Chapter 6

31 8 0
                                    

Nagsimula na ang classroom visting namin, wala pa si Aron na kanina ko pa tinawagan. Magdadalawang oras na ang nagdaan ng mula ng tinawagan ko siya.

Na saan kana ba Aron?

Miss Perez, kailangan mong magpakilala sa mga freshman student at i-entertain sila. Bawat room na papasukin natin ay ganun ang gagawin mo. Gets? explaine ni Miss Lopez.

Tumango-tango ako sa kaniya bilang sagot ko sa tanong niya at huminga ako ng malalim. Bago sumunod kay Miss Lopez sa unang room ng mga freshman student.

Nakangiti kong binati ang mga freshman student at saka ako nagpakilala sa kanila. Nagsimula kami sa Star Section ng freshman student.

Hai everyone, I'm your ate Zaila Kate Perez. Fourth Year student, Star Section. Running for the possition of SSGO President. Please vote me. nakangiti kong pakilala sa kanila.

Miss ate Perez, Why did you running for that possition? tanong sa akin ng nakasalamin na magandang babae. Mukhang ito ang pinakamagaling sa kanilang section.

Napalunok ako bago sumagot. I running for this possition, for the student and campus sake. kinakabahan kong sagot.

Ngayon lang ako naka-expirence ng ganito, ang tinatanong sa harap ng mga tao. Feeling ko mapapahiya ako sa mga isasagot ko.

Tumango-tango siya sa sagot ko saka siya umupo sa kaniyang upuan. Napahinga ako ng malalim ng mukhang kontento na siya sa sagot ko.

Hayts! Thanks God.

Napatingin kami sa labas ng biglang lahat ng mga kaklase kong babaeng naiwan sa labas ay nagtitili at parang mawawalan na ng ulirat sa katitili at kasisigaw.

So curse!

Biglang pumasok sila Aron kasama ang kaniyang mga kaibigan na sila Laurent, Herance, at Jayden.

Kaya naman pala nagkakagulo sa labas, papunta pala dito ang mga Heartrobs 'kunnu'.

Hai everyone! Hai Miss President. bati sa amin ni Jayden.

Nagtitili ang mga freshman student sa simpleng pagbati ni Jayden. hayts!.

Breaking news, lahat ng studyante ng mga SLU ay nagkakagulo dahil sa pagbati ni Mr. Jayden Mendez.

Napailing-iling ako at natampal ko ang noo ko sa pangugulo ng apat na ito sa visiting rooms ko.

Hai everyone, please vote my girl best friend for the possition of SSGO President. nakangiting anunsyo ni Aron sabay akbay sa akin at tinignan akong taas,baba ang kaniyang makakapal na kilay.

Nagtilian ang mga freshman student sa ginawa ni Aron na pagtawag sa akin ng girl bestfriend at pag-aakbay sa akin.Napairap ako sa kaniya.

Ang kyut niyo ate Zaila at kuya Aron. puri ng isang babaeng freshman student.

Oo nga ate Zaila at kuya Aron. Ang sweet niyong tignan.. sabi din ng isa.

Sana all may sweet na boy bestfriend sigaw din ng mga sa tingin kong magkakaibigan na babae sa may hulian.

Napangiti lang ako sa mga papuri ng mga freshman student sa amin. Napatingin ako sa direksyon ng baby Laurent ko, mukhang nagseselos siya kay Aron. Sad! Baby!.. Ish naman eh! Siguro kung wala kami sa harap ng mga maraming studyante ay nasiko ko na itong si Aron. Nakakainis!

Hindi ko masukat ang saya ngayong araw, simula kaninang umaga hanggang ngayong natapos ang room visiting namin. Sobrang saya ko dahil supportado ako ng mga kaklase ko, ng the best Advicer ko, ng mga bago kong kaibigan na sila Ara at Thania, ng mga kaibigan at boy bestfriend kong si Aron na kahit na naiinis ako sa kaniya dahil siya ang dahilan ng nakasimangot na mukha ng baby ko kanina ay masaya parin ako. Hindi niya ako iniwan at pinabayaan ngayon araw na ito. Masaya din ako dahil hindi ako inatake ng hika ko, sa pagiikot namin sa buong campus.

Simula ng araw na yun ay palaging nadiyan sila Aron, Herance, Jayden at ang baby kong si Laurent. Pati na din si Ara at Thania na sumusuporta sa akin.

Netong mga nagdaang tatlong araw ay mas lalong naging close ko si Laurent. Ang dati niyang nakasimangot na mukha ay palagi ng nakangiti ngayon. Ewan ko! Feeling ko ako ang dahilan ng pagngiti niya. Feeling ko lang ha! Ganun kasi ang tingin ko.

Simula kasi noong lumipat ako dito ng Third year ko at nalove at first sight ako kay Laurent ay palagi na siyang nakasimangot at galit. Kahit ganun ay palahim akong nagkagusto sa kaniya. Hindi man kami magkasection ay palagi ko siyang nakikita, dahil iisa lang ang building namin.

Nang isang araw noong tanongin ko si Aron, kung kilala niya si Laurent ay sinabi niya sa akin na tropa daw sila simula noong First year. Naging tropa daw sila dahil sa basketball at magkapareho sila ng hilig. Nalaman ko rin kay Aron na magkakapareho kami ng subdivision pero sa kabilang kanto sila.

Nakwento rin sa akin ni Aron na siya ang nag-iisang anak ng may-ari ng Unniversidad na pinag-aaralan ko ngayon at nag-iisang taga pagmana ng lahat ng negosyo ng mga Smith.

Inamin ko kay Aron ng araw din na kwenento niya sa akin ang tungkol kay Laurent, inamin kong may gusto ako sa kaniya. Lihim na nagkakagusto ako sa kaniya. Tinatakot nga niya akong ng mga araw na iyon na sa sabihin niya daw kay Laurent na may gusto ako sa kaniya pero sinabi ko lang kay Aron na..

"Subukan mong sabihin! Pagsinabi mo sa kaniya na may gusto ako, parang sinira mo na din ang pagkakaibigan natin".

Kaya simula ng araw na iyan ay, naging concern at protective sa akin at sa nararamdaman ko si Aron. Panay ang advice niya sa akin na, wag na lang daw si Laurent ang pagbalingan ko ng pagmamahal ko sa iba na lang daw. Masasaktan lang daw ako kapag si Laurent, dahil playboy at babaero daw siya. Puro one night stand ang nakakarelasyon niya. Pero hindi ko pinakinggan ang mga advice at pamimilit ni Aron sa akin na 'wag na lang daw si Laurent'.

Base kase sa pangi-stalk at pagsunod-sunod ko kay Laurent last year ay napatunayan kong hindi naman ganun si Laurent. Ang pagkakakilala ko sa kaniya ay hindi siya babaero at playgirl.

Gaya na lang ngayon, nagdedecorate kami ng stage para sa debate naming mga SSGO President candidate bukas ay wala siyang kaarte-arteng tumutulong sa pagkakabit ng pulang kurtina ng stage. Anak payan ng may-ari ng Unniversidad ha!

Kaya hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni Aron sa akin. Sinisiraan niya lang ang kaniyang kaibigan sa akin.

Bacause I Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon