Chapter 2

41 17 0
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising, pagkagising ko ay nasa sarili ko ng silid ako.Siguro binuhat ako ni kuya Zairo o ni daddy kagabi at inilipat ako dito sa aking silid.

Bumangon na ako at papasok na sana ako ng bathroom ko ng may biglang pumasok na gwapong lalaking nurse. Napaawang ang bibig ko sa gulat dahil simula noong bata ako ngayon lang ako magkakanurse ng lalaki at ganito kagwapo pa.

Good morning ma'am nakangiti niyang bati sa akin at marahang sinara ang pinto. Ma'am papasok po ba kayo sa school niyo? marespetong tanong niya sa akin.

Ang gwapo mo koya!

Good morning din! Yes nurse. sagot ko sa kaniya. You are my new nurse? tanong ko sa kaniya kahit obvious naman.

Yes ma'am! kaswal niyang sagot.

Ahh tatango-tangong sagot ko. Napasandal ako sa stante malapit sa door ng bathroom ko dito din sa loob ng aking kwarto. Welcome to our home nurse. Ano palang pangalan mo koya nurse? magalang ko ring tanong ulit sa kaniya.

I'm nurse Michael Clark Corales. Call me nurse Clark na lang po ma'am. nakangiting magalang niyang sagot.

Ang kyut ng dimple niya....

Napakagalang mo naman sa akin kuya. Don't call me "ma'am" just call me Zaila or Kate na lang po. sagot ko sa kaniya.

It's part of my work ma'am Zaila. Pero kung iyon ang gusto mo, sige I'll call you Aila. nakangiti niyang sagot habang abala sa pag-aasikaso sa mga medicine kit babaunin ko.

Aila? Kyut! Kyut na nga ang may ari ng pangalan, kyut pa pati ang nagpangalan.

Kuya nurse Clark! Ligo lang po ako. Baka po kase malate ako sa classes ko! paalam ko habang nakaturo yung hinlalaki ko sa pinto ng bathroom.

Sige! Aayusin ko lang itong medicine kit mo. Then after baba na ako para iprepare yung kakainin mo para sa lunch mo. sagot niya.

Ang sweet ni kuya nurse. Sana ganiyan din sa si Laurent Carlvan.

Pumasok na ako sa banyo at nagsimula ng maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng school uniform namin. Ang uniform pala namin ay kulay blue skirt medyo maiksi pero below the knees na black sock and black rubber shoes. Then white blouse long sleeve with blue neck tie and blue coat na may logong St. Laurent Unniversity (S.L.U.)

Pagkatapos kong magbihis ay nagapply ako ng slight face powder at liptint. Saka inayus ang ribbon na kasama sa school outfit namin.

Pagkababa ko sa ground floor ng mansyon ay naabutan ko si Aron na nakadekwatrong nakaupo sa sofa na abala sa kakalikut ng kaniyang cellphone.

Sinadya kong dumaan sa harap niya pero mukhang seryoso siya kung ano man ang ginagawa niya sa kaniyang cellphone dahil hindi niya ako napansin.

Psh! Balakajan kakain muna ako.

Dumiretsyo ako sa dinning room at nagsimula ng kumain ng agahan. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako kay kuya nurse Clark at kay yaya Lourdes na aalis na ako.

Pagkalabas ko ng dinning area ay hindi nagbabago ng pagkakaupo si Aron sa kaniyang kinauupuan, nakadekwatro parin.

Anaak ng... di ba kikilos itong isang to?

Pumunta ako sa likod niya at nilapit ko ang bunga-nga ko malapit sa tenga niya saka ko siya sinigawan.

Hooooy! Malalate na tayo! Wala ka bang balak tumayo diyan sa kinauupuan mo! sigaw ko sa tenga niya. Agad naman siyang napatayo sa sigaw ko at panay ang kaniyang reklamo.

Sisirain mo ba ang eardrums ko ha! reklamo niya sa akin. Kahapon kinagat mo ang kamay ko. Mamaya mayrabis ka niyan at ngayon sinigawan mo ang tenga ko. Mababasag ang tutuli ng tenga ko niyan eh!. parang babaeng nagrereklamo kala mo kyut.

Napairap ako sa hangin dahil sa kaniyang kaartehan sa katawan.

Ang kapal mo! Rabis? Bakit anong tingin mo sa akin, Aso? Duh! Balaka nga diyan. Malalate na ako eh. inis kong sagot sa kaniya at nagmamarsya akong lumabas ng bahay. Agad naman siyang sumunod sa akin na sumakay sa sasakyan niya.

Pagkarating namin sa school ay nagmadali akong bumaba at maglakad. Hinabol naman ako ni Aron, gaya ng dati inakbayan na naman ako sa harap ng maraming estudyante na nakatingin sa amin. Pinagbubulungan na naman kami ng mga tsismosang babaeng nagkakagusto sa kaniya.

haaayts! Dapat masanay kana self. Isang Aron Jake Salvador ang kasama mo. Na isa sa mga sikat na varsity player.

Hindi ko pinansin ang mga nasa paligid namin. They are waste of time. Nagpatuloy ako sa paglalakad kasama itong lalaking kanina pa dada ng dada pagkapasok namin. Nakakaasar na!

Aron will please shut up your mouth natirindi ako sa bunganga mo! asar na hinto kong sabi sa kaniya saka umiling-iling akong nagpatuloy sa paglalakad.

Bakit meron ka bang period ngayon Zai!Ang init ng ulo mo sa akin. nakangisi niyang tanong sa akin na dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

What did he just say? Period?! Gosh! Meron nga ba ako?...

Namula ako sa hiya sa sinabi niya. Naalala ko kasi noong last month na dinalaw ako ng japan flag  ay pumunta kami sa starbucks bumili ng milktea, hindi ko na malayan na schedule pala ng pagdalaw ng japan flag sa akin. Natagusan yung puting short ko, hindi ko alam ang gagawin ko ng araw na yun dahil sa hiya. Buti na lang kasama ko si Aron at may suot itong jacket, iyon ang pinagtakip ko.

At noong mga araw din na iyon ay, naubusan ako ng stock ng napkin sa bahay at siya ang nagbuluntaryong bumuli sa malapit na drug store. Wala kasi yung mga kasambahay namin ng mga araw din na iyon off nila maliban kay manang Lourdes na abala sa paglilinis ng bahay. Pinagtitinginan daw siya ng mga tao sa loob ng drug store dahil halos binili na niya lahat ng klase ng napkin. Baliw talaga!

Hooy Zai! Ano meron ka ngayon? nakangisi paring tanong niya.

Mabilis pa sa alaskwatro akong sumagot. Wala! Tara na nga malalate na tayo! sabi ko sa kaniya at nagmamadaling hinila ko siya papunta sa building namin. Panay lang ang lokong ngisi ni Aron sa akin.

Abnomal!

Pagkarating namin sa building namin ay binitawan ko na si Aron sa harap ng mga kaibigan niya na nakatambay sa harap ng hallway ng room nila.

Nagmadali akong nagpaalam sa kaniya at sa mga kaibigan niya saka ako nagmadaling naglakad papunta sa room namin, ayaw kong ihatid na naman niya ako. Mamaya kansyawan na naman kami ni Theo, isa sa mga kateam nila sa basketball na kaklase ko. Dalawang pagitan ng room ang layo ng room nila at ng room namin.

Section A sila Aron at ako naman ay Star Section. Magkalaban ang section namin pagdating sa academic excellence. Sila kasing section ay chill lang sila sa lahat ng bagay. Karamihan sa kanila ay may mga talento hindi gaya namin na tutok sa academics.

Nagtataka nga ako kung bakit nasa section namin si Thei eh. Matalino naman siya at may talented, pero bilib ako sa kaniya dahil kaya niyang pagsabay-sabayin lahat.

Pagkaupo ko sa aking upuan ay siya rin ang pasok ng aming mentor. Agad itong nagsimula sa kaniyang discussion.

Bacause I Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon