I AM BETINA TIARA.
18th birthday ko nang pumunta ako kasama ng buong pamilya ko sa horizonte province para magkaroon ng selebrasyon sa kaarawan ko. Three days, beach house, adventure-- sobrang saya ko noong sabihin sa akin ni papa 'yan. Gusto ko pa nga sanang imbitahan ang mga kaibigan ko pero isang van lang ang dala namin at sakto lang para sa aking buong pamilya.
Nandiyan si mama na alas kuatro palang ng umaga ay gising na kahit na 9 am pa naman ang byahe namin. Parang si papa, alas singko palang, nakabihis na. Si ate naman, gumising nga ng maaga pero mas inuna pang batiin ang boyfriend kaysa sa akin. Si kuya, tulog-mantika kaya sa huli, siya ang pinaka hinintay ng lahat bago umalis.
Wala mang enggrandeng handaan at 18 roses, para sa akin, makasama lang ang pamilya ko sa mismong araw na 'yun ay wala na akong hihilingin pa.
That was the most memorable and happiest birthday for me...
...that's what I thought.
Nang araw din iyon, bago kami makarating sa paroroonan namin... ay sinalubong kami ng isang madilim na trahedya.
Nawalan ng preno ang sinasakyan naming van at nahulog sa mataas na tubig.
They all died...
Except for me.
Ayon sa mga taong nakakita sa akin, palutang-lutang daw ang katawan ko nang makita nila. Akala nila ay patay na 'ko, pero dahil may isa sa kanila ang marunong sa CPR ay nailigtas ang buhay ko sa bingit ng kamatayan.
Gusto na nilang mawalan ng pag-asa noon dahil mag-iisang oras na akong binubuhay pero... heto, himala na nabuhay pa ako.
I am the only one who survived in my whole family.
Inampon ako ng isa sa nakapulot sa akin noong na-aksidente ako. Si Nanay Gretta, 58 years old, tindera ng isda sa palengke, nag-iisa sa buhay.
Pinag-aral niya ako at pinagpatuloy ang kursong, Doctor of Veterinary Medicine, sa isang pribadong paaralan. Iyon ang gusto mangyari ni Nanay Gretta, ang suportahan ang gusto ko sa pagiging duktor sa mga hayop.
Hindi naging madali ang lahat. Pero dahil ayaw ni Nanay Gretta na magshift ako ng course, tinulungan ko siya sa mga gastusin. Nag-part time job ako sa isang restaurant at tumagal ng tatlong taon. Laking tulong din naman no'n dahil ngayon, isa na akong ganap na veterinarian at may maliit na clinic.
Pero mapaglaro talaga ang buhay... life, is full of twists and turns.
Nabalitaan kong marami na palang sakit si Nanay Gretta. Myocardial infarction; also known as heart attack. Type 1 diabetes; autoimmune condition. Dimentia-- na pwede nang humantong bilang alzheimer's disease-- na siyang kinakatakot kong mangyari.
I'm afraid to lose someone so important to me again...
Wala na akong tulog. Umaga nasa clinic na ako, pagdating ng hapon hanggang gabi dadalawin ko pa si Nanay Gretta sa ospital para kumain at magpalit ng damit. I rarely have time with my own friends who was once there to encourage me when I'm at my weakest...
Kaya naman pinipilit kong makabawi sa kanila. Sa mga kaibigan ko at kay Nanay Gretta. They are my lucky gem treasures.
Kagaya ngayon...
"Tiara, susunod ka ah? Anong oras ka aalis?" tanong sa akin ni Kayecie, isa sa mga kaibigan ko.
Pinasok ko ang mga dokumentong hawak ko sa isang envelope at maingat na nilagay iyon sa shelf bago siya harapin. Nakaupo siya sa kulay puting sofa na nandito sa clinic ko at umiinom ng bottled softdrinks
BINABASA MO ANG
Below The Tide (Charity Series #1)
General FictionCHARITY SERIES #1 Betina Tiara Garrison, is a Veterinary Doctor who was the only survivor from a tragic accident and lost her whole family during a trip in her 18th birthday. After she was saved by someone, she thought that her late family was enoug...