Chapter 3

39 19 1
                                    

Pagkatapos ng dalawang oras namin sa pakikinig sa discussion ay naglalakad na ako papunta sa cafeteria para magbreak sandali. Nang biglang may umakbay sa akin.

Hai Zaila! nakangiti nitong bati sa akin.

Ano na naman ba ang kailangan mo Nicolas? walang gana kong tanong.

Nagtawanan ang kaniyang mga kaibigan dahil tinawag ko siyang Nicolas. Anong nakakataw doon sa sinabi ko? Nakita kong nagbubunguan ang makakapal niyang kilay sa inis.

Si Nicolas at ang mga kaibigan niya ang kilalang siga sa loob ng campus. Siya ang pinakamataas na leader ng mga ginagawa niyang flatternity sa loob ng campus. Rinig ko rin na marami siyang connection sa mga gangster na nasa ibat-ibang campus.

Magsitigil nga kayo! Anong gusto niyo sapak o black eye? galit niyang tanong sa mga kaibigan.

Juanito tumigil ka nga! Dinadamay mo kami ni Antoñio dito eh! inis kunyaring sita niya sa kaibigan.

Wag mo nga akong dinadamay Marcelo! inis na sabi niya sa kaibigan.

Binilisan kong maglakad dahil naiingayan ako. Nakakaagaw sila ng attensyon sa mga estudynteng nakatambay sa bawat hallway na nadadaanan namin.

Zaila! Hintayin mo ako. habol na sigaw ni Nicolas.

Ano ba Nicolos? Ano bang kailanagn mo? naiinis ko ng hintong tanong.

Kailan mo ba ako sasagutin baby? pacute niyang tanong sa akin.

Eww Nicolas! Wala kana bang natitirang hiya sa sarili mo? Gosh!

Hindi ko siya pinansin tinalikuran ko siya at binilisan ang paglalakad papasok ng cafeteria.
Dumiretsyo ako sa counter at umorder ng pagkain ko. Umorder ako ng Carbonara, Lemon juice at isang bote ng miniral water.

Pagkaupo ko sa bakanteng upuan ay nagulat ako kay Nicolas na mabilis na umupo sa kaharap kong table at nakangusong nakatingin sa akin.

Hindi ka kyut Negro!

Hindi ko siya pinansin at nagmadali akong kumain. Nadidiri man ako sa presensya niya ay hindi ko pinansin ito. Nakababawi akong namansin sa kaniya noong una.

Kinukulit niya ako ng kunukulit habang kumain. Naasar na ako pero hindi ko pinapahalata. Konting-konti na lang talaga masisigawan ko ito, dito sa harapan ko.

Baby! Kailan mo ako sasagutin? pangungulit paring tanong niya.

Ano ba! Hindi ka ba titigil sa kakatatanong niyan? Hindi ka ba napapagod?! sigaw ko na dahil naasar na ako sa kakulitan niya.

Nagulat ako ng bigla niyang hampasin ng malakas ang table na inaakupa ko. Napatayo ako at sinigawan ulit siya dahilan para makuha namin lahat ng attensyon ng lahat ng mga ibang estudynteng kumakain sa loob ng cafeteria.

Ano bang problema mo ha!! inis kong sigaw sa kaniya.

Ikaw ang problema ko! galit na sigaw niya sabay mahigpit na hinawakan ang braso ko.

Ano ba Nicolas nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako! sigaw na hinahampas ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Masakit? Mas masakit yung iniiwasan mo yung tanong ko! sabi niya sa tenga ko.

Ano ba bitawan mo nga ako! asar kong sabi sa kaniya pero ayaw niya akong bitawan.

Aron na saan kana ba?...

Sabay kaming napating sa may sumigaw sa labas ng cafeteria.

Hooooy Nicolas! sigaw ni Aron na kakapasok lang ng cafeteria kasama ang mga kaibigan niya na kagagaling lang sa practice.

Lumapit sila sa pwesto namin,binitawan naman ni Nicolas ang braso ko at hinarap niya sila Aron at mga kaibigan nito.

Sino ka ha! maangas na sigaw ni Nicolas kay Aron.

Ikaw sino ka ba ha! Bakit mo sinasaktan si Zai? maangas ding sagot ni Aron.

Manliligaw niya! Bakit sino ka ba ha! maangas paring sagot niya.

Manliligaw?! sarkastikong tanong niya. HAHAHAHA tawanan nilang mga magkakaibigan. Well, Ako lang naman ang kuya niya! Bakit may angal ka! sarkastikong sagot ni Aron.

Nakita kong mukhang namutla si Nicolas sa sinabi ni Aron sa kaniya.

HAHAHAHAHAHA tawanan na naman ulit nilang magkakaibigan. Bakit mo sinasaktan ang kapatid ko ha!? seryosong tanong ni Aron. Manliligaw ka lang naman niya at hindi KAYO! sarkastikong tanong ulit ni Aron at may diin sa huling sinabi.

Natahimik si Nicolas at hindi alam ang sasabihin. Hanggang sa dumating ang mga kaibigan niya at aambahan sana ng nila ng suntok ang mga kaibigan ni Aron pero pinigilan ni Nicolas sila.

Psh! Iling-iling na sabi ni Laurent.

Napatingin naman ako kay Laurent na ngayon lang nagsalita. Napaatras naman ang kaibigan ni Nicolas ng mapansin si Laurent sa may gilid ni Aron na walang ganang makinig sa usapan.

Baby!

Naiinis ako kay Nicolas, ayaw pang umalis sa harap namin!.. Naghahanap atta ng away.

Ano! Aalis kayo o magsusuntukan tayo dito? maangas na tanong ni Herance sa likod ni Laurent.

Tara na Nick! yaya ni Juanito sa kaibigan.

May araw din kayo sa akin! Tandaan niyo ito. Zaila baby! Hindi ako titigil hanggang sa hindi mo ako sagutin. nagbabalang sabi ni Nicolas saka tumalikod na sila ng mga kaibigan niya at unalis sa loob ng cafeteria.

We will keep that dude! pang-aasar ni Jayden.

Nang tuluyan na silang makalabas ng cafeteria ay lumapit sa akin si Aron at niyakap ako.

Okay ka lang Zai? May masakit ba sayo? sunud-sunod na nag-aalalang tanong ni Aron sa akin habang magkayakap kami.

Napatingin ako sa direksyon ni Laurent ng magsalita siya.

Tsk! iwas na sabi ni Laurent.

Oo ayus lang ako Aron. nakangiting sagot ko saka ako bumitaw sa yakap niya.

Ginulo niya naman ang buhok ko. Sigurado ka ha! tanong niya. Tumango-tango lang ako bilang sagot.

Napasinghal siya ng malalim at niyaya akong umupo sa lamesang inaakupa ko niya. Ganun din ang mga kaibigan niya.

Pagkatapos naming magbreak ay bumalik na kami sa sari-sarili naming rooms, hinatid ako ni Aron para makasiguradong wala ng mangugulo sa akin.

Mga ilang minuto lang ay pumasok na ang mentor namin at nagsimula ng magdiscuss. Pagkatapos niyang magdiscuss ay innounce niya sa amin na kung sino ang may gustong tumakbo bilang SSGO (School Supreme Goverment Officer) para sa school year na ito. Pinahayag niya din ang mga requiremence na kailangan sa pagtakbo bilang officials.

Pumili kayo ng gusto niyong tumakbo bilang President at V-President sa mga kaklase niyo. Except sa mga class officers na. sabi ng mentor naming si Miss Sumait.

Miss Sumait. taas kamay ni Julius.

Yes Mr? tanong ng mentor namin.

Si Zaila Kate Perez po ang nababagay sa posisyong President Miss. suggestion niya at nakangiting nakatingin sa akin.

Patay kang bata ka!... Anong alam ko sa pagiging presidente? Wala akong experience.

Nice! So Miss Perez prepare you requiremence tomorrow morning. ani ng mentor sa akin.

Pero mi---?! protesta ko pero masama ang tingin niya sa akin.

Pakshet!

Napahinga ako na lang ako ng malalim. Nakakainis naman kasi Julius eh! Anong alam ko sa pagpapatakbo ng SSGO? Bahala na si bathman...

Bacause I Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon