"Oo nga 'ba?"
Di niya ako tinignan at tumingin lang sa kalsada. Nagdrive-thru lang kami bago niya ako ihatid. Babayaran ko pa nga siya kaso sabi niya ay para naman daw siyang uber kaya tinanggihan niya nalang ako.
Pagkauwi, dumiretso ako sa kuwarto pagkatapos magpaalam kayla Mom. I wanted to text Vian but maybe he's busy. Baka rin ayaw niya o isipin niya na hindi ko siya nahintay. Ugh, basta.
"Falling in love is so hard, huh?" I chuckled while looking at the ceiling.
"Very."
Napatalon ako sa kama ko nang makita si Dad na nakasandal sa pintuan ng kuwarto ko.
"D-Dad," I smiled.
"So, who's making you say all these?" He twirled his pointed finger at me while smirking.
"No one! Wala kaya!" Depensa ko.
Tinasaan niya lang ako ng kilay. "Really?"
"Yes po.."
"Kala ko ba naman maglo-love therapist ako ngayon," he chuckled before heading out of my room.
"Wait!"
Napalingon siya sa 'kin at naghintay ng sasabihin ko.
"Uhm, goodnight.." I smiled. What the fuck.
He started laughing. "Parehas na parehas kayo ng kuya mo," he said before leaving my room.
Kuya? May nililigawan ba 'yon? Imposible! Nagmumukha man siyang playboy at nakikisama kay JC but it will never happen, he's torpe!
—
"Kinakabahan ako sis," sabay humawak si Erika sa kamay ko.Sila na ang sunod na magdedefense kaya todo ang kaba niya. Ewan ko ba dito, parang hindi nagpre-present sa harapan nung elementary siya. Nakaupo lang kami sa may bench sa labas ng classroom.
"Ano ka ba, magaling naman kayo," I tried to comfort her. "Matalino naman 'yang si Zeke."
Lumingon siya sakin at umiling lang.
Her pair, Zeke, was beside her. Busy kumalikot sa laptop. Parang crush niya na nga dahil mukhang namumula na siya di dahil sa defense kung di sa katabi niyang mala-four eyes sa anime.
"Alfonso, Cañeda?" Lumabas sa room si Bea kasabay ng dalawang kakadefense lang. Mukhang masaya naman sila, maganda comment siguro.
"Goodluck!" I pat Mica's shoulders and gaze at Zeke. He just gave me a small smile bago yayain si Erika na halos naka-glue na ang pwet sa upuan.
Pumasok na silang dalawa sa room kaya naiwan ako sa bench. Naghahanda ang iba sa cafeteria o sa mga outside tables. I just opened my phone to browse on social media.
"Hey." I almost jumped when someone sat beside me.
"Hey."
Kinuha niya ang laptop niya sa bag. He didn't talk which made the atmosphere so weird. Napalingon ako sa ibang direksyon nang lingunin niya ako.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya bigla. Aba, pafall talaga.
"Pafall naman niya," Asar ko para hindi maging awkward.
BINABASA MO ANG
Our Unwritten Love Story (Senior High Series #1)
RomanceIf only we met sooner, things would've been different, wouldn't it? SHS #1. JC is a Campus Casanova and is continue to keep breaking hearts. As he start dating Maddie, he was unsure of his feelings, leading it to Maddie thinking he was mundane. (dis...