Chapter 09

1.7K 23 1
                                    

Nagising ako ng maramdaman ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Gabi na pala ang naalala ko lang ay nakatulog ako sa kakaiyak. Dahan dahan akong gumalaw. Napalingon ako sa lalaking katabi ko , humigpit ang kanyang yakap kaya napahiga ulit ako.

Naluluhang napatingin ako sa kisame. Ano nalang ang sasabihin ng inay sa akin siguradong nag-alala na sila saakin. Akala ko ay mabait si Sebastian pero hindi pala isang patunay ang pag kidnap niya saakin. Kinamumuhian ko siya.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa orasan alas tres ng madaling araw na. Dahan dahan ako bumangon at tinanggal ang brasong nakayakap saakin bewang.

"D-diyos ko tulungan mo po ako.." Bulong ko sa sarili ng mahawakan ang door knob. Napangiti ako ng hindi ito nakalock.

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan ng walang ingay. Maraming tauhan ang nagkalat sa kaniyang mansyon nakakatakot din ang mga hitsura nito dahil may dalang baril. Ano kaya ang trabaho ni Sebastian bakit marami siyang tauhan. Isa kaya siyang drug lord.

Kaya kailangan kung mag double ingat.

Mabuti nalang at medyo madilim ang bahay niya dahil nakapatay ang mga ilaw. Naaninag ko ang pinto nakakasiguro ako na ito ang maindoor. Abo't hininga ng makalabas ako ng maindoor, Nagmamadali kung tinakbo ang gate.

Wala akong pakialam kahit naka paa lang ako. Ang importante ay makatakas ako rito. Tila nawalan ako ng pag-asa ng makitang nakasarado ang gate wala akong choice kundi ang akyatin ito.

Napapakikit ako ng mawalan ako ng balanse mabuti nalang at nakahawak ako sa isang bakal.

"SOPHIAAA!"

Rinig kung sigaw ni Sebastian.

Nataranta akong binilisan ang pag-akyat. Nanginginig rin buo kung katawan dahil sa takot.

"FUCK HANAPIN NIYO!"

"I SWEAR SOPHIA PAG HINDI KA LUMABAS MALILINTIKAN KA SAAKIN, WAG MO AKO GALITIN HONEY! "

Napapikit ako isa nalang Sophia makakaalis kana dito.

"A-aray!"

Sigaw ko ng matapakan ko ang bato, Napaiyak ako sa sakit napilayan ata ako.

"TANG*NA HANAPIN NIYO!"

Medyo malayo na ako sa mansyon pero rinig ko ang pagkakagulo roon. Hindi ko alam kung saan lugar ito pero puro talahiban ang nakikita ko wala din kabahay-bahay dito tanging poste lang ng kuryente ang nagsisilbing ilaw sa spaltong daan.

"L-lord help me please..."

Nakarinig ako ugong ng sasakyan papalapit dito. Agad tumakbo at nagtago sa talahiban. Napapikit ako ng tumigil ang sasakyan.

"Sophia, I know you are there honey!"

Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makalikha ng ingay.

"My honey Sophia, Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko pag hindi ka lumabas!" Pinipigilan ko rin ang aking paghikbi.

"Boss, wala siya rito kakaalis lang ng delivery truck sigurado ako na nakasakay siya doon." Rinig kung sabi ng isang tauhan.

"Saan patungo ang delivery truck?"

"Pabalik ng benguet boss." Sagot ng tauhan nito.

"Okay sundan natin, Rex maiwan ka rito bantayan mo ang mansyon!"

"Masusunod bossing,"

"Let's go" Rinig ko ang kanyang pagbuntong hininga at paglayo ng mga yabag ng paa. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang pag-start ng kotse.

Pinunasan ko ang luha at nagsimula tumakbo palayo sa lugar na yun.

Owned By Him (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon