Betina Tiara
~
Pagkatapos kong makipag-meet sa isang guest, nagkita kami ni Carmille sa isang restaurant. Nagulat na lang ako nang magyaya siya na kumain kami sa labas, sanay din kasi kaming mag-usap sa clinic pero dahil hindi na 'ko nakakadalaw do'n, sa messenger na lang kami nakakapag-usap.
"Kumusta ka ro’n, Ma’am Betina?" tanong n'ya.
"I’m fine. But how about you and Nanay Gretta? Hinahanap n‘ya ba ako?"
Tumango ito bilang sagot, "Pero pinaliwanag ko naman sa kan‘ya ulit na nagta-trabaho ka sa medyo malayong lugar. Gusto ka n‘ya makita, Ma’am. Kailan mo ulit balak dumalaw?"
"Pakisabi na dadalaw ako ngayong linggo."
Hindi ko maipagkakaila na sobrang miss ko na si Nanay Gretta. Ang tagal ko na siyang hindi nakikita at hindi ako sanay sa gano'n, gayunpaman ay tinitiis ko hindi lang dahil sa organisasyon na mayro'n ako ngayon kung 'di para na rin sa kaligtasan n'ya.
Hindi pa 'ko sigurado kung tuluyan nang tumigil sina Olyn sa paghahanap sa 'kin. Pero sa kinalalagyan ko ngayon, kampante naman akong ligtas ako at si Nanay Gretta.
How I wish they give up...
"Ma’am Betina."
Sumimsim ako sa iced tea na hawak ko at hinintay ang sasabihin ni Carmille.
"May gusto palang makipagkita sa inyo."
"Sino?" binaba ko ang baso at marahang nagpunas ng labi.
"Tiara."
Literal akong nahinto sa boses na narinig ko. Kaagad na rumehistro ang mukha ng dati kong kaibigan sa isip ko. Kinabahan ako, kahit pa marami namang tao rito.
I swallowed hard and gave Carmille a sharp glance. Tikom ang bibig n'ya at nangungusap ang mata sa 'kin.
"I wanted to talk to you, Tiara..." mababang bulalas ni Kayecie.
I tried to redeem myself and turned to face her. She was standing right next to me. I was obviously set up by my own fucking assistant.
Naalala ko kaagad ang mga pinagsasabi n'ya sa akin nang magtama ang paningin namin.
Kumirot ang puso ko. This is the face of a girl who chose to distrust me. I missed her, I missed my best friend. But at the same time, I can't help but feel hurt.
Tinapunan n'ya ng tingin ang assistant ko at tinanguhan, kasabay no'n ay tumayo si Carmille at yumuko.
"Ma’am Betina, I’m sorry... she was the one who reached me and asked for my help. G-Gusto ko lang kasi na luminis na ang pangalan mo sa social media," she said, sincerely apologizing.
I chose not to answer. This is not the right place to castigate her, I believe.
Pagkaalis ni Carmille sa harapan namin ay siyang pag-upo naman ni Kayecie sa tabi ko. Hindi na 'ko sanay na ngumingiti siya sa 'kin, naninibago na ako.
"Tiara... alam kong nagkamali ako. Napag-isip-isip ko na dapat na kitang patawarin sa mga nagawa mo. Tutol sina Olyn sa suhestiyon kong ito pero ayoko nang mas palalain pa ito," hinawakan n'ya ang kamay ko, "Maging maayos na tayo... tulad ng dati, Tiara."
Ilang beses akong napakurap sa harapan n'ya. Kitang-kita ko ang pagkasinsero sa maamo n'yang mukha... katulad ng dating Kayecie.
Gano'n pa man ay hindi pa rin naaalis sa isipan ko ang mga sinabi nila sa akin... lalo na at tumatak na sa isip ng mga tao ang nagawa ko. Because in the first place, I know it's me who’s at fault for everything they’ve been through.
BINABASA MO ANG
Below The Tide (Charity Series #1)
General FictionCHARITY SERIES #1 Betina Tiara Garrison, is a Veterinary Doctor who was the only survivor from a tragic accident and lost her whole family during a trip in her 18th birthday. After she was saved by someone, she thought that her late family was enoug...