Chapter 03

3.1K 27 0
                                    

Pagkatapos magserve ni Sophia ay naupo siya sa upuan sa counter. Napansin niya si Mikay naka-rarating lang na parang kinikilig at namumula ang pisnge.

"Uy, Mikay anong nangyari sayo?" Takang tanong niya dito.

"S-si Sid kasi kiniss ako sa cheeks!"sabi pa nito kilig na kilig na napahampas sakanya.


"Sino naman yun?" tanong ni Sophia dito.

Nanlalaki mata tinignan siya ni Mikay.

"Si Sid Montreal, Sophia wala kabang social media " Napailing-iling pa si Mikay sa kanya.


May cellphone siya pero wala siyang social media account. Hindi naman kasi siya marunong nun at abala lang iyon sakanya.



"Ah talaga ba" sabi nalang niya at tumingin tingin sa paligid.

"Aminin mo, Sophia taong bukid ka no!" Malaking matang tinignan siya ni Mikay.

"Eh, hindi ko naman yun kilala eh" sagot niya dito.

"Siya lang naman si Sid Montreal ang gwapong bussiness man slash artista!" Nakapamewang na sabi ni Mikay sa kanyang harapan.

Kaya napatingin siya sa sinsabing Sid Montreal gwapo nga kaya lang magpagka-playboy ang dating nito. At halos mapamura siya ng nakatingin sa kanya ang katabi nito.

Hindi niya maiwasan ang paglunok ng laway ng makita niya nagtaas ito ng sulok ng labi.




HALOS hindi makakilos ng maayos si Sophia ng gabing yun lutang siyang nagserve ng mga inumin.

"Ang gwapo talaga ni Sid" kinikilig parin sabi ni Mikay.

"Naku Mikay wag kang assuming gagawin kalang parausan ng Sid na yun." pambabara ni Nestlea kay Mikay.

"Ang sabihin mo inggit kalang,"

Inirapan lang ni Nestlea si Mikay at nauna ng lumabas. Alas tres na ng umaga at magsasara na sila. Nagpaalam na siya sa mga katrabaho na mauuna na siya.


Naglalakad na si Isabela papuntang sakayan ng dyip ng tumigil ang kotseng itim sa kanyang tabi. Bumukas ang pinto nito at lumubas ang lalaki.

Napaawang ang labi ni Sophia ng makita kung sino ito.

"S-sir?"


"Hey"


"B-bakit po ser?" Nahihiyang tanong ni Sophia.


"Ihahatid na kita" Alok nito habang nakatingin sakanya ang mga mata nitong kulay asul.

"Ay wag na po nakakahiya" sabi ni Sophia dito.

Bakit naman siya papayag ni hindi nga niya kilala ang lalaki. Baka may masama pa ito gawin sakanya.

"No, ihahatid na kita at wala ng pampasaherong sasakyan ang dumadaan sa lugar nato sa ganitong oras"

Napakagat labi siya totoo ang sinabi nito wala ng dyip o taxi ang dumadaan sa mga oras nato at delikado rin sa daan lalo't wala pa siyang kasama. Hindi nalang umimik si Sophia nang iginiya siya nito sa passenger seat. Halos panawan siya ulirat sa kabog ng kanyang dibdib.

Mukanghang mabait naman ang lalaki kaya kampante siya na hindi siya nito ipapahamak. Napabuga siya ng hangin at mahigpit na nilakumos ang hawak na shoulder bag.

"Ahm" Napatikhim siya at tumingin sa lalaki.

"What" Kunot noo siya nito tinignan.

"Ah wala po" Nahihiyang yumuko si Sophia. Napakagat labi siya dahil sa pagkakapahiya.

Inabala nalang niya ang tingin sa nadadaanang establisyamento.Tumigil sang sasakyan sa harap ng kanilang bahay.

"Sir bakit niyo alam ang bahay namin?" Takang tanong ni Sophia dito.

"N-nabanggit mo kanina" Sabi nito bumaba na ng sasakyan. Nagtataka naman siya dahil naging balisa ito. Inaalala niya kung nasabi siya kanina pero parang wala naman siya nabanggit dahil hindi niya kinakausap ang lalaki napailing-iling nalang siya.

"Salamat po sir?"

"I'm Sebastian Sebastian Alastair Constantine ," Pagpapakilala nito at nagabot ng kamay sakanya.

"Ako po si Sophia Makatarungan." Sagot ko at inabot ang kaniyang kamay. Halos hindi na nito bitiwan ang kaniyang kamay.

Agad siya pumasok ng bahay nila nadatnan niyang tulog ang ina sa kwarto nito. Pumasok siya sa kanyang kwarto at pagod na nahiga sa kama.

Nakahiga siya sakanyang kama at iniisip parin ang gwapong si Sebastian Alastair Constantine.

Agad siya napabangon at hinanap ang celphone sa shoulder bag. In-open niya ang cellphone at i'click at nag search sa google.

Sinearch niya ang pangalan na Sebastian Alastair Constantine napakagat labi habang hinihintay magloading at lumabas ang resulta. Halos walang lumabas na resulta sa google kaya nawalan siya ng pagasa at in off nalang ang phone at nahiga ulit.

Pipikit na sana siya ng tumunog ang cellphone nya. Kinuha niya cellphone sa uluhan at tinignan ito.



"goodnight sweetheart..."




Hindi naka phonebook ang number sa cellphone ni Sophia na ikinalaki niya ng mata. Sinong loko loko naman to ng trip sa kanya.

Owned By Him (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon