Betina Tiara
~
Kinabukasan ng tanghali, kahit na binabalot ng takot ay napagpasyahan kong umuwi muna sa bahay para kumuha ng mga gamit. Binabalak kong manatili sa ospital nang hindi umaalis, hindi ko masasabi kung baka pati si Nanay Gretta, madamay dito.
Lalo't minsan nang dumalaw si Kaycee rito sa ospital para tignan ang kalagayan ni Nanay Gretta. Kapag tinukoy niya ito kina Olyn, maaaring may madamay... kaya kailangan kong protektahan si Nanay Gretta.
Kung mayro'n lang akong kamag-anak o iba pang kaibigan... baka pwede pa akong humingi ng tulong sa kanila. Ang kaso, hindi naman lahat ng kakilala mo ay tutulong sa 'yo. Hindi lahat, handang tumulong para sa 'yo.
Bitbit ang malaking bagpack, lumabas ako ng bahay at ni-lock ang pintuan nang biglang may magtakip ng kamay sa bibig ko, bagay na kinalaglag ng susi sa aking kamay.
"Ikaw si Betina Garrison?" mahina pero malalim na tanong ng lalaki sa likuran ko.
Nanlaki ang mata ko. Sino 'to at paano niya nalaman ang pangalan ko?! Ito na ba 'yung sinasabi sa akin ni Carmille?!
"Maling-mali na umuwi ka pa... kagabi pa kita inaabangan dito, Betina." nilapit niya ang bibig sa aking tenga, "Napag-utusan lang ako ng tatay ni Olyn, walang personalan."
Umatras siya bigla at doon ako nawalan ng balanse, nanatiling nakatakip sa bibig ko ang kamay niya at sa mga oras na ito, walang nagagawa ang pagpupumiglas ko. Unang pumasok sa isip ko ang mukha ni Nanay Gretta.
Hindi pwede, hindi pwede 'to!
Nang akmang ipapasok na ako sa loob ng itim na van ay doon ako nagkaroon ng pagkakataong itulak ng malakas ang lalaki at ihampas sa kan'ya ang bitbit kong bag. Na-alerto ang iba pa niyang kasama kaya naman mabilis akong tumakbo palayo at iniwan na ang mga gamit ko. Sa puntong 'to ay gusto kong sumigaw ng tulong pero hindi ko alam kung bakit parang hindi ko magawa. Pagtakbo lang ang siyang kaya kong gawin sa ngayon.
Nangingilid ang mga luha ko habang tumatakbo ng mabilis, wala na 'kong pakialam kung mumurahin ako o ano ng mga nakakabangga ko, ang importante, makalayo ako at makabalik kay Nanay Gretta.
Inis kong pinunasan ang luha ko gamit ang nakakuyom kong kamao at sa pagtingin ko ulit ay hindi ko namalayan na may lalaking naglalakad sa mismong harapan ko dahilan para malakas ko siyang mabangga.
Sa lakas ng pwersa, nagdulot 'yun ng pagkahilo sa akin dahilan para maging blangko ang paningin ko.
' ' '
Nagising ako sa isang malaking kwarto. Sa tingin ko ay isa itong apartment. Bumangon ako at nilibot ang paningin sa paligid. Nasa ibabaw ako ng malambot at kulay puting kama, ang ilaw na nakikita ko sa itaas ay isang LED crystal chandelier light, mayro'n ding split aircondition sa gitna ng sala, maliit at kulay abo na sofa sa gitna, round glass dining table, malaking brown fluffy carpet sa sahig, malaking wall tv at sa ibaba no'n ay isang itim na laptop.
Napahawak ako sa ulo ko. Nasaang lugar ako?
Saka ko lang naalala na may humahabol sa akin kanina at aksidenteng may nakabangga ako. Hindi kaya bahay niya ito?
Tumayo ako sa kama at napagdesisyunang umalis na lang. Walang tao sa paligid kaya wala rin akong pasasalamatan sa pagliligtas sa akin, isa pa, kailangan kong makabalik agad ng ospital. Nag-aalala ako kay Nanay Gretta.
BINABASA MO ANG
Below The Tide (Charity Series #1)
Ficción GeneralCHARITY SERIES #1 Betina Tiara Garrison, is a Veterinary Doctor who was the only survivor from a tragic accident and lost her whole family during a trip in her 18th birthday. After she was saved by someone, she thought that her late family was enoug...