Betina Tiara
~
Halos hindi ako nakatulog kagabi kaiisip sa mga nabasa kong mensahe galing kina Kayecie. Talagang siniraan nila ako social media kahit na hindi naman iyon ang intensyon ko noong una.
Pero mas inisip ko na baka nga puntahan nila si Nanay Gretta. Hindi ko alam kung nagpunta na ba sila do'n o magpupunta palang pero nang makausap ko si Carmille kagabi, sinabi ko na ipalipat ng ospital si Nanay Gretta para lang makasigurado ako.
Kakapasok ko lang sa Protegé Incorporation building nang makatanggap ako ng text mula kay Carmille.
From: Carmille
Good morning, Ma’am Betina! As of now, kararating ko lang sa hospital at katabi ko na si madam, kumakain na po siya ng breakfast. Nakausap ko na rin ang duktor n‘ya at pwede na siyang i-discharge mamayang 12 pm para ilipat sa Health Object Hospital.I sighed in relief. Thank god I got my assistant.
Kahit sinabi ni Seven na hindi ako pwedeng lumayo sa lugar na 'to nang mag-isa, sa tingin ko ay hindi n'ya ako mapipigilan. I'm aware of the person who led me in this group, but I'm more concern about my mother. I need to see and talk to her in person before accepting this job wholeheartedly.
Lumakad na ako para pumila sa elevator nang biglang may tumawag sa akin.
Pagtingin ko, nakita ko agad ang matangkad na lalaking may suot ng maong black jacket at puting shirt sa loob. Naka-cup ito ng itim at naka-face mask. Sa isang kamay n'ya ay may hawak siyang isang plastic cup na sa tingin ko'y kape, ang isa nama'y ice coffee.
Para akong naestatwa kaya naman napailing ako sa sarili.
I've already met him once so enough getting starstruck, Betina!
"Good morning, Betina. Great timing." usal n'ya nang makalapit. Naamoy ko tuloy agad ang mabango n'yang amoy.
"Good morning," mahinang sagot ko.
I heard him chuckled, "This is your first day, right? Will someone go to help you? If none, I will be gladly to help you today."
Naalala ko si Gavin.
"Si Gavin. Sabi n‘ya tutulungan daw n‘ya ako ngayong araw."
"Huh? So he’s going to ditch his class?"
"Hindi ko alam," sandali kaming nanahimik habang naghihintay ng elevator. Saka ko naalalang magtanong sa kan'ya, "Zen... you’re a celebrity, right? Why are you here?"
"I came from rehearsal this morning. So visiting you isn’t a problem."
Huh?!
"E ‘di wala ka pang tulog?!"
Ngumiti ang mata n'ya sa 'kin, gayon pa man, hindi halata sa kan'ya ang puyat. "I’m used to it. Though I’m worried about my skin... but I want to see you so I came."
Umiwas ako ng tingin, "Paano kung pagkaguluhan ka rito?"
"That’s why I’m wearing this," pagtukoy n'ya sa suot n'yang face mask at cup, "Oh yeah, did you eat breakfast? I brought you a cup of coffee, which one do you like? Hot or cold?"
Napatingin ako sa hawak n'ya na may tatak na pangalang, "Kaffeine," ibig sabihin lang nito ay sa mamahaling coffee shop n'ya pa ito binili.
Hindi ako nakapag-kape kanina dahil nawala sa isip ko. Gusto ko mang tanggapin pero nahihiya ako sa kan'ya.
Sanay naman ako na inaalok ni Carmille ng kape sa clinic, pero iba pa rin ang feeling kapag isang artista ang nag-aalok sa 'yo-- lalo at si Zen ito. Hindi ko maiwasang humanga.
BINABASA MO ANG
Below The Tide (Charity Series #1)
Fiction généraleCHARITY SERIES #1 Betina Tiara Garrison, is a Veterinary Doctor who was the only survivor from a tragic accident and lost her whole family during a trip in her 18th birthday. After she was saved by someone, she thought that her late family was enoug...