti ko ring bati dito.
May hinihintay ka? tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa dalawa niyang kaibigan na sila Laurent at Herance bago ako sumagot.
Yups, I'm waiting for Aron. nakangiting sagot ko sa kaniya.
Ahh tatango-tangong sagot niya.
Gusto mo samahan ka muna namin na hintayin siya? tanong niya.
Psh! angil ni Laurent.
Napatingin ako sa kaniya. Sungit talaga!
Ahh hindi na Jayden. Thanks na lang nakangiti kong sagot sa kaniya saka abot ng bag ko at sabay tayo. Nandyan naman na si Aron. turo ko kay Aron na naglalakad papunta sa direksyon namin.
Zai! Lets go ani Aron sa akin. Hindi niya siguro napansin ang mga kausap ko. Oh! Laurent, Herance, Jayden! Anong ginagawa niyo dito? mukhang ngayon niya lang napansin na kausap ko ang mga kaibigan niya.
Baliw talaga!
Tsk! masungit na sagot ni Laurent.
Papunta sana kami sa Gym para magpractice, kaso nakita namin itong bestfriend mong mag-isang nakaupo dito. Hinihintay ka! sagot ni Jayden.
Ahh! Bakit may practice ba tayo? tanong ni Aron kay Jayden.
Wala naman, nagyaya lang si Laurent na magshooting sa gym. Maaga pa naman para umuwi. sagot niya.
Ganun ba! Pass muna ako guys. Hahatid ko pa si Zai, sa kanila eh. sabi niya.
Sige lang pre! Laro lang naman yun. nakangiting sagot ni Jayden.
Paano ba yan una na kami? paalam ni Aron sa mga kaibigan niya. Lets go Zai. tawag niya sa akin, tumango lang ako sa kaniya at nagsimula na kaming maglakad.
Ilang hakbang palang ang layo namin sa kaniyang mga kaibigan ng inakbayan na naman niya ako. Bwisit ka talaga Aron!
Sinabi ng huwag akong aakbayan kapag nasa harap kami ng mga kaibigan o kung nandiyan si Laurent baby ko eh! Humanda ka sa akin mamaya. Kaya di ako nililigawan ng baby ko dahil siguro sayo!
Loko ka talaga! Sandoval! asar na sigaw ni Herance dahil inakbayan ako ni Aron sa harap nila.
Kala ko walang balak magsalita ang isang yun!
Ngumisi lang ang loko! sabay taas ng isa niyang kamay na may hawak ng cellphone sabay sabing. Tawagan niyo lang ako kung may lakad tayo. sigaw niyang hindi lumilingon sa mga ito.
Napairap lang ako sa hangin....
Nang malapit na kami sa gate ay sinulyapan ko si Aron. Nakangiti ang loko... Humanda ka sa akin!
Nang makalabas na kami ng tuluyan sa gate ay hinila ko ang kamay niyang nakaakbay parin sa akin at kinagat ko.
Araaaaaaaaay! Zia masakit. sigaw niya sabay bitaw ko.
Nakangisi akong pinapanood siya habang hinahaplos niya ang kaniyang kamay.
Buti nga sayo bleh! Pinapaselos mo ang baby ko.
Para saan yun Zai? Masakit yun ahh! galit na niyang reklamo.
Para sa pagpapaselos mo sa baby ko! Sabing wag mo akong aakbayan sa harap niya sabe eh! masungit kong sagot.
Who? Si Laurent ba?! sarkastiko niyang sabi.
Sino pa ba? inis kong sagot. Diyan ka na nga! Aawayin mo na naman ako eh! nakanguso kong sagot saka ako nagsimulang maglakad.
Hoy Zai! Bumalik ka nga dito. sigaw niya pero hindi ko siya pinansin nagpatuloy ako sa paglalakad. Hoy Zaikyut! Hindi kita aawayin! bumalik ka nga dito. Di kita aawayin noh. Hoy! habol niya sa akin sabay hila niya sa braso ko ng maabutan niya ako dahilan para mapahinto ako.
Nakayuko ako ng humarap ako sa kaniya. Ayaw kong ipakita sa kaniya na maynararamdaman akong sakit. Hindi naman talaga ako galit sa kaniya o nagtatampo eh. Nakakaramdam na naman kasi ako ng pagkahilo at pangingirot sa aking dibdib.
Zai, sorry! Kung nasigawan kita sorry ha! Masakit kasi yung kinagat mo eh. Pero wala na yun. sinsero niyang sabi sa akin.
Tumango-tango akong nakayuko. Zai! Sorry talaga. sabi niya ulit sabay yakap niya sa akin.Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang hindi ako makahinga.
Aron uwi na tayo. nakangiti kong sabi sa kaniya.
Tumango lang siya at magkasabay kaming bumalik sa parking lot ng campus para kunin ang nakaparada niyang sasakyan saka kami umuwi.
PAGKARATING namin sa tapat ng bahay ay nagmadali akong bumaba at tumakbo sa loob. Para uminom ng maintenance ko. Narinig kong tinawag ni Aron ang pangalan ko pero di ko siya nilingon. Narinig kong bumusina siya at mabilis na pinaandar ang kaniyang sasakyan.
Mommy! sigaw ko kay mommy ng makapasok ako sa salas.
Zaila hija! Anong nangyari sayo. nagaalalang tanong ni mommy.
Mom! Inaatake na naman ako! putol-putol kong sabi kay mommy.
Manang Lourdes! Manang Lourdes! dinig kong sigaw ni mommy sa mayordoma ng aming mga kasambahay.
Bakit po madam? hingal na hingal nitong sagot.
Kunin mo yung medicine kit ni Zaila utos ni mommy.
Nagmadali naman itong kumilos at ilang saglit lang ay nakabalik na siyang hawak ang medicine kit ko at tubig. Agad ko iyong ininom at napahinga ako ng malalim ng maramdaman kong umepekto na kaagad ang gamot na ininom ko.
Anak hija! Mahiga ka muna dito sa sofa. ani mommy.
Dahan-dahan naman akong humiga at pinikit ang aking mga mata. Narinig kong may kausap si mommy sa telepono, kausap niya ang nurse ko sa kabilang linya. Pinababalik na naman niya ito para alagahan ako.
Si mommy talaga napaka concern pagdating sa akin. Lahat gagawin mapabuti lang ang aking kalagayan. Buti pa si Ate Zaine at Kuya Zairo malayang ginagawa ang kanilang gusto. Naiingit ako sa kanila.
Sana isa na lang ako sa mga mahihirap na anak na walang sakit, na nagagawa ang lahat. Na malayang nakakasakay sa mga ride sa Star City at Enchanted Kingdom, malayang nakakagala sa mga matataas na bundok, malayang nakikipagrelasyon at malayang nagagawa ang gusto.Sana isa na lang ako sa mga batang ganun.
Anong silbi ng nabuhay ko sa mundong ibabaw kung bawal lahat sa akin?
Bawal sa masyadong kaibigan.
Bawal sa makipag-jowa o relasyon,
Bawal gumala sa malalayo.
Bawal sa mga matataas na bagay.
Nakakatamad mabuhay ng palaging ganito! Bawal lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/227526360-288-k947745.jpg)